Nathalie's POVI'm currently at my last class of the day. Hinihintay ko nalang matapos yung lecture ng prof namin tapos di-diretso ako sa library para sa thesis namin.
Gusto ko sana sa bahay nalang gumawa kaso di ko naman pwedeng dalhin yung mga libro ng library sa bahay namin. Baka ma suspend pa ako.
Whole day class kami ngayon,kahapon half day lang.
It's already 5:56 pm at kanina pa nag text sa'kin si Trist na di muna kami sabay makakauwi kasi may emergency siya.
Okay lang naman sa'kin.
Yung dalawa ko namang kaibigan eh ayon,busy sa kani-kanilang boyfriend at halos di na kami nag kikita kita sa bahay dahil palagi naman silang wala. Kadalasan maabutan namin ang isa't isa na bagsak na sa higaan,kaya wala nading time para makapag usap-usap.
"Okay class dismiss." Aniya ng prof namin.
Nagligpit na ako nang gamit at dumiretso sa library.
Solo lang ako sa thesis. Ayoko sumali sa mga group thesis kasi minsan di naman nakikipag cooperate yung iba kaya maigi nalang na ako mag isa.
Mahigit isang oras din ang inabot ko sa library.
7:05 pm na at pasarado na ang buong university ngunit bago ako umuwi,nag cr muna ako.
Nang nasa loob na ako nang isang cubicle may narinig akong babae na nag sasalita.
At first natakot ako pero habang tumatagal parang familiar sa'kin ang boses niya.
"Got you Mister Morris!" at matunog na ngisi ang narinig ko.
Mister Morris?
Hindi ba't apelyido ni Trist yun?
Though hindi lang naman siya ang Morris sa mundo.
Pero bakit may 'Mister' ? Ibig sabihin lalaki?
Bigla ko naman natunogan ang pag bukas niya ng pinto at mga yapak nito na parang papalabas na ng banyo.
Mahirap mag tamang hinala lalo pa't wala akong sapat na ebidensya para sisihin ang tao na yun.
Lumabas na ako ng university bago pa ako masaraduhan nito.
Hindi ko dinala ang kotse ko dahil nga whole day kami at isa pa walang pag paparadahan. May visitors ang school at puno ng sasakyan ang parking lot.
Napaka dilim sa kalsada. Tanging street lights nalang ang nag sisilbi kong liwanag and I don't feel good.
Bigla akong napatalon sa nilalakaran ng biglang may mag preno ng sasakyan.
Pag lingon ko nakita ko ang lalaking kinalimutan ko na.
Nasa gitna siya ng kalsada. Sa dinadaanan mismo ng sasakyan. Pa gewang gewang ito at nakatanggal na ang mangilan ngilang butones sa polo. Nagsusuka din ito habang may hawak na bote ng alak.
Muli nanamang nag preno yung may ari ng kotse dahil hindi padin tumatabi ang nakaharang.
Kami-kami nalang ang tao sa lugar na ito at konsensya ko nalang kung masagasaan pa 'to kahit pa sabihing katangahan niya.
Hinila ko ito patabi sa kalsada at nanghingi ng paumanhin sa may ari ng kotse.
May diin at kasamang galit ang pag hatak ko sa braso nito,"Mag papakamatay ka ba?!" Mahina ngunit pasigaw kong sambit sa kaniya.
Saglit lang itong tumawa habang ang mata ay napikit pikit na.
May kinuha ito sa bag niya kahit pa pagewang gewang na siya.
BINABASA MO ANG
The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy
Teen FictionNathalie is a sassy girl. Sexy ang katawan,Saksakan ng ganda at ubod ng bait kung hindi mo gagalitin. Other people know better than to mess her. 'Kala mo naman maganda','Ang arte naman nyan!','Tinuruan ba yan ng magulang nya kung ano ang maganda? An...