CHAPTER TWENTY ONE

3 0 0
                                    

YUAN OPENS UP TO FELIX. FELIX MEETS ANDY AND KIM. FELIX ASKS ABOUT CHLOE AND JILL

HINDI inaasahan ni Felix na sa kanyang 'secret place' siya dadalhin ni Yuan.

"Bakit dito mo pa 'ko dinala? Marami namang malapit na kainan sa school natin." Usisa ni Felix habang pumapasok sila sa coffee shop ni Yuan.

"Paborito mo dito, 'di ba? Might as well dito na tayo kumain para ma-good mood ka." Kumindat pa si Yuan sa kanya habang pumipili ito ng pinaka-cozy na puwede nilang puwestuhan.

Nagsisimula na silang kumain nang mapansin ni Yuan na tamilmil sa pagkain si Felix at panay ang tingin sa kanya.

"May gusto kang itanong sa 'kin, ano, Felix?" Ngumiti si Yuan para hindi ma-alienate si Felix. Mukha kasing nag-aalangan ito.

"Wala. Ano lang kasi. Na-curious lang ako sa statement mo kanina na maraming kang naging kaaway sa previous school mo. I just want to know the details. Pero if you're not comfortable, I would understand."

Pinunasan muna ni Yuan ng tissue ang bibig bago nagsalita. "Let's just say na nabarkada kasi ako sa dati kong school, sa Saint Benedict. I wouldn't say they're all out bad. Nagkataon lang na we we're branded as notorious without meaning to. Si Jesse na kino-consider kong brother from another mother, parang siya 'yung head ng pack namin. Close kami nu'n. Sobra. Naturally, pareho kaming namumuno ng kapilyuhan sa school. Namboboso ng mga crush naming girls sa ladies' room, nagpapaiyak ng mga kaklase o schoolmate na hindi namin trip, nagka-cut classes. Alam mo na. Yung mga tipikal na ginagawa ng mga malolokong estudyante."

"How about drugs and alcohol?" Sinubukang maging nonchalant sa pagtanong si Felix. Pero ang totoo, gusto niyang malaman talaga kung may itinatagong dark side itong si Yuan.

"Yung mga bisyo lang namin nu'n sigarilyo and inom. Never kaming nag-drugs. Takot din kasi kami. Especially me, I have high blood pressure. Baka makasama sa 'kin."

"Anong nangyari sa inyo nung Jesse at ng mga kabarkada mo? May fall out bang nangyari kaya nasa school ka na namin ngayon?"

Huminga ng malalim si Yuan. Uminom pa ito sa baso nito ng tubig na parang bumubuwelo. "Hindi ko pa kayang ikuwento sa 'yo in detail, Felix. Medyo raw pa kasi. All I can tell you is yes, nagkaroon kami ng fall out ni Jesse, kasama na rin du'n 'yung circle of friends namin. Hindi na rin kami nakakapag-usap, although online friends pa rin naman kami sa social media, du'n ako nakakakuha ng updates sa kanya. Aside from that..." Ibinuka ni Yuan ang dalawang kamay niya na parang pinapahiwatig na hanggang du'n na nagtatapos ang ugnayan niya sa mga kabarkada sa dating school. "Nung una, nainis pa ako kay Papa kasi biglaan ang lipat sa 'kin sa The Good Earth Academy. Pero on hindsight, na-realize ko mabuti na rin 'yon. According kay Papa, naging unwieldy daw ako ever since naging barkada ko sina Jesse."

"But you don't seem like a bad guy, Yuan. You seem like a kind, sensible person." Honest namang sabi ni Felix.

Nangiti si Yuan sa observation sa kanay ni Felix. "Thank you. I'm trying to be one. Hindi ako ganito sa dati kong school. I'm very different."

Nag-isip saglit si Felix bago ulit nagtanong. "Bakit pala kayo nagkaroon ng fall-out ni Jesse? Anong pinag-awayan n'yo?"

Natawa ng maigsi si Yuan. "Mas proper sigurong sabihin kung sino ang pinag-awayan namin. It's about a girl, Felix. We fought because of a girl."

--------

NANG paalis na sila sa coffee shop saka naalala ni Yuan na naiwan pala niya sa bahay ang barong tagalog na isusuot niya bilang escort ni Chloe sa pageant. Tinanong ni Yuan si Felix kung okay lang ba ditong samahan siya sumaglit sa house para kunin ang damit niyang isusuot. Naka-ready na naman daw ito sa closet niya kaya hindi sila gaanong magtatagal sa bahay. Pumayag naman si Felix. Natrapik sina Yuan papunta sa bahay nila sa White Plains, kaya pagkaparada ng motor nito sa tapat ng two-storey na stylishly modern glass panelled house ay halos tumakbo ito papasok.

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon