CHAPTER THREE

9 0 0
                                    

-HIDING AT THE LIBRARY. FEEDING MISTER MOUSE. BOOTED OUT-

HUMAHANGOS na pumasok sa library building si Felix. Hindi gaanong karami ang mga estudyante sa loob dahil siguro lunch time na kasi. Tuloy-tuloy na inakyat ni Felix ang stairs papunta sa second story ng library. Saglit na tumigil sa pag-e-encode ng mga bagong dating na libro sa database ng computer ang librarian na si Edgar Mijares at inayos pa nito ang suot na spectacles habang sinusundan ng tingin si Felix sa pag-akyat nito sa hagdan. Nagsususpetsa ang seryoso nitong mukha.

Hindi tumigil sa paglalakad si Felix nang makarating sa second story. Pinili pa nito ang pinakadulong shelf at duon sa puwang niya napiling sumalampak ng upo. Humihingal pa siyang sumadal sa shelf. Ang haba kasi ng nilakad niya mula sa classroom na pinanggalingan mataguan lang ang grupo nina Carol. Naramdaman niyang nagba-vibrate ang phone niya sa bulsa. Buti na lang hindi pa niya natatagal ito sa silent mode. Kung hindi, pupuntahan siya ng librarian mula sa puwesto nito sa baba para lang tarayan siya.

As expected, nakita niya sa screen na si Carol ang tumatawag. Ni-reject niya ang call at nilagay sa airplane mode ang phone.

May maliit na daga na lumabas sa dingding kung saan nakaharap si Felix. Imbes na matakot, curious na pinagmasdan ito ni Felix. Sumisinghot-singhot pa ang daga habang lumalabas ito sa pinanggalingang butas sa dingding. Binuksan ni Felix ang dala niyang knapsack at kinuha mula duon ang baon niyang ham and cheese sandwich. Hinati niya sa dalawa ang sandwich at nilagay ang kalahating parte nito sa sahig malapit sa daga. "Hati tayo."

Medyo alangan pa ang daga na lumapit sa nilapag na pagkain ni Felix. Pero nang maamoy na nito ang masarap na ham and cheese na palaman sa tinapay, lumapit na rin ito at sinimulang kagatin ang sandwich. Nangingiti naman si Felix na pinapanuod ang daga habang kinakain na rin ang kalahating sandwich niya.

Nang maubos na ni Felix ang kinakain, kinuha niya mula sa loob ng bag ang leather bound journal niya at ang gel pen. Palagi niyang dala ang journal niya kahit nasa school. Sa tuwing downtime o break time kasi, kung wala lang din siyang activities na gagawin o tinatamad siya magbasa ng libro, sinusulatan niya si Ida gamit ang journal. Pero sino nga ba si Ida?

Nag-isip saglit si Felix bago nagsimulang magsulat.

Dear Ida,

School today is chaotic, as always. I have to prepare a poem on a topic I knew nothing about. I have to write a poem about my crush. I could imagine how you might laugh your head off just imagining me writing a lyrical poetry about a non-existent crush. And that's the dilemma. How could I write a convincing form of art if I don't feel it inside me? There's nothing in here but a vast void of emptiness. I could try to write the words but it would end up sounding hollow. Does that mean I'm asexual?

Anothing hurdle I have today is my editor at the school paper has been hounding me nonstop for my written article of me conducting candid interviews of the candidates for the forthcoming beauty contest sponsored by the school for its Foundation Day this Friday. I'm trying to evade it as much as I can. I'm not well at ease around people. I already ask my editor if she could put me on a different assignment but we were already pressed for time for this month's publication. Swapping assignments among staff might further derail us. If only I have a magic wand that could make myself disappear...

Dahil nakatuon lang ang atensyon ni Felix sa sinusulat sa journal, hindi niya napansin na pumasok na pala ang mga kasamahan niya sa school paper sa library. S'yempre pa nangunguna si Carol sa paglalakad. Sumimangot si Mijares nang makita ang grupo ni Carol na parang mga CAT cadettes na single-file na naglalakad sa pasilyo ng library. Sinundan niya sandali ng tingin ang mga ito habang umaakyat ng hagdan bago niya itinuloy ang pagkolekta ng mga na-catalogue na niyang mga libro na ilalagay na niya sa respective shelves nito.

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon