📖 52

80 8 21
                                    


Tristan's POV

Mabuti pa si Hayden nakuha na gusto niya,ako kaya kailan ko makukuha ang gusto ko?

Isang katok ang aking narinig mula sa likod ng pintuan.

Di ko ito pinansin bagkus ay itinuloy ang pagiging tulala sa malayong lugar.

"Bro,ako 'to! Open the door!" Pasigaw nitong sambit.

Ang kulit naman nito ni Hayden palibhasa nasa mood na siya para mag saya kaya ito ngayon nangungulit.

Tumayo ako at binuksan ang pinto para makapasok siya.

"Ano ba'ng kailangan mo?" Salubong ko sa kaniya habang kami ay na sa pintuan.

"Teka nga,ba't ba ang dilim dito?" Sambit nito sabay bukas ng switch sa kwarto ko.

Tuluyan na itong pumasok sa kwarto ko kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik nalang muli sa higaan ko.

"Bakit ba ayaw mong lumabas?" Sambit nito sabay upo sa isang upuan malapit sa study table ko.

"Ayoko eh,bakit ba?" Tugon ko dito.

"Kahapon Birthday ko pero saglit lang kita nakita bigla ka nalang nag laho,saan ka ba pumunta?"

"Malamang dito sa kwarto,saan pa ba?" Tugon ko dito.

"Bro naman! Wag ka namang mag kulong nalang dito habang buhay!" Kunot noo nitong sambit.

"Eh ano namang gagawin ko?"

"Malamang lumabas ka! Mag shopping ka,mamasyal ka kung gusto mo!" Sangguni nito.

Bruhh! Palibhasa maayos na buhay niya,di katulad ko na walang kwenta ang buhay.

Palibhasa ang pangit ko at walang ka potential-potential kaya di magawang magustuhan ng isang babae.

"Ako mag sho-shopping? Seryoso ka ba?" Walang emosyon kong sambit.

"Eh bakit kasi ayaw mo lumabas?"

"Kasi nga ayaw ko" tugon ko sa pangungulit nito.

"Ay alam ko na"

Ang kulit talaga ni Hayden,di ko makontrol yung kulit niya. Ewan ko ba bakit gamito 'tong kaibigan kong 'to.

"Alam ko na kung bakit ayaw mo lumabas" sambit nito sabay pakita nang nakakalokong tingin.

"Bakit?"

"Kasi nandun si Nathalie? Sa paligid" tugon nito sa kanina kong tanong.

"Alam mo naman pala eh,edi lumayas ka na at matutulog na muna ako!" Pagtataboy ko dito.

"Bro naman! Wag ka namang ganyan!"

"Wag mo na akong kulitin Hayden!" Sangguni ko dito sabay talukbong nang kumot sa buong katawan.

"Tingnan mo ako,nakuha ko na gusto ko" sambit nito.

Wow ang yabang ha😒.

"Edi ikaw na."

"Bro,kasi wag ka namang magtago diyan!" Muli nitong pangungulit sabay hampas sa braso ko.

"Eh anong gusto mong gawin ko?" Sambit ko sabay tanggal ng kumot sa parteng ulohan ko.

"Ipag laban mo ang gusto mo!" Desidido nitong sambit.

Natutuwa ako para sa kaibigan ko pero yung pakialaman niya pa pati buhay ko di naman na yata makatarungan 'yun.

Naiintindihan ko na sila na ni Jenna,congratulations sa kanila 'cause they made it pero ako okay na siguro ako dito,maghihintay nalang ako nang dadating sa'kin kasi kung talagang para sa'kin siya gagawa at gagawa ng paraan si tadhana para magka tagpo kami.

"Paano ko pa ipaglalaban kung may nakakuha na sa kanya?" Kunot noo kong sambit.

"Sure ka ba na nakuha na?"

"Oo kasi base sa nakita natin noon parang sila na" tugon ko dito.

"Parang?" Pag kwestiyon nito sa sinabi ko.

"So di ka sure?"

"Tsk! Hayden wag ka na muna mangulit! Mamasyal kayo ni Jenna kung gusto mo! Pabayaan mo na muna ako dito mag mukmok." Muli kong pagtataboy sa kakulitan nito.

Bakit ba nabigyan ako ng kaibigan na ganito kakulit. I appreciate his concern pero please lang sana wag na siyang mangulit.

"Yan naman ang ayoko!" Pag sangguni nito sa sinabi ko kanina.

"What?"

"Ayoko nakikita kang ganyan" pag lilinaw nito.

"Gusto ko na makita yung dating masayahin na Tristan" dugtong niya pa.

"Eh hindi ko pa kaya sa ngayon." naiirita kong sambit.

"Kayanin mo!"

"Paano ka makakarecover kung magmumukmok ka nalang diyan?"

"Bro please,kung gusto mong maka recover talaga ako,wag mo muna akong kulitin" sambit ko at muling talukbong ng kumot sa ulo.

Di ko na kinakaya ang kakulitan nitong kaibigan ko.

"Ang point ko lang kasi gusto kong maging masaya ka."

"Haysst,oo na sige na masaya na ako" sambit ko sabay pakita sa kanya ng pekeng ngiti.

"Kung talagang masaya ka,sasama ka sa'kin" banggit nito na nakapag kuha ng attensiyon ko.

"Huh? Saan naman tayo pupunta?" Naguguluhan kong sambit.

"Remember? Bibili tayo ng outfits for our princess"

"Princess?" Kunot noo kong sambit

"Haysst,wag nang maraming tanong,tara na!"

"Ikaw lang naman ang may princess eh" pag dadahilan ko sa kaniya.

Totoo naman eh,siya lang ang may princess ako hanggang ngayon wala padin.

"Magkakaroon ka din niyan,hindi lang sa ngayon."

"Di mo nga kasi kaya,right?" Sambit nito.

"Nagawa ka nanaman ng kwento para makombinsi ako eh" walang emosyon kong sambit.

"Halika na kasi,wag ka nang maraming sinasabi!" Medyo malakas na tono nitong sambit.

"Kaya ka nasasaktan eh"

"Atleast nakuha ko na gusto ko"

"Don't lose hope Trist,tama nga sila. Kaya halika na tumayo ka na diyan at mamimili pa tayo ng outfits ng mga girls. Kasama din natin sila Keith at Lucas" sambit nito sabay tayo.

"Nasaan sila?"

"Nandun sa labas,kanina pa naghihintay sa'tin" mahinahon nitong sambit.

"Ang paalam ko kasi tatawagin lang kita,eh tingnan mo ngayon napatagal ako,ikaw kasi eh ang hirap mo kombinsihin." Dugtong niya pa.

"Sige na lumabas ka na,magpapalit na muna ako ng damit." Sambit ko sabay tayo.

"Siguraduhin mong magpapalit ka ng damit ha! At hindi matutulog"

"Ay gusto mo matulog ako?" Normal na tono kong sambit.

"Di naman,sige palit ka na! Antayin ka namin sa labas ha!" Sambit nito sabay tapik ng balikat ko.

"Oo na" tugon ko.

Di ko naman maipagkakaila na binigyan ako ni god ng ganito kakulit na kaibigan. Nagpapasalamat ako dahil kahit ayaw kong kulitin ako may kumukulit padin sa'kin para maging maayos na ako dahil kung wala baka sa mga oras na 'to naiyak nanaman ako or di kaya tulala sa isang malayong lugar.

Nagpalit na ako ng isang black loose shirt at black maong short,nag suklay nadin ako ng buhok ko. Matapos no'n ay lumabas na ako para makaalis na kami.

Paglabas ko ay agad na sumalubong sa'kin ang mga mukha ng kaibigan ko na tila pagod na kakahintay.

"Tara na" aya ko sa kanila.

To be Continued...

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon