📖 17

200 71 12
                                    


Tristan's POV

Pangalawang araw ng pasukan ngayon ngunit wala akong ganang pumasok dahil nga sa balita na nalaman ko mula kay Laine.

'Tristan pumasok ka! Makakasama sa future mo kung mag papaka ganito ka!'

'Wag ka nang pumasok damdamin mo nalang yang nararamdaman mo'

'Tama wag ka nang pumasok baka makasakit ka pa sa skwelahan kung papasok ka ng ganyan ang iniisip mo'

'Mali! pumasok ka Tristan! Makinig ka sakin wag mong pairalin yang pag ka madamdamin mo kailangan mong maging independent'

Ano ba naman tong puso at isip na to!
Di ko alam kung sino susundin ko...

Hayst kahit ano pang sabihin mo isip di pa din ako makikinig sayo! Palibasa di ka pa nasasaktan kaya panay ang tulak mo sakin na pumasok sa school.

"Arghhh!!!!" Nabibwisit kong hawak sa ulo ko.

Mula sa pag kaka kulong sa kwarto nagsimula akong lumakad papuntang kusina.

Balak ko sanang mag paka lasing. Hindi pa ako nakainom ng alak ever since, pero dahil wala ako sa tamang suhestyon ko iinomin ko to kahit di ko alam ang lasa.

Kumuha ako ng baso at nag simulang mag salin ng alak.

Ayoko na talagang mabuhay! Palagi nalang ako iniiwan..kailan ba mananatili yung mga tao'ng mahal ko sa paligid ko. Di lang pala ako sa relationship iniiwan, pati pala tatay ko iiwan din ako;<

Kailan kaya yung tamang panahon para manatili sila sa tabi ko,kailan kaya yung tamang panahon na makakasama ko na ulit sila?

Wala na akong ibang hinawa kundi ang mag isip ng mag isip tungkol duon.

Kasabay ng pag iisip ko ang pag tulo ng luha ko habang na inom ng alak.

Di ako ganito dati! Pero dahil sa nangyayari ngayon nagkakaganito ako...

Nathalie's POV

Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon.

Nakaupo at walang magawa kaya lumabas nalang muna ako at panandaliang iniwan ang mga kaibigan ko sa classroom.

Nakakahiya naman diba,kahit mag kakaibigan kami hindi naman pwedeng palagi nalang ako nakadikit sa kanila,kaya di na muna ako nag pasama.

Nang makarating na ako sa pinaka roof top ng school namin ay naupo muna ako sa tabi kung saan may mga extrang upuan.

6:15 am palang kaya di ako masyado nag iisip na baka ma late ako at isa pa palagi ding late yung first subject teacher namin.

Masyado akong maraming tanong sa utak ko kaya sinamantala ko muna ang masarap na simoy ng hangin at pansamantalang nag pahinga.

Iniisip ko lang,bakit parang unti unti nang nag babago si Tristan di naman sya ganon dati tsaka parang ayaw na nyang makipag usap samin. Palagi nalang syang tahimik.Although tahimik naman talaga sya palagi pero parang iba yung tahimik nya ngayon,as in no syllables to say.

Sa tingin ko kailangan ko syang kausapin mamaya baka may nagawa akong masama na nakasakit sa kanya pero di ko rin alam kaya nag kaganon sya

Dinama ko lang ng dinama yung hangin hanggang sa napansin ko na 6:57 am na pala kaya bumaba na ako.

Pag dating ko sa classroom sinalubong ako ng napakaingay na boses ng mga kaklase ko ngunit di ko sila pinakialaman, pina ikot ikot ko nalang ang tingin ko ngunit wala akong nakitang Tristan.

Tahimik nalang akong naupo at nag babakasakali na dadating pa sya or baka na late lang ng gising.

"Sis ok ka lang?" Seryosong tanong ni Clementine sakin.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon