📖 48

63 9 20
                                    

Clementine's POV

Kasalukuyan akong nag luluto ng ulam para sa buong squad members ngayon ng mapansin kong iba yata ang kondisyon nang hangin ngayon.

Parang may dalawang tao na hindi nag papansinan mula pa kahapon.

Ano na ba ang nagyayari sa mga tao dito ngayon?

Bahala nga sila basta ako mag lu-luto ako dito.

Matapos akong mag luto ay umakyat na ako sa taas para maligo.

Pag pasok ko sa kwarto ng girls ay agad ko napansin si Jenna na di maipinta ang mukha.

Pilit n'yang inaayos ang basag-basag niyang cellphone.

"Hoy girl anong nangyari sa cellphone mo?" Gulat na tanong ko kay Jenna.

"Obvious ba? Edi nasira" she said it and rolled her eyes on me.

"Sino'ng nakasira?"

"Tsk! Ka-bwisit!" Reklamo nito ng hindi maayos ang cellphone.

"Sino nga?" Pangungulit ko pa.

"Si Hayden nga! Ang kulit naman eh" pasigaw nitong sambit.

Mukhang nagagalit na s'ya kaya di ko nalang muling kinulit pa.

Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok sa banyo.

Nang matapos na akong maligo ay nag bihis ako ulit at inaya na ang mga tao sa bahay na ito na kumain.

Pag baba ko ay nakahagip ang mata ko ng mukha nang tao na hindi nanaman maipinta.

Ano ba talaga ang problema ng mga 'to?

"Oh bro,kain na" dinig kong sambit ni Keith sabay abot ng plato na may lamang kanin at ulam na luto ko kay Hayden.

"Hoy,ano'ng nangyari sa inyo ni Jenna?" Lapit ko sa kanya.

"Ang hirap ipaliwanag." Walang emosyon nitong sagot.

"Bakit mo binasag cellphone niya?"

Di ko na mapigilan ang pagka matanong ko.

"Di ko sinasadyang mabasag." Nakayuko nitong sambit.

"May problema ba kayo?"

"Mukha bang wala?" Mabilis na tugon nito sa tanong ko.

Oo nga naman Clementine! Napaka commonsense kasi ng tanong mo!

"Di naman,pero alam mo sa tingin ko kailangan niyo mag usap"

"Palagi namang ganyan eh" walang gana nitong sambit.

"I mean 'yung totoong usap,hindi 'yung eme-eme lang. 'Yun bang pag uusapan n'yo yung problema nyo ng sincere para maayos na"

"Paano?" Kunot noo nitong sambit sabay harap sa'kin.

"Alam mo kasi kaming mga babae hindi mahaba ang pasensya namin atsaka pag alam naming hindi naman kami ang mali hindi kami ang mag fi-first move para mag sorry pero kung gusto namin humingi ng tawad,hihingi lang kami pag gusto namin kaya kung gusto mo pang maayos ang relationship na meron kayo,mag kasintahan man or mag bestfriend kakausapin mo s'ya kahit hindi ikaw ang may kasalanan" mahinahon kong sambit habang nakaharap sa mukha niyang hindi ma-ipinta.

"Pero --"

"No But's" pag putol ko sa dapat na sasabihin niya.

"Eh paano kung hindi niya ako kausapin at patuloy nya lang akong ipag tabuyan?" Pag dadahilan nya pa.

Hay nako torpeng Hayden!

"Basta kausapin mo siya,atleast kahit papaano nagawa mo yung parte mong kausapin sya."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" May halong pagtatakang sambit nito

"Sigurado pa sa sigurado" tugon ko.

"Kasi ako parang wala pa akong lakas nang loob na kausapin sya gawa nga nung mga nakita ko." sambit nito sabay tayo at punta sa kusina para ilagay ang pinggan na pinag kainan nito.

"Bakit? Ano ba'ng nakita mo?" Tanong ko dito ng makabalik na siya sa kinauupuan nya.

"Nakita ko yung bagay na nakapagpasakit ng dibdib ko kaya nagawa kong basagin yung cellphone n'ya." Bakas sa mga mata nito ang lungkot ng bigkasin ang mga salita na iyun.

Seryoso pala talaga siya kaya nya nagawa 'yun,akala ko naghaharutan lang sila kaya nabasag niya yun.

"Di mo na talaga nagawang ikalma ang sarili mo." Malungkot kong sambit sa kanya.

"Parang gano'n na nga." tugon nito.

"Well if that's the case mukhang mahirap nga solusyunan pero ang gusto ko lang malaman eh, mahal mo ba talaga 'yung bestfriend ko?"

"Bakit mo naman nasabi 'yan?" May halong pagtataka sa tono ng boses nito.

"Kasi una palang nakikita ko na sa'yo na tameme ka,torpe kung baga kaya di mo magawang umamin sa bestfriend ko isa pa madalas kitang nakikitang tulala sa kanya tsaka nung nakaraang araw nung nag kasakit siya sino ba namang klase nang lalaki ang mag aabalang mag hatid ng pag kain sa kanya tsaka bakit mo nanaising maghatid ng pag kain sa kanya? Dahil gusto mo lang? Not acceptable reason Hayden!" Paliwanag ko sa kanya.

Huminga ito ng malalim at saka muling humarap sa akin.

"Oo mahal ko,mahal na mahal ko yung bestfriend mo,kaso pakiramdam ko may mahal na syang iba pero 'eto ako pilit pading nag susumiksik sa tabi niya." Malungkot nitong tugon sa akin.

"Hindi mo naman kailangan mag sumiksik eh"

"What do you mean?" Naguguluhang sambit nito.

Una palang alam ko na ang tinutukoy niya kaya naman ini-straight to the point ko na siya.

"Ivan is just her friend,you still have a chance Hayd" medyo masigla kong sambit sa kanya.

Hindi pa naman talaga nagiging si Ivan at Jenna tsaka isa pa ayoko sa Ivan na 'yun,di man lang marunong makisama sa mga kaibigan nang bestfriend ko katulad namin nila Tristan.

"Pero bakit may yakapan na nangyari dati nung nakita ko sya?" He said it with an unknown expression.

"Don't worry about it! Ang importante they're not yet together so pwede ka pang mag hari sa puso nya!" Energetic kong sambit.

"Eh pa'no nga,galit siya" pag dadahilan nito.

"Madali lang naman kausapin si Jenna,straight to the point yan palagi kaya pag tinanong ka niya once sagutin mo ng totoo para malaman niya" pag sangguni ko dito.

"Sigurado ka ha?" Paninigurado nito.

"Alam mo kung ako sa'yo nasa taas na ako kinakausap siya"

Agad naman itong nag kumahog umakyat sa kwarto namin sa taas. Maya-maya lang ay bumaba naman ang ibang mga girls na sina Nathalie at Daniella.

Hayden's POV

Matapos mag paliwanag ni Clementine ay agad akong nag kumahog umakyat sa kwarto nila Jenna para sana kausapin siya.

Sa mga oras na ito hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba dahil hindi pa sila or matatakot dahil baka malaman na totoo nga ang hinala ko na sassy girls doesn't want nerdy boys.

Nang makarating na ako sa kwarto nila ay agad naman akong kumatok at saktong si Daniella ang nag bukas ng pinto kaya pinakiusapan ko sya na tawagin si Nathalie at bumaba muna sila dahil kakausapin ko si Jenna.

Agad naman nila akong sinunod kaya naman ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto nila para kausapin si Jenna.

To be Continued...

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon