📖 54

83 10 27
                                    


Lucas POV

Kasalukuyan akong nakain ng umagahan ko nang biglang nag salita si Keith.

"Oh,bro! Kayo lang ang nahiwalay ni Daniella sa grupo!" Gulat na sambit ni Keith na kanina lang ay nakatuon ang attensiyon sa cellphone.

"Huh?" Naguguluhan kong sambit.

Anong sinasabi nitong nahiwalay?

"Nag padala na kasi ng mensahe 'yung guro natin at patungkol ito sa mga JS Prom parterns." Paninimula nito.

"Then?"

"Kayo lang ni Daniella ang hindi mag kapareha. Lahat kami nasunod yung sa laro." Dugtong pa nito.

"Anong sa laro?" Muli kong pag kwestiyon sa sinasabi nito.

"Yung dati na nag bato-bato pick tayo,di ba pumili tayo nang makakapareha natin tapos ikaw ang pinili mo si Daniella pero this time sa JS Prom hindi siya ang kapartner mo. Lahat kami ganon padin kayo lang ang naiba. Sa tingin ko random ito dahil hindi naman natin kaklase si Rhiana eh." Muli nitong paliwanag.

Nang mabanggit nito si Rhiana ay agad na nag iba ang expression ng mukha ko.

Agad kong kinuha ang Cellphone ko sa bulsa at kinumpirma kung totoo nga ba ang sinasabi ni Keith.

Nang makita ang katotohanan ay agad naiba ang takbo ng utak ko.

Rhiana? Rhiana nanaman? Masyado niya talagang ginagamit ang yaman niya. Marahil binayaran niya nanaman ang mga guro namin na nag co-control sa Celebration na ito para lang maging kapareha ako sa kasiyahan na ito.

Wala na talagang nagawang tama ang babae na 'yan,palagi niya lang ako ginagamit pero ito naman ako minsan na parang pusang sunod ng sunod naman sa katangahan niya. Di ko rin mawari kung bakit ko ba sinusunod ang mga gusto ng babae na 'yan.

Kahit isang pagtingin wala ako no'n para sa kaniya pero ewan ko bakit galit na galit siya kapag nakikita akong may kasamang iba,wala namang meron sa'min.

Hanggang ngayon di ko alam kung saan at kailan ko ibibigay itong puso na ito. Hanggang ngayon hindi ko alam kung nakatagpo na ba ako muli ng mag mamay-ari ng puso ko.

Madalas akong lokohin ng mga babae dati. Isa lang din akong di hamak na nerd dati at 'yan ang dahilan kung bakit hindi ko binubully ang mga kasama kong nerd dito sa bahay katulad nalang nila Tristan.

Isang babae ang nakatagpo ko noon na siya ding nakapag pabago nang pagkatao ko.

Minahal ko siya ng buong puso ko ngunit di ko akalaing sasaktan niya din pala ako. Pinamuka niya sa akin na mahal niya ko ngunit sa huli iiwan niya rin pala ako.

Inilarawan niya sa akin ang pagkatao ng isang lalaki na gusto niya na siya namang sinunod ko. Ginawa ko kahat para magustuhan niya ako ibinuhos ko lahat ng makakaya ko para lang magaya ang pagkatao ng isang lalaking gusto niya ngunit sa huli hindi ko parin pala siya makukuha.

Magmula nang iwan niya ako at sabihan ng di magaganda at masasakit na salita ay di ko na muling ibinalik ang dating Lucas na lalampa lampa.

Binago ko lahat ng meron ako noon. Ginawa kong mas maangas ang itsura ko at hindi na ako umakto na parang nerd sa harapan ng mga tao. Madalang na lang din ako umattend ng mga klase at napapadalas ang pag sabak ko sa mga kaguluhan kaya naman tinagurian nila akong Bad Boy.

Hindi narin ako tumingin pa sa ibang babae para maiwasan ang bully o ano pa man. Hanggang sa napansin nila ang pagiging maangas ko sa School at kusa narin akong nagugustuhan ng mga babae sa school na siya namang di ko nararanasan noon.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon