YUAN DECIDES TO STAY BEHIND. PAGEANT PRACTICE. YUAN DECIDES TO HELP FELIX
PABALIK na sila sa BMW sedan na nakaparada sa mapunong parking lot ng school nang mapansin ni Andy na mabagal na naglalakad si Yuan at mukhang malalim ang iniisip.
"Is there anything wrong? Nagka-upset stomach ka ba sa food na kinain natin sa cafeteria?" Worried na tanong agad ni Andy.
"Hindi, Pa. I'm just wondering if I could hang out here for a while. Since dito ko na tatapusin 'yung remaining year ko sa senior high, might as well I familiarize myself with the place, 'di ba?"
"'Yun lang ba talaga ang gagawin mo, Yuan?" Dubious na tanong ni Andy sa anak.
"What misfit could I possibly do here, Pa? I don't know anyone!"
"Good point. Dànshì wǒ háishì bù xiāngxìn nǐ." Sagot naman ni Andy na ang English translation ay "But I still don't trust you."
"Zhè bù gōngpíng." Naka-pout namang sagot ni Yuan na ang translation naman ay "That's not fair."
Nangingiting umiling na lang si Andy habang binubuksan ang kotse gamit ang key fob niya. "Just don't stay here too long, okay?"
"Can I borrow your car then, Pa?" Nakangiting paalam naman ni Yuan bago pa makasakay sa kotse si Andy.
"Sabi ko na nga, eh. May foresight na ako na 'yan ang susunod mong tanong sa 'kin."
"Sige na, Pa! Alam n'yo naman na hindi ako sanay sumakay sa kotse ng hindi 'ko kilala. That's why I still don't have the Grab app on my phone. Don't worry, I'll be very careful with your car. Promise!" Itinaas pa ni Yuan ang kanang kamay niya na parang nagpe-pledge ng oath.
"I'm starting to doubt you're really my son, Yuan. Kanino ka kaya nagmana ng kakulitan?" Sabi ni Andy na halatang nagbibiro lang habang binibigay ang key fob sa anak.
Kunwaring nag-isip saglit si Yuan habang nilalaro sa kamay ang key fob bago sumagot. "Kay Mama?"
Napahinga ng malalim si Andy. "I'd rather not go there right now, Yuan. Anyway, alagaan mo 'tong kotse. No scratches when you get back." Patuloy na bilin nito habang kinukuha ang briefcase sa loob ng sasakyan. "Before I forget, pinapasabi pala ni Kim na gusto niyang i-try natin 'yung newest concoctions niya na Nutella cupcakes and speculoos buttercream cupcakes bago niya subukan i-sell sa market. Tayo daw kasi ang official taste testers niya. Can you be home before six then?" Eldest sister ni Yuan si Kim na nahihilig sa baking ang tinutukoy ni Andy.
"So, uuwi ako ng maaga just to try her tough and chalky-tasting cupcakes? Parang gusto kong mag-pass muna d'yan, Pa." Nag-grimace pang sabi ni Yuan.
"Napaka-mean mo sa Achi mo." Sabi naman ni Andy na ang meaning ay 'eldest sister' habang sinisimulang nitong mag-book ng kotse sa Grab app. "'Andiyan na 'yung Grab driver ko, Yuan. See you later sa bahay."
"Sige, Pa." At isinuot ni Yuan ang Beats by Dre headphones na nakasukbit sa leeg niya. Pinatugtog niya muna ang Love track ni Kendrick Lamar sa album niya bago sinumulang maglakad sa premises ng The Good Earth Academy.
--------
TIYEMPONG kakasimula pa lang ng stage rehearsal ng mga candidates para sa gaganaping Miss Teen Earth nang pumasok si Felix sa The Pearl Theatre ng school. Halatang fan ng well-renowned book ni Pearl S. Buck ang founder ng school at lahat ng buildings at facade sa school grounds, pati ang mismong pangalan ng school ay may koneksyon sa nobelang The Good Earth.
Sa huling row ng mga cushioned seats pumuwesto ng upo si Felix habang pinapanuod ang pagre-rehearse ng mga contestants sa stage. Kasalukuyan nilang nire-rehearse ang dance steps ng kantang Bring It All Back ng S Club 7 sa tulong ng isang professional choreographer na ang school pa mismo ang nag-rent ng service para maganda ang magiging resulta ng kanilang production number.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...