CHAPTER TWENTY TWO

3 0 0
                                    

MISS TEEN EARTH

PAGKADATING nina Yuan at Felix sa school grounds ng The Good Earth Academy, nagbilin si Yuan kay Felix na i-reserve siya ng seat katabi nito sa The Pearl Theater saka ito nagmamadaling hinanap ang pinakamalapit na male restroom para mapalitan ang suot niyang casual clothing ng dala niyang barong tagalog.

Habang papalapit pa lang si Felix sa The Pearl Theater ay rinig na niya ang ingay mula sa loob. As expected, maraming mga estudyante ang in attendance pati na ang mga family ng mga contestants sa Miss Teen Earth. Kahit puno na ng tao ang loob ng theater ay hindi naman nahirapang maghanap ng seat si Felix dahil may allocation na ang staff ng The Good News na magko-cover ng event. Inilagay ni Felix ang dalang Canon camera ni Yuan sa katabing seat pang-reserba sa nagpapalit ng damit na pangkonsorte na si Yuan. Isa-isa nang dumating ang staff ng The Good News na sina Pepper, Linus at Ricky. Nahuli nang dating si Carol. Nakita nito ang inireserbang seat ni Felix.

"Ang bait mo naman, Felix. Pinagreserba mo pa ako ng seat. Buti na lang! Naharang kasi ako ni Mrs. Ilagan on the way here. Nagtatanong ng updates regarding sa upcoming issue natin sa school paper. Kung 'di niya ako nakita, sana nauna pa ako sa inyo." Akmang uupo na ito sa nakareserbang seat nang pigilan siya ni Felix.

"Sorry, Carol. I'm reserving this seat for Yuan. Bilin niya kasi sa 'kin na magkatabi kami. Kailangan lang niyang magpunta sa restroom ng mabilis to change for the pageant."

"Para kay Yuan?" Tumaas agad ang kilay ni Carol. "Reserved 'tong mga seats na 'to para sa staff ng school paper, 'di ba? Dapat du'n siya sa backstage, du'n ang puwesto ng mga escorts."

"Tutulong pa rin siya sa pagkuha ng mga pictures ng pageant. And besides, we wont have decent pictures na mailalagay sa school paper natin kung hindi dahil sa help ni Yuan. Kaya cut him some slacks, Carol."

"Saan ako uupo ngayon?" Upset nang tanong ni Carol. Wala na siyang nakikitang hindi okupadong seats.

"Carol, meron pang puwesto du'n sa other side." Suggestion ni Ricky sabay turo sa seat na tinutukoy nito.

Ang hindi pa okupadong seat na itinuro ni Ricky ay makakatabi niya ang grupo nina Deejay, Kai at Tim.

Lalong nanlumo si Carol sa nakita. Pero nang harapin niya si Felix ay magkasalubong na ang mga kilay nito. "I will never forget this day, Felix. Never!" Saka ito umirap at lumakad sa seat sa tabi ni Deejay.

"May monthly dalaw na naman siguro 'yang si Carol kaya nagsusungit." Bulong ni Ricky kay Felix na sinundan nito ng halakhak.

"What do we have here?" Nakangising sabi ni Deejay nang makita umuupo si Carol sa tabi niya. "Ang pinaka-petite na girl sa class natin tumatabi sa isang hunk na katulad ko."

Nakitawa ng malakas kay Deejay sina Kai at Tim.

"Deejay, may pepper spray akong baon dito sa bag." Hinapit pa ni Carol ang bag niyang dala to demonstrate. "'Pag hindi n'yo tinigil ang pang-aasar sa 'kin, I won't hesitate na iwisik 'to sa mga mata n'yo."

Lalong natawa si Deejay na akala siguro ay nagbibiro si Carol.

Lalong sumeryoso ang mukha ni Carol nang tiningnan si Deejay. "I'm not joking."

Biglang tumahimik si Deejay nang makitang totohanin ni Carol ang sinabi nito. Pati ang mga kabarkada niyang sina Tim at Kai ay nanahimik na rin.

Nangingiti naman si Felix habang tinitingnan ang eksena nina Carol at Deejay. Kahit pala ang kino-considered na King of the Bullies sa school nila si Deejay ay natatameme ito sa katarayan ni Carol.

Pasimula na ang pageant program nang halos tumatakbo na tumabi kay Felix si Yuan. "Thanks, buddy, for saving my seat." Nakangiting sabi nito habang umuupo sa tabi ni Felix.

Hindi agad naka-react si Felix nang makita si Yuan. Paano kasi lalo na-enhance ang good-looking features nito sa suot nitong intrically woven piña fabric ng barong tagalog. Inayos pa nito ang sariling buhok ng hair gel. Napansin agad ni Yuan na parang natahimik bigla si Felix.

"Oh! Natulala ka na. Hindi artista 'tong katabi mo. Ako lang 'to." Pagbibiro sabay tawa ni Yuan.

"Hindi. Bigla ka kasing nagmukhang kagalang-galang, Senator Chen." Ganting biro naman ni Felix.

Nag-pout sa kanya si Yuan. "Ang mean mo talaga sa 'kin. Pahiram nga niyang camera. Check ko 'yung settings."

Nang mag-lean si Yuan kay Felix para kunin ang Canon camera naamoy pa niya ang woodsy at musky smell ng nilagay nitong cologne na later niyang malalaman na scent ng Acqua di Gio. Nakaramdam tuloy ng pagkailang si Felix sa sobrang lapit sa kanya ni Yuan.

"Ladies and gentlemen! Let's welcome our contestants for tonights Miss Teen Earth!" Sabi sa mikropono ng tumatayong emcee ng pageant na si Ron-Ron. Aside sa madalas na nakikita school ground si Ron-Ron sa pagpa-practice nito ng ibang-ibang sports, maganda rin ang speaking voice nito na puwedeng pang-disc jock. Kaya ito ang kinuha ng organizers ng pageant na mag-host.

Si Carol, parang nuon lang napansin ang kakisigan ni Ron-Ron dahil sa ganda ng tabas ng suot nitong suit. Kaya nang naglabasan ang mga candidates mula backstage para mag-perform ng opening number nila ay hindi duon nakatuon ang pansin ni Carol kung hindi mesmerized na nakatingin kay Ron-Ron na pumuwesto sa gilid ng stage.

Naka-casual outfits lang ang mga contestants habang sinasayaw ang Bring It All Back ng S Club 7. Si Yuan naman panay turo kay Felix kung sinong candidates o 'di kaya kung saang anggulo sa stage magandang kuhanan ng picture. Minsan naiinis na nga si Felix dahil napapanay ang dikit sa kanya ni Yuan. Naapektuhan siya sa closeness ng body nito sa kanya na hindi niya maintindihan.

Matapos ang production number, kanya-kanya ng pag-introduce ang mga contestants sa harap ng stage. Karamihan ay 'yung typical mo nang nakikita sa mga beauty contests ay paraan ng pag-i-introduce sa sarili. Mayroon namang na-try mag-inject ng jokes. Meron mga sobrang timid. Pero meron ding sumobra ang pagka-enthusiastic.

Sa dami ng mga contestants na nagpakilala ng kanilang sarili, ang pinakanatandaan ni Felix ang introductions nina Chloe at Jill. Dahil siguro hindi lang ang detalye ng introductions ng dalawa ang pinagtuunan ng pansin ni Felix, kung hindi palihim din niyang pinansin ang reaksyon ni Yuan pagkatapos magsalita ng dalawa sa stage.

Naunang magsalita si Chloe. "Hi! I'm Chloe Louise Benitez. Seventeen years old representing class Mount Everest. And I believe in this saying by English playwright William Shakespeare from his Julius Caesar masterpiece, 'It is not the stars to hold our destiny but in ourselves.' Thank you!" Kumaway pa si Chloe sa audience bago tumalikod sa estante ng mikropono.

Pagtingin ni Felix kay Yuan ay halatang mesmerized itong sinusundan ng tingin si Chloe sa stage. "I really like her quote." Almost breathy ang boses na sabi nito.

"You really like her quote o you really like her." Inis na pabulong na sabi ni Felix.

Napatingin sa kanya si Yuan. "Ha? Anong sabi mo?" Kunot ang noong tanong nito.

Agad namang nakaisip ng alibi si Felix. "Sabi ko, tingnan mo 'tong mga still pictures ko kay Chloe kung okay ba sa 'yo." Palusot niyang sabi sabay bigay kay Yuan nang hawak niyang camera.

Si Jill naman ngayon ang nagsalita. "Good evening, everyone! This is Jillian Marie Valencia. I'm also representing class Mount Everest. I'll leave you a quote from one of my favorite actresses, Resse Witherspoon. 'You always gain by giving love.'" Nag-flying kiss pa si Jill sa crowd bago tumalikod.

"Very nice." Kumento ni Yuan habang pumapalakpak.

Napansin ni Felix na napakagat-labi pa si Yuan habang sinusundan nito ng tingin si Jill. Naalala kaya nito 'yung halikan siya ni Jill kaninang morning sa kissing booth? 'Yung introduction ba ni Jill ang kinukumentohan niya ng 'very nice' o 'yung naging passionate kiss sa kanya ni Jill kanina?

Hindi tuloy namalayan na 'select and erase image' ang napindot ni Felix sa camera instead na i-forward ang image sa SD card ng camera. Napansin din ito ni Yuan.

"Felix, what did you do? Na-delete mo 'yung mga kuha mo kay Jill." Nanlalaki ang mga mata sa surprise na sabi ni Yuan.

"Sorry. Namali ako ng pindot." Apologetic na sabi naman ni Felix.

"Ako na nga muna ang magkukuha ng pictures, Felix." Sabi ni Yuan habang kinukuha ang camera sa kamay niya. "Mamaya ko na ibibigay sa 'yo 'to pag kailangan na ako sa stage."

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon