📖87

49 5 18
                                    


Nathalie's POV

Limang araw na ang nakakalipas mag mula nung huli kaming magkita ng mama ni Trist.

Limang araw ko nading hindi naririnig ang boses ni Tristan.

Namimiss ko na siya. Kahit madalas ko siyang nakikita hindi padin ako kontento. Minsan wala pang isang oras aalis na ako ng hospital dahil baka dumating yung mama niya or di kaya si Vein.

Sunod-sunod din ang retdem namin pati mga thesis. Pinaliwanag ko nalang sa prof namin kung anong nangyari para ma excuse si Trist.

Sabi nila Keith wag ko na daw problemahin yung thesis ni Trist dahil tapos na pala siya nakaraan pa pero yung mga panibagong thesis na binigay sa amin nito lang si Hayden na daw bahala.

Every morning ko dinadalaw si Tristan,bago pumasok dinadaanan ko siya para lang mapanatag ako.

At ngayon tapos na ang klase hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Parang dati lang after ng class pupuntahan ko ang room ni Tristan or di kaya ako ang hihintayin niya.

Busy din ang mga kaibigan ko sa thesis kaya hindi ko na sila makasabay sa pag uwi, minsan sila ang nagbabantay sa hospital para sa akin.

Gusto kong puntahan si Tristan sa hospital pero alam ko pag mga ganitong oras nanduduon sila Vein pati na ang mama ni Tristan.

Paano ko nalaman?

Iniinform ako ni Josh. Ayaw niya daw kasing magkaroon ng gulo. Para na din daw sa ikabubuti ng lagay ko.

I ask him why does he care? Ano naman ngayon kung mag karoon ng gulo,ipinaglalaban ko lang naman ang karapatan ko. Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi naman ako ang nagsisimula ng gulo kundi ang mama ni Tristan.

Sinabi niya naman na naaawa daw siya sa akin,na masyado na daw akong madaming dinadala.

So kaawa-awa na pala ako ngayon?

Sinabi ko yon sa kanya at hindi na pinansin ang mga reply niya.

Pero sinalubong niya ako sa daan, alam niya yatang galing akong school at papunta ng hospital.

Hinila niya ako sa tabi ng kalsada at kinausap.

"Please listen to me."

"Bakit ikaw ba si Tristan?"

"I know I'm not him but please.."

"What?"

"If you can't do it for your self please do it for me. Just this time,please?" Hinawakan niya ang braso ko at nakita ko sa mata niya na talaga ngang nagsusumamo siya.

Napatango nalang ako.

At ngayon dahil hindi niya naman ako papayagang pumunta duon might as well umuwi nalang ako at mag pahinga.

"Nath!"

Napalinga ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Daniella?" Di makapaniwala kong sambit.

Ang tagal na din naming hindi nakapag kita.

"Ako nga! Kamusta?"

Walang salitang nailabas yung bibig ko.

"Opp-- I'm sorry. Sabi ko nga hindi ka okay,pero kwentuhan muna tayo ang tagal na nating hindi nag kwe-kwentuhan!" Aya niya sa akin.

Tipid akong ngumiti at sinundan siya.

Dinala niya ako sa bahay nila.

Pumunta kami sa balkunahe ng bahay nila at duon kitang kita ang paglubog ng araw at preskong hangin din ang iyong malalanghap.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon