CHAPTER TWENTY SIX

4 0 0
                                    

TALENT PORTION. FELIX GETTING GRUMPY

NAGSIMULA na ang talent competition ng Miss Teen Earth pageant at kanya-kanya ng pakita ng natatangi nilang talento ang mga kandidata. Kagaya ng naisip na gawing performances nina Chloe at Jill, karamihan sa mga sumali ay singing and dancing ang ipinakita. Iba-iba nga lang ang variations. Sa mga candidates na ang napiling talent na ipakita ay pagkanta, may mga kumanta ng ballads at love songs, may kumanta ng mga pop rock songs at meron din isang kumanta na hango sa pamosong Broadway musical na Les Miserable, ang On My Own na pinasikat ni Lea Salonga nang gumanap siyang Eponine na hango naman sa classic novel ni Victor Hugo.

Sa mga candidates na ang talent ay pagsayaw, may sumayaw ng popular dance songs nina Ariana Grande, Calvin Harris at Marshmello. Meron din namang nag-perform ng ballet. May nag-Haiwaiian hula dance sa classic song na Pearly Shells ni Don Ho. At meron ding nag-Filipino folk dance na pinagsabay ang pandanggo sa ilaw at pagti-tinikling.

Pero meron din mga kakaiba ang naging performance gaya ng magpaikot ng maraming hula hoops sa katawan. May nag-perform ng magic tricks na naka-magician cape pa ang candidate habang nagpapalitaw ng mga rabbits, white doves at deck ng cards sa malaking magic hat at sa kung saan-saang bulsa ng suot niya. Meron din namang nag-declamation speech na ang ginamit ay ang famous gender equality speech ni Emma Watson.

Si Yuan na nakabalik na ulit sa tabi ni Felix sa front row seats ay halatang hindi full ang concentration sa ibang mga candidates na nagpe-perform. Out of the blue kasi ay bigla na lang nitong tatanungin si Felix kung saan nito trip kumain pagkatapos ng pageant. Minsan ay magpo-focus ito sa pag-aayos ng setting ng DSLR camera. O kaya makikipagkuwentuhan kay Linus na katabi naman niya sa kabilang upuan. Pansin nga ni Felix, mukhang finally na-charm na rin ni Yuan si Linus dahil panay bungisngis nito habang nakikipag-usap.

Pero nang tawagin na ng emcee na si Ron-Ron ang pangalan ni Chloe, all eyes agad si Yuan sa stage. Sinubukan pa ngang kausapin ito ni Felix pero ayaw magpa-istorbo ni Yuan. Later na lang daw after ng performance ni Chloe. Naisip na lang ni Felix na dahil siguro ka-partner na ni Yuan ang magpe-perform, gusto niyang ipakita dito ang suporta niya.

Halatang kabado sa umpisa si Chloe. Nagkaroon pa nga ng microphone feedback sound habang inaayos niya ang pagkakalagay ng mikropono sa estante.

"I'll be performing an acoustic cover of Consequences by Camila Cabello. Hope you all like it." Pino at mahinhin na sabi ni Chloe sa mikropono bago sinimulang patugtugin ang hawak na gitara.

"Dirty tissues, trust issues. Glasses on the sink, they didn't fix you. Lonely pillows in a strangers head. Little voices in my head." Very soulful ang boses ni Chloe na tumutugma naman sa tuwing kinakalabit niya ang kuwerdas ng gitara.

"She's so charming." Nakangiting sambit ni Yuan na halatang mesmerized na agad kay Chloe ilang segundo pa lang nitong sinisimulan ang kanta nito. Napatingin dito si Felix. Nakita niyang tutok na nakatingin si Yuan sa stage. Parang wala na si Felix sa peripheral vision nito at hindi na siya pinapansin. Napabuntong-hiningang binalik ni Felix ang tingin kay Chloe sa stage.

"Loving you was young, and wild, and free. Loving you was cool, and hot, and sweet. Loving you was sunshine, safe and sound. A steady place to let down my defenses. But loving you had consequences..." Napansin ni Felix na sinadya pang tumingin ni Chloe kay Yuan nang kinakanta na nito ang chorus part ng song. Parang kabisado na ni Chloe kung saan puwesto nakaupo si Yuan.

Pagbaling naman ni Felix sa katabi ay nakita niyang very eager na makipag-eye contact naman itong si Yuan sa nagpe-perform sa stage. Akala mo tuloy may mental telepathy ang dalawa at nakakapag-communicate base sa tinginan.

"Loving you was dumb, dark and cheap. Loving you will still take shots at me. Found loving you was sunshine, but then it poured. And I lost so much more than my senses. 'Cause loving you has consequences."

Pagkatapos kumanta ni Chloe ay binigyan siya ng malakas na applause ng audience. Sign na nagustuhan nila ang sariling rendition niya ng song. Pero ang isa yata sa pinakamalakas na nag-clap ng hands ay si Yuan. Nag-whistle pa ito na nilagay pa ang thumb at forefinger sa mouth para ma-intensify ang tunog ng pagsipol niya. Umepekto naman dahil tumingin ulit sa gawi niya si Chloe at nag-mouth ng 'thank you'.

Hindi tuloy alam ni Felix kung maiinis sa sobrang atensiyon na binibigay ni Yuan kay Felix. Pabalandra niya tuloy ibinigay kay Yuan ang hawak na camera. "Check mo 'yung mga kuha ko kay Chloe kung pasado na sa 'yo." Walang ganang sabi ni Felix.

"Yeah, right." Kaagad namang sinipat ni Yuan ang mga kuhang litrato ni Felix sa camera. "Ang galing mo nang gumamit ng filters, Felix, ha? You're now becoming a pro. I really like how you capture Chloe's image here." Mukha namang hindi napansin ni Yuan na wala na sa mood ang katabi niya.

Sumunod namang magpe-perform si Jill kasama ang identical twins niyang cousins na sina Asha at Almira ng kanilang dance cover ng I Got A Boy ng grupong Girls' Generation. Maganda lumabas ang dance number naman ni Jill dahil bukod sa magaling siyang sumayaw ay coordinated ang mga naging galaw niya at mga back-up dancers niya kahit complicated ang mga steps. At spunky ang klase ng pagsasayaw ni Jill. Buo ang confidence at bumagay ang lambot ng katawan nito sa pagsasayaw sa curvy na hubog ng katawan niya.

Palihim na tiningnan ni Felix si Yuan sa pagitan ng pagkuha niya ng pictures kay Jill habang nagpe-perform ito sa stage. Very attentive na nakatingin ito kay Jill. Nilalaro pa nga ni Yuan ang bibig gamit ang daliri niya habang pinapanuod si Jill. Baka ina-appraise nito si Jill kung gaano ito ka-sexy habang nagsasayaw ito. E, ano naman kay Felix kung sexy para kay Yuan si Jill? Bakit siya masyadong apektado?

Itutuon na sana ni Felix ang pansin sa pag-aayos ng settings ng camera para lalong mapaganda ang nakukuhang mga litrato nang bago matapos ang sinasayaw na kanta ay bumaba sa stage sina Jill, Asha at Almira para kumuha ng mga guys sa audience para yayain sa stage na makipagsayaw sa kanila. Dapat hindi na nagulat si Felix na si Yuan ang pipiliin nitong kunin para sumama sa kanya sa stage. Pero na-shock pa rin siya nang lumapit nga sa kanilang inuupuan si Jill at hinila nito sa braso si Yuan para sumama sa kanya.

"Jill, I don't know how to dance." Tanggi ni Yuan kahit hawak na siya ni Jill.

"You don't need to dance naman, Yuan. You just have to join me on stage. That's all." Sagot naman ni Jill na hindi pa rin binibitawan sa braso si Yuan.

"Pero..." Ang inaalala talaga ni Yuan ay yung near fight na nangyari nila kanina ng boyfriend nitong si Francis sa backstage. Ayaw niyang bigyan pa ito nang dahilan para tuluyan siyang awayin.

Pero mukhang hindi titigil si Jill hangga't hindi niya naisasama si Yuan sa stage. "Yuan, I'll be shamefaced if you don't join me. 'Pag 'di kita naisama sa stage, people looking at us right now would think na you declined me. Hindi ka naman mean para mapahiya ako ng ganu'n, 'di ba?" Gumamit na ng guilt trip tactics si Jill.

Walang nagawa si Yuan kung hindi sumama kay Jill sa stage. Feeling victorious at that moment si Jill. Todo ang ngiti nito habang sumasayaw sa stage katabi si Yuan na halatang pilit ang pagkilos ng katawan para hindi naman siya magmukhang posteng basta lang nakatayo.

Laking pasalamat na lang ni Yuan dahil natapos kaagad ang dance music. Bago pa siya makababa ng stage ay hinawakan pa siya ni Jill sa pisngi. "Thanks, Yuan. You're the sweetest."

Naiilang na ngumiti si Yuan bago bumalik sa upuan niyang katabi si Felix.

"Were you able to get good photos of Jill, Felix?" Tanong ni Yuan pagkaupo niya.

"Oo. Ikaw na muna mag-check. Punta lang ako sa restroom." Walang siglang paalam ni Felix habang inaabot kay Yuan ang camera.

Uusisain sana siya ni Yuan pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Felix. Dali-dali siyang lumakad palayo para puntahan ang restroom sa may gilid ng theater. 

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon