Nathalie's POV
Kasalukuyan akong nasa mall,naghahanap ng pang design sa pina-assignment sa amin ng art appreciation subject teacher namin.
Isang oras na akong paikot ikot dito sa mall at hindi ko makita ang hinahanap ko. Hindi ko isinama sila Clementine at Jenna kasi mukhang busy din sila sa pinagawa ng prof nila kaya ako nalang ang pumunta mag isa dito sa mall.
Kanina pa ako paikot ikot pero halos lahat ng pang design sa book store eh meron na ako sa bahay.
Ano ba kasi ang hinahanap ko dito?
Bakit ko ba dinala ang sarili ko dito?
Tsaka mukhang hindi naman pang design ang ipinunta ko dito. Parang iba kasi kung pang design 'yun,siguro kanina ko pa nahanap.
Ano nga bang ginagawa ko dito sa mall?
Maya-maya lang ay napag isip-isip ko na sinasayang ko lang ang oras ko dito,mabuti pa siguro umuwi nalang ako at gawin ang project na dapat ay kanina ko pa tapos.
Mabilis naman akong lumakad palabas ng national book store at di ko sukat akalain na sa pagmamadali ko ay may makakabangga akong isang tao.
Sabay kaming natumba sa sahig at nalaglag naman ang mga pinamili niya.
Agad naman akong humingi ng paumanhin habang isa-isang dinadampot ang pinamili niya sa book store.
"Kuya,sorry! Hindi ko sinasadya,nag mamada--" napatigil ako sa pagsasalita ng sabay naming mahawakan ang high lighter na nalaglag kanina lang.
Tila bigla akong nakuryente ng mahawakan niya ang kamay ko. Agad akong napalinga sa kaniya.
Laking gulat ko naman ng malaman kung sino ito.
"Nathalie?" Gulat na tanong niya habang hindi padin hinihiwalay ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko.
"T-tristan?" Sambit ko nang makita ang mukha niya.
Naka t-shirt ito ng kulay puti na may patong na blue polo na long sleeve. Naka pants din ito ng kulay blue.
Bigla ko naman naamoy ang umaalingasaw nitong pabango.
"O-okay ka lang ba?" Nauutal nitong sambit.
Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko ngayon kaya naman hindi ko magawang makapag salita.
Bakit ganito hindi ako makabigkas ng kahit isang salita sa harapan niya pag nakatitig siya ng diretso sa mga mata ko?
Hindi naman ako ganito dati ah.
Bakit parang wala na akong masabi pag nakatingin na siya ng diretso sa mata ko tapos naka hawak pa ang kamay niya sa akin?
Medyo tumatagal na kami dito,kaya naman agad ko ng pinutol ang titigan namin.
"S-sorry" nahihiya kong sambit.
Binawi ko narin ang kamay ko dala ng awakward baka mamaya mawala ako sa sarili pag hindi ko pa binawi ang kamay ko.
"Ito na 'yung high lighter mo. P-pasensya na talaga" nakayuko kong sambit.
"For what?" Sambit niya habang pinupulot pa ang ibang nahulog na bagay na binili niya.
Nang matapos na siyang mag pulot nagulat ako ng alalayan niya akong tumayo.
Di na ako nakatanggi sa sobrang bilis ng pangyayari.
"Sorry for what,Nathalie?" Pag uulit niya sa kaninang tanong.
"Kasi nalaglag ko yung mga pinamili mo sa pag mamadali ko" mahinahon kong sambit.
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Teen FictionNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...