📖 65

83 8 30
                                    

Dedicated to selvimitchch

Hayden's POV

Kinabukasan na kinabukasan,agad akong nakibalita sa kanila Jenna at Clementine  kung kamusta na ang plano nila kaso nga lang may klase kami kaya naman sa break time ko pa sila makakausap.

Nang makapag ayos na ako ng sarilk ay agad na akong pumasok sa school namin agad ko namang nakasalubong si Tristan na parang ninenerbiyos pumasok sa classroom nila.

Ano naman kaya ang ikina ninerbiyos nito?

Pagka daan ko sa classroom nila papunta sa classroom namin,aktong lalagpasan ko nalang sana si Tristan pero nahagip ng mga mata ko si Nathalie.

Hay nako Torpeng Totoy. Kailan kaya kakapal ang mukha mo Tristan?

Agad naman ako bumalik sa dinaanan ko at pinuntahan si Tristan.

Tinapik ko ang balikat niya agad naman siyang napalingon.

"TT,pumasok ka na sa classroom niyo," sambit ko sabay bigay ng mapang asar na ngiti sa kaniya.

Agad naman siyang nag react na parang di naiintindihan ang sinasabi ko.

"TT?" Pag tatanong niya sa itinawag ko sa kaniya.

Oo,tama ang narinig niya. Mag mula ngayon TT na ang itatawag ko sa kaniya hanggat hindi ko siya napapaamin sa harapan ni Nathalie.

"Bakit? May problema ba tayo sa TT?"

"Meron,ang bastos pakinggan 'tsaka isa pa bakit TT ang tawag mo sakin? Tristan ang pangalan ko Hayden,Tristan." Pag didiin niya sa pangalan niya.

Tss,masyado namang pikon 'to. Pero dahil good mood ako lalo ko siyang aasarin.

"Ayaw mo ng TT? Edi gawin nating TTT" pang aasar ko sa kaniya.

"Ano ba kasing meaning niyan? At sa akin mo pa natripan itawag." Irita niyang sabi.

"Don't worry hindi ko natripan 'yun,sinadya ko talaga. Bagay naman sa'yo eh. It supposed to be TT means Torpeng Totoy but since sabi mo ang bastos pakinggan edi gawin nating TTT meaning Torpeng Toroy Tristan!" Sabi ko sabay hagalpak ng tawa sa harapan niya.

"Nakakatawa yun?" Seryoso niyang sabi na halata namang mediyo kinakabahan.

"Oo at gagawin ko pa 'yung mas nakakatawa kung hindi ka papasok kaya go na ,TTT!" muli kong pang aasar sabay tulak sa kaniya.

Nakakatawa lang dahil wala paring ipinag bago itong si Tristan este TTT. Nung high school napaka seryoso niya. Una siyang nagka crush nung mag gra-grade 9 na kami. Isang babae na nagpabago sa kaniya and now look at him. He becomes torpe dahil sa takot ma basted.

Natuluyan na tuloy na totoy ito mag mula nung saktan siya nung babaeng 'yun. Kaya naman pinangatawanan niya na talaga pagiging nerd niya.

Ako,oo nerd ako pero wala naman sa katauhan ko ang pagiging torpe. Nakaksira lang 'yun ng pagiging handsome ko. Pero ewan ko ba dito kay Tristan,ang gwapo naman (mas gwapo padin ako) pero ang torpe-torpe. Mga gwapo dapat hinahabol ng babae hindi nag papakatorpe.

"Woi,TTT! Ano? Wala ka paring balak pumasok? Bakit ba parang kinakabahan ka?" Sambit ko na parang nangungulit.

Alam ko naman ang sagot kung bakit siya kinakabahan pero gusto ko lang makasigurado na tama ang na sa isip ko.

"M-may exam kasi kami ngayon. Hindi ako nakapag review dahil sa kakaisip ng pinag pla-plano niyo sa a-akin!" Nauutal nitong sambit.

Sus! Huling huli na dinedeny pa.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon