REGINALD BEING PESKY. JILL ASKS ABOUT THE NEW GUY. FELIX' NEW FRIEND
IRITABLENG napatingin si Chloe kay Reginald nang mag-belch ito ng malakas. Natuloy sila sa Denny's sa Eastwood. Katatapos lang nilang kumain at halata sa demeanor ni Reginald na busog na busog ito.
"Ang gross naman nito!" Hindi napigilang sabihin ni Chloe. Katabi pa naman niya si Reginald.
"Sorry, Babe. Napadami 'yata nakain ko." Nangingiting sabi naman ni Reginald.
"You're ordering too much kasi. Nag-burger ka na, umorder ka pa ng Lumberjack Slam. And then ikaw pa halos umubos ng appetizers. Ma-empacho ka d'yan!"
"Uy! Concern na concern sa 'kin si Babe."
"Stop calling me that! It's already getting into my nerves!" Tinakpan pa ni Chloe ng mga kamay niya ang dalawa niyang tainga.
Natawa naman si Jill sa childish reaction ni Chloe. Nakaupo ito sa tapat nila ni Reginald. Katabi naman ni Jill ang boyfriend nitong si Francis na nakaakbay sa kanya na habang nagdi-dip ng chicken fingers sa ranch dressing. I-offer pa nito ang na-dip na chicken finger kay Jill. Pagkakagat ni Jill sa chicken finger ay bigla siyang nanakawan ng halik ni Francis. Naggi-giggle na pabirong tatampalin ni Jill palayo ang mukha ng boyfriend sa kanya.
"Kelan kayo tayo magiging ganyang ka-sweet, Babe?" Pinapanuod na pala ni Reginald ang paglalambingan nina Jill at Francis.
Pinili na lang hindi sumagot ni Chloe at baka ma-offend pa niya ang feelings ni Reginald. Sina Jill at Francis naman kasi. Dapat pag nagsosolo na lang sila naglalambingan ng ganyan.
"Subuan mo na lang ako ng salad na kinakain mo, Babe?" Natuon na naman ang attention ni Reginald sa kanya.
"Hindi ka naman mahilig sa salad. Saka vinegar dressing nakalagay dito. Hindi mo lang magugustuhan."
"Ayaw mo lang maging sweet sa 'kin, Babe. Nakakatampo ka naman." Nag-pout pa si Reginald.
Saktong dumaan sa tapat ng glass window nila ang isa nilang kabarkada na si Iñigo, kaabay ang girlfriend nitong si Sara. Si Francis ang unang nakakita sa kanya.
"Bro, si Iñigo, oh!" Tawag ni Francis kay Reginald sabay turo sa kabarkada na nasa labas ng window nila.
Nakita rin sila ni Iñigo at kinawayan sila mula sa labas.
"Saan ang punta mo?" Tanong ni Francis. Inilagay ni Iñigo ang kamay sa isang tainga, indication na hindi nito narinig ang tanong ni Francis. "Saan ka punta?" Sinamahan na ni Francis ng sign language ang tanong.
Nagsenyas naman si Iñigo na magyoyosi ito sa smoking area kasama ang girlfriend.
"Yosi, Bro. Tapos ka na, 'di ba? Sama tayo." Yaya agad ni Francis kay Reginald.
Kaagad namang tumayo ang dalawa. Niyaya ni Francis si Jill na sumama pero tumanggi ito.
"Later na lang ako." Sabi pa ni Jill.
"We'll be right back, ladies." Nakangiting sabi ni Reginald at sabay na silang lumabas sa diner ni Francis para i-meet si Iñigo sa labas.
"Ang hilig magyosi ng dalawang 'yun right after eating." Sabi ni Chloe habang sinusundan ng tingin sina Reginald at Francis.
Pinansin naman ni Jill ang kinakain ni Chloe. "Ang weird naman ng combination ng kinakain mo, chicken salad and vanilla milkshake."
"Ewan ko ba? Weakness ko talaga ang milkshake. I pair it up with everything. Saka ang humid kasi ng weather natin ngayon."
"Ako din naman may quirk sa food. Nilalagyan ko ng condensed milk 'yung cheese curls bago ko kainin."
"Yeah. You already told me that one time. Try ko din minsan baka magustuhan ko rin."
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...