CHAPTER FIFTEEN

4 0 0
                                    

-YUAN'S TREAT. JILL'S BRAZEN MOVE. WHO'S CHATTING WHO?-

SA Newport City pa napiling dalhin ni Yuan si Felix. Nagsisimula nang umulan nang marating nila ang Newport Mall. Binistahan nila saglit ang bahagyang nabasang kasuotan nila nang makahanap ng slot sa parking area ng mall.

"May galit yata ang ulan sa 'yo, Yuan. Second time na 'tong inulan 'yung lakad natin sa labas." Tukso ni Felix dito.

"Actually, mas gusto ko nga pag umuulan. Malamig. Saka I could wear 'yung mga favorite long-sleeved shirts ko nang hindi pinapawisan."Nakangiting sagot naman ni Yuan. "Ikaw ba?"

"Same din. Mas mahimbing ang tulog ko pag naririnig ko 'yung ulan."

"That's nice to know." Lumamlam bigla ang mga mata ni Yuan habang nakatingin kay Felix.

Nailang si Felix kaya nakaisip siya ng distraction para maputol ang pagtitig ni Yuan sa kanya. "Saan pala tayo kakain at dito pa sa Resorts World Manila mo pa 'ko dinala?"

Bilang sagot sa tanong ni Felix, dinala ito ni Yuan sa second floor ng Newport Mall hanggang nasa harap na sila ng red accented facade ng Singaporean-Chinese restaurant na Tao Yuan.

"Kaya mo ba 'ko dito dinala kase 'yung name mo nandu'n din sa pangalan ng restaurant?"

"Hindi." Nakangiting sagot ni Yuan. "Masarap talaga dito. Promise! 'Lika na! Hopefully, makakuha pa tayo ng available booth." At hinila pa siya ni Yuan papasok sa restaurant.

Masuwerte at mayroon nang bakante pagkadating nila sa restaurant. Naghintay lang sila saglit para ma-prep up ang ookupahan nilang booth. Halos hindi na tingnan ni Yuan ang menu. Alam na nito ang gustong i-order. Tinatanong na lang ang waiting staff kung currently available ang food na gusto niyang kainin. Occasionally na tinatanong ni Yuan si Felix kung meron itong nakita sa menu na gusto din niyang i-try. Dahil hindi naman adventurous si Felix pagdating sa pagkain, pinabayaan na niya kay Yuan ang pagpili ng kakainin nila. For sharing naman ang karamihan sa food ng restaurant kaya hindi naman big deal.

Nagulat lang si Felix sa dami nang food na nilalagay ng service staff sa mesa nila. May Singaporean chilli crab with fresh steamed buns may cereal prawns, may Hainanese chicken with Hainanese rice, may bowl ng Singaporean Laksa, char kwey teow noodles at dessert na fresh mango sago cream.

"May in-invite ka pa bang iba? Ang dami nito?"

"Wala. Sa 'tin lang dalawa 'yan." Nakangiting sabi ni Yuan habang niya ng broth ng laksa ang sariling bowl ni Felix.

"Are you kidding me? Last supper na ba 'to?"

"Sorry. I haven't been back here in a while, kaya I overindulged. Don't worry, we can take out the leftovers." Sagot naman ni Yuan habang naglalagay na rin ng soup sa sarili niyang bowl.

Nagsisimula na silang kumain nang mapansin ni Yuan na tahimik lang si Felix habang nilalaro ng fork nito ang piraso ng cereal prawn na nakalagay sa sariling plate niya.

"Ang tahimik mo naman. 'Di mo ba nagustuhan 'yung food?"

"Hindi. Masarap nga, eh. Proven na talagang foodie ka."Ngumiti pa si Felix pero bumalik ang brooding look sa mukha niya. Napansin ni Felix na nakatitig sa kanya si Yuan kaya iniwas niya ang tingin dito at itinuon ang pansin sa mga naka-display na Peking duck na naka-skewered sa mga hooks malapit sa counter. Pagbalik niya ng tingin kay Yuan ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Pinuna na ni Felix si Yuan. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"May gusto kang sabihin sa 'kin, eh. Pero you're having second thoughts. Ano ba kasi 'yun? Hindi naman ako magagalit."

Nag-hesitate saglit si Felix pero sinabi na rin niya. "Nagtataka lang ako kung bakit nagprisinta ka na maging photographer namin sa school paper."

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon