📖 11

266 120 26
                                    


Nathalie's POV

Natutulog ako ng bigla kong narinig na bumukas yung gate. Agad ko naisip na baka sila Jenna at Clementine na yun.

Pag baba ko hindi nga ako nag kamali silang dalawa nga yung pumasok.

Pag pasok nila Clementine tsaka Jenna dito sa Bahay mukha silang mga pagod na pagod.

Tapos may bukol pa si Clementine sa ulo. Sabi nila may pupuntahan lang daw sila tapos ngayon mukha naman silang nga pagod na pagod.

"Oh! girls tiktok na tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Sa susunod nalang pagod na kami eh" sagot nila.

Kanina mga 1:30 pm sila umalis tapos ngayon malapit ng mag 6:00 pm. Saan kaya sila pumunta?.....

"Sge kain nalang tayo!" Sabi ko sa kanila.

"Sge! Ano bang ulam?" Tanong ni Jenna sabay tingin sa mga kasirola.

"Wow sinigang my favorite!" Sigaw nya sabay kuha ng mga kubyertos.

"Tara na Clem kain na tayo!" Pag yaya ni Jenna kay Clementine.

"Ah sge una na kayo,medyo nahihilo kasi ako tsaka matutulog nalang ako. Sge bye!" Sabi ni Clementine sabay paalam.

Maybe it's because of her bukol....

Maya maya lang ng matapos na kami kumain hinugasan na ni Jenna yung mga plato at natulog nadin.

Ano bang problema ng mga to? Puro sila tulog, ano kaya ginawa nila kanina?....

Nang maka akyat na sila Jenna at Clementine binuksan ko na yung t.v.
Hindi pa naman kasi ako inaantok tsaka kakatulog ko lang kanina.

Habang nanunuod ng t.v bigla na lang nag ring yung phone ko.

Pag katingin ko tumatawag si Tristan. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello!" sabi ko.

"Hello!" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Oh! Bakit napa tawag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang, wala kasi akong magawa eh!" Sagot nya.

"Bakit di ka pa pala natutulog?" Tanong nya sakin.

"Hhmm....di pa kasi ako inaantok eh tsaka kakatulog ko lang kanina." Sagot ko sa kanya.

"Matulog ka na! Makakasama sa kalusugan mo kung mag pupuyat ka! Sge ka papangit ka nyan! HAHAHAH!!!" Rinig kong sabi nya sabay tawa sa kabilang linya.

"Malapit palang naman mag 9:00 pm maaga pa!" Sabi ko sa kanya.

"Alam mo ba ang normal na tulog ng tao? Dapat 9:00 pm palang tulog na ang mga tao para makumpleto yung tulog nila.... Sge ka mag kaka eyebags ka nyan di ka na maganda!" Muli nyang pangaral.

"Ok lang! Di naman takaga ako maganda eh! Maputi lang" sabi ko sa kanya.

"Uyy nag jo-joke lang naman ako maganda ka naman talaga kahit mag puyat ko or di ka na matulog kung gusto mo... ang sinasabi ko lang alagaan mo yung sarili mo." Sabi nya sakin.

"Sge na nga matutulog na ko!" Sabi ko sabay hikab.

"Sge alagaan mo sarili mo ha! Good night!"

"Good night!" Sabi ko sabay end ng call.

Medyo inantok nadin ako mahaba haba nadin kasi yung punag usapan namin ni Tristan...

Pinatay ko lang yung t.v at pumunta sa c.r para mag toothbrush at mag hilamos pag katapos ay umakyat na ko sa taas pa matulog.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon