📖 71

65 5 1
                                    


Lucas's POV

Kasalukuyan akong papunta sa classroom ni Daniella. Tapos na kasi ang klase namin at uwian na. Balak ko sana siyang dalhin sa mall at papiliin ng susuotin niya para duon sa silver anniversary nila mama at papa next week.

Ilang step nalang ang lalakarin ko nanduon na ako sa classroom ni Daniella kaso may tumawag sa akin bigla,"Lucas! Babe!"

"What?!" Irita kong sabi ng makaharap kay Rhiana.

Bakit ba ayaw nito tumigil kakasunod sa akin? Nakakapaikon na pagka assumera niya ah.

Patawag tawag pa ng babe sa akin hindi ko naman siya girlfriend, isa lang naman girlfriend ko at hindi siya yun.

"Woi sabi ko samahan mo ako sa mall mamili ng damit na gagamitin ko for your parents silver anniversary!"

Argh! May lahi bang aso 'tong babae na' to? Bakit ba sunod siya ng sunod? Ilang beses ba siya iniri ng nanay niya?

"Wala ka bang paa? You can go to the mall by yourself. Kung gusto mo magpasama ka sa boyfriend mo wag sa akin."

"Eh ikaw nga ang boyfriend ko eh. Bakit ba ayaw mo akong samahan?" at ngumuso pa siya na akala mo maaawa ako sa kaniya.

Hindi mahaba ang pasensya ko kaya bahala na kung masigawan ko ang makulit na babae na 'to.

"Bakit ba ang kulit mo? And please stop assuming na parang may tayo!"

Natulala naman siya sa sinabi ko.

Bakit? Ngayon lang ba siya natauhan na talagang walang kami?

Sa tingin ko naman nakuha ko ang attention ng nga studyanteng nakapaligid sa amin pero wala akong paki duon.

"Excuse me, I have to go. Pupuntahan ko pa ang girlfriend ko." at nilagpasan ko na ang tulalang si Rhiana.

Marunong ako rumespeto, sa taong nirerespeto din ako. Mas gusto ko pang mapahiya sa lahat ng studyanteng nasa paligid ko dahil sa lakas ng boses ko sa pagsigaw kanina kaysa naman hindi ako makapalag sa gustong gawin ni Rhiana.

Nang makarating na ako sa classroom ni Daniella, hinintay ko nalang siya sa labas kasi mukhang hindi pa tapos mag klase ang prof nila.

Naka sarado din ang pinto at walang bintanang nakabukas kasi air-conditioned ang classroom nila.

Nakalipas na ang limang minuto at naglabasan nadin ang ibang studyante mula duon sa classroom nila pero si Daniella hindi ko padin nakikitang lumabas.

Busy ba siya? May ginagawang assignments bago umuwi? Pero bakit sa classroom? Bakit hindi sa library?

Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?

Bakit nga naman pala soya magpapaalam sa'yo Lucas, ano bang meron sa inyo?

Hindi ko na matiis ang paghihintay sa kaniya kaya nagtanong ako duon sa isang lalaki na kalalabas lang ng classroom nila.

"Ahm,pwede ba mag tanong?"

Tumango naman ang lalaki.

"Nandiyan ba si Daniella sa loob?"

"Ah yup, may sinusulat lang saglit." sabi naman nung lalaki at nilagpasan na ako.

May sinusulat saglit? Aabutin ba ng 5 minutes ang sinusulat niya? Tulungan ko kaya?

Pero bakit pakiramdam ko hindi naman siya nagsusulat? Kasi kung magsusulat yun hindi yun sa classroom magsusulat lalo na't uwian na, ayaw na ayaw no'n ang napapag iwanan.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon