Tristan's POVKasalukuyan akong nakahiga sa kama ko dito sa loob ng kwarto ko,nag iisip nang mga katanungan na matagal ko nang gustong masagot.
Bakit ko ba ginagawa 'to?
Bakit ba ako nag iisip nang ganito?
Bakit ko ba s'ya iniisip?
Bakit ba ako nag aalala sa kanya?
Di naman ganito ang nararamdaman ko dati para sa kanya,pero bakit ---
~~~TOK!TOK!TOK!~~~
Isang tunog ang nakagambala sa pag iisip ko dahilan para mapabangon ako sa kinahihigaan ko.
"Sino yan?" Tanong ko sa kanina lang ay nakatok.
"Ako 'to,bro,pwede ba tayong mag usap?" Tugon nang isang pamilyar na boses na s'ya namang tinanguan ko.
"Tungkol naman saan,Hayden?"
"Wala lang,gusto ko lang mag usap tayo mag kaibigan,kasi matagal-tagal nadin tayong hindi nakakapag usap gawa nga nung mga pangyayari nitong mga nakaraang linggo,tama?" Paliwanag nito na muli kong tinanguan.
"So,dito mo gustong mag usap?" Tanong ko dito nang mamalayan na madilim dito sa kwarto ko at hindi tamang lugar para samin mag kwentuhan.
"Sige,duon nalang tayo sa mini balkonahe mo para tayo lang nakaka alam nang pinag uusapan natin." Sambit nito sabay turo sa balkonahe ng kwartong ko.
Agad naman akong tumayo para dumiretso sa balkonahe na itinuro ni Hayden na s'ya namang sinundan nya.
Nang makarating na kami sa balkonahe nang kwarto ko ay umupo kami sa white mini chair na may kasamang table.
"So,kamusta ka na,bro?" Pagsi simula nito nang kwentuhan.
" 'eto,medyo okay-okay na,ikaw?" Tugon ko dito.
"Medyo okay din" sambit nito na ikinataka ko.
"Bakit naman medyo?" Linga ko dito na ngayo'y nakatingin sa malayo.
"Ikaw? Bakit medyo din?" Pag babalik nito nang tanong sa'kin.
"Bro,hindi pa ba obvious? Mukha bang hindi ako affected sa nangyari nitong mga nakaraang lingo?" Tugon ko dito.
"Sigurado ka bang 'yun lang ang dahilan nang 'Medyo' na 'yan?" Biglang sambit nito na muli ko nanamang ikinataka.
Ano bang gusto nitong tumpukin?
"Bakit,meron pa bang ib---" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla s'yang sumabat.
"Eh si Nathalie?"
Nang banggitin n'ya ang pangalan na Nathalie ay tila yata natahimik ako bigla.
"Oh! Nanahimik ka ngayon!" Sambit nito sa harapan ko.
"Bro,napapansin mo din ba ang pagbabagong nagaganap sa kanila?" Tanong nito habang ako ngayo'y nakatingin sa malayo.
"Alam ko na ang lahat bro,gu---" di ko na s'ya pinatapos pa sa sasabihin n'ya.
"Shut up!" Pag papatahimik ko sa kanya.
"Bro,hahayaan mo nalang ba na mag kaganon s'ya?" Muli nitong sambit na ikinainis ko.
"Ikaw hahayaan mo nalang ba na magka ganon si Jenna?" Sumbat ko sa kanya.
"Huh? Pano mo nalaman?" Sa expression nang mukha nito ay halatang nagulat s'ya sa sinabi ko.
"Hello? Titig mo palang kay Jenna alam ko na!" Seryoso kong sambit sa kanya.
Nang malaman nito ang sagot ko ay tila nahiya ito sa'kin kaya naman napatingin nalang ito muli sa malayo.
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Roman pour AdolescentsNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...