Nathalie's POVKasalukuyan akong nasa classroom ngayon,naka upo at walang magawa nang bigla kong maalala na kakausapin ko nga pala si Tristan dahil baka may nagawa akong mali kaya sya nag kakaganon.
Panandalian lang ako naghintay at maya-maya lang ay nahagip na ng mga mata ko ang kakarating na si Tristan.
Tatayo na sana ako para kausapin sya nang biglang dumating yung mapeh teacher namin.
"Good morning miss Camille!" Sabay sabay naming bati ng mga classmate ko.
"Good morning din!" Pabalik na bati ni miss Camille sa amin.
"Class I have an announcement" sambit ng aming guro na nakapag pa pukaw ng attention naming lahat.
"So since malapit na ang bakasyon magkakaroon tayo ng biglaang periodical exam ngayon,may paparating kasi na bagyo kaya napa aga yung exam natin so now I'm giving you guys 20 minutes to review our last topic." Sambit nito.
"Your timer starts now" at nagsimula na nga kami mag review.
Ewan ko pero kasi kapag may taong galit sakin or hindi ako pinapansin,hindi ko magawang mag focus sa ginagawa ko,iniisip isip ko sila.
Kaya ngayon ito ako naguguluhan kung ano ba talaga ang problema ni Tristan.
Utak mag review ka wag mo ako pabayaang bumagsak sa exam na'to.
Nag review lang ako ng nag review ng music,arts,p.e and health hindi ko alam kung may pumapasok ba talaga sa utak ko pero sana nga meron.
"Time's up" sambit ng guro namin.
Maya maya lang ay pinatago na nya sa amin ung mga reviewers namin at nag bigay na ng test papers at bubble sheet.
Habang nag te-test ako di ko maiwasang mapalingon kay Tristan,hindi naman sa gusto kong mangopya ng sagot pero parang may mali talaga sa akin eh.
Nathalie kaya mo to,mag focus ka sa periodical test nyo wag diyan sa pinoproblema mo,mamaya na yan!
Tama ka utak mabuti at nag pa process ka,kaya naman isinantabi ko muna yung problema ko mahirap man dahil nga gaya nga ng sinabi ko kanina di ako sanay ng merong galit sakin pero kailangan kayanin.
Maya maya lang ay natapos na ang exam namin. Pinasa ko na ang bubble sheet at answer sheet ko.
Niligpit ko ang gamit ko at agad na hinanap si Tristan ngunit pag lingon ko para syang bula na bigla nalang nag laho. Ang bilis nya naman maka alis.
"Nath halika na! Punta na tayo sa canteen." Sambit ni Jenna. Napatango nalang ako pero ung mata at ulo ko nakatuon parin sa pag hahanap.
Kasalukuyan kaming nag lalakad nang mahagip ng mata ko yung daan patungong rooftop.
"Ahhmm Jenna,Clementine,Keith and Hayden may pupuntahan lang muna ako ha! Mauna nalang muna kayo sa canteen susunod nalang ako." Sambit ko sa kanila at nag nod lang sila.
Nakakatuwa lang isipin na yung mga kaibigan ni Tristan hindi padin ng iiwan pero sya hindi ko alam kung anong problema.
Kasalukuyan ko ngayong tinatahak ang daan papuntang rooftop ng maka amoy ako ng usok...
Amoy usok ng sigarilyo, san kaya nang gagaling yun?
Dumiretso lang ako ng dumiretso hanggang sa nakarating na ako sa rooftop.
Mausok dito at tila tama yata ang hinala ko na dito nang gagaling yung amoy usok ng sigarilyo.
Nilibot ko ito at may nakita akong tao.
Nakatalikod sya at nakalapag yung bag nya...
Tila kilala ko ito, sya ata yung hinahanap ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya habang nakatalikod sya at habang papalapit ako papalakas din ng papalakas yung naririnig kong boses na naiyak.
Sya ba yung naiyak?
Nang makarating na ako sa likod nya dahan dahan kong hinawakan yung likod nya.
"May problema ba?" Tanong ko.
Inaalis nya naman yung kamay ko na nakahawak sa likod nya.
Humarap sya sakin at agad na hinagis yung hawak nyang sigarilyo at tinapakan.
Kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot at pagod, hindi ko alam kung dahil yun sakin.
"Ako ba yung dahilan kung bakit ka nag kakaganyan ngayon? Did i do something wrong?" Muli kong tanong sa kanya pero naka titig lang yung mga namumula nyang mata sa akin.
"Tristan pwede kang sumagot" sambit ko sa kanya pero parang wala parin syang naririnig.
Hinawakan ko sya sa balikat pero bigla nya nalang hinawi iyon.
"Trist! Please tell me kung may nagawa ba akong mali or masama" muli kong sambit.
"Trist we---" di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla syang nag salita.
"Hindi mo kasi naiintindihan Nathalie!" Madiin nyang bigkas.
"Ang alin Trist? Ang alin ang hindi ko naiintindihan?" Sambit ko sa maamong boses.
"Hindi mo naiintindihan dahil wala kayo sa kalagayan ko! kaya mabuti pa umalis ka na?!" Sigaw nito na ikinagulat ko.
Hindi ito yung Tristan na nakilala ko. Hindi naman sya ganito dati. Hindi ko pa sya lumubusang kilala pero alam ko sa mga mata nya na hindi sya ganito dati marahil may problema sya.
"Tristan kaibigan mo ako! Pwede mong sabihin sakin yang problema mo! We're friends right?" Sambit ko sa kanya.
"Hindi..hindi..hindi!" Mula sa mahina hanggang papalakas na boses na sambit nito.
Hindi ko sya maintindihan,hindi ko alam kung anong hindi yung sinasabi nya. Kung yung tanong ko ba or may iba pa syang sinasagutan non.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Alam mo Nathalie umalis ka na! Kahit kailan di nyo ako maiintindihan dahil wala nga kayo sa kalagayan ko! Hindi nyo nararamdaman yung nararamdaman ko!" Muling pag tataboy nito sakin.
"Pero Tristan mag kaibi-----" muling pag putol nito sa sasabihin ko.
"Hindi tayo mag kaibigan kaya umalis ka na. Now go!" Pasigaw na sambit nito sakin.
Siguro nga hindi ko sya naiintindihan pero ang sakit naman isipin na tinuring ko syang kaibigan tapos sasabihin nya hindi kami mag kaibigan.
Ang sakit lang...
Gusto kong umiyak dahil sa pinag iisip ko pero wala akong magagawa kung yun yung turing nya sakin.
Nakayuko akong bumaba mula sa rooftop.
Di nalang ako di-diretso sa canteen di naman ako gutom.
Nilamon yata ako ng mga sinabi ni Tristan sakin.
Bumalik nalang ako sa classroom. Umupo nalang ako sa upuan ko at kinuha yung bag ko at saka ipinatong yung bag sa binti ko at isinubsob yung mukha ko tsaka ako umiyak ng umiyak.
Di siguro masakit sa kanya dahil yun nga ang turing nya sakin, hindi nya na ata napigilan ilabas sa bunganga nya yung katotohanan na di nga kaibigan ang turing nya sa akin..
Ang sakit lang talaga isipin...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you for reading this!
Hope you like it!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!
GOD BLESS US ALL AND KEEP SAFE♡
Aloha!💟
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Fiksi RemajaNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...