📖 69

87 8 2
                                    


Nathalie's POV

Hawak ko ang kamay niya. Natakbo kami ngayon. Hindi ko alam pero parang nakukuryente ang kamay ko ngayon. Nanginginig pa pero ang higpit ng hawak ni Tristan kaya medyo na le-lessen nito ang panginginig.

Siya nga ba ang dahilan ng pag lessen nito or mas lalo niya lang pinapanginig?

Hayst bahala na!

Hila-hila ko siya. Wala kaming bitbit na sasakyan ngayon, natakbo lang kami. Balak ko sana siyang dalhin sa secret place kung saan palagi akong dinadala ni Josh kapag nalulungkot ako.

Feeling ko naman hindi ako mag bre-break out pag nakarating ako ulit duon. Burado na ang ala-ala ko sa kaniya. Panibagong ala-ala na ito ngayon at ako naman ang magdadala ng taong malungkot duon. Not sure kung matutuwa siya pero hoping kasi ako natuwa ako eh.

Naisipan ko siyang dalhin duon dahil baka sakali marelax ang isip niya at makalimot siya sa problema niya.

"Teka Nathalie, bakit ba tayo tumatakbo? Hinihingal na ako. Hinto muna tayo." hingal na hingal na sambit ni Tristan.

Umupo naman kami sa isang bleacher katapat ng isang restaurant na nadaanan namin.

Nang maka upo na kami agad ko siyang tinanong, "Pagod ka na ba?" luminga naman ito sa akin at hingal na hingal nagsalita,"Sa pagtakbo? Oo."responde nito.

Nginitian ko lang siya.

Mukhang hindi niya nakuha ang tanong ko pero okay lang atleast sumagot siya.

Ang tanong ko sana ay kung pagod na siyang magmahal but he didn't get but it's fine.

"Why are you smiling like that?" biglang tanong nito habang ako nakatingin padin sa kaniya, "Wala lang, ang cute mo kasi pag hinihingal."

Nakita ko naman ang pamumula nang tenga nito.

Anong nangyayari sa kaniya?

"Woi! Okay ka lang ba? Bakit namumula ka? May masakit ba sa'yo? Masyado ka bang na exposed sa initan kaya namumula ka?" sunod-sunod kong tanong.

"A-ako? H-hindi ah!" sangguni naman nito sa tanong ko at napaiwas ng tingin.

Tumayo ito at saka nag salita, "H-halika na nga, takbo na tayo bago pa ako may masabing di mo dapat malaman."

Natahimik naman ako bigla sa sinabi niya.

Is he keeping secrets from me?

We're friends....

Oh sige na I treat him more than friends tapos may tinatago pala siya sakin na di ko dapat malaman?

What the heck is it?

He offered his hands on me but I didn't take it.

"Woi sabi ko halika na!" sambit nito pero tinitigan ko lang siya.

Muli itong bumalik sa pag kakaupo at saka nag tanong sa akin, "May problema ba Nathalie?" Tinignan ko ito ng diretso, "Ano yung hindi ko dapat malaman?"

"Huh?"

"Hindi mo ba talaga narinig or nag bi-bingi-bingihan ka?"

Hayst! Hindi ko alam ba't mainit ang ulo ko ngayon ang alam ko lang naiinis ako dahil may itinaago si Tristan sa akin.

"S-sorry."

"Don't say sorry, just answer my question." masungit kong sambit.

Tristan's POV

Kung sino mang bathaluma ang nakakarinig sa'kin, pakiusap tulungan niyo po ako!

Hindi ko na alam kung ano ipapalusot ko kay Nathalie.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon