CHAPTER ONE

43 0 0
                                    

THE GIRL IN A PICTURE. THE EDITOR FROM HELL. THE FAIR LADIES. THE FISH BOWL EXPERIMENT. A SLY EXIT

HULING klase ni Felix ang English class bago ang scheduled nilang lunch break. Although naririnig naman si Felix sa sinasabi ng teacher sa harap ng klase, busy rin siya sa pag-drawing ng mukha ng isang batang babae sa blangkong pahina sa likod ng notebook binder niya. Pinagkokopyahan niya ang litrato na nakaipit sa likod ng school I.D. niya. Cute na morena ang batang babae. Mga sampu o labing-isang taon pa lang ito kung pagbabasihan ang picture. Sino kaya ang batang babae ito sa buhay ni Felix? Walang nakakaalam sa mga kaklase o acquaintances ng binatilyo sa school. Pag tinatanong naman siya, tikom ang bibig niya. Sinasadya pa niya minsan na ilihis ang topic.

Sinulat sa pisara ng teacher nilang si Mr. Donald Aguirre ang 'poetry writing' in curve script na nilagyan pa niya ng underline. Pinagpag pareho ni Mr. Aguirre ang dalawang kamay na puno ng marka ng yeso habang hinaharap ang klase. "You guess it right. We'll be doing a poetry writing activity."

Rinig na rinig ang ungol ng di-pagsangayon ng mga estudyante sa loob ng classroom. Halata sa mga mukha na hindi sila excited sa naisip na activity ng kanilang teacher.

"I appreciate your enthusiasm. It really warms my heart." Nakangiti pa ang teacher habang pinagmamasdan ang reaction ng klase. May ilang natawang estudyante sa sarcastic approach ni Mr. Aguirre. "But don't fret. We're not going to do it right now. I'll give you until next week to prepare and you will present your masterpieces, up front, on Monday."

Napaisip na ang ilan sa mga estudyante. Parang mine-mental check na nila kung kakayain ba sa schedule nila this week ang pinapagawang poem ni Mr. Aguirre.

Naramadaman ni Felix na nag-vibrate ang phone niya. Palihim niyang tiningnan kung sino ang nag-message sa ilalim ng arm ng inuupuan niyang silya. Group chat message lang pala iyon ng editor nila sa school paper na si Carol. Nire-remind silang mga kasama sa staff ng meeting sa upcoming edition ng The Good News. Gaganapin lang iyon sa school cafeteria. May nakadagdag pang 'attendance is a must' ang message ni Carol. Napailing na lang si Felix. Wala siya sa mood um-attend. For sure, pipilitin na naman siya ni Carol na ma-interview niya 'yung mga sasali sa Miss Teen Earth, parte ng mga funded activities ng The Good Earth Academy sa magaganap na Foundation Day sa darating na Friday. Ayaw pa namang pumayag ni Carol na basta lang niya i-cover 'yung mismong pageant night lang. 'Yung babanggitin lang ang mga pangalan ng runners-up at crowned title holder sa article. Dapat makuha rin niya ang kanya-kanyang perspective ng mga candidates. Para may depth daw 'yung article. Pero gusto sana niyang tumanggi.

Ang gusto lang naman kasi ni Felix, makapagsulat siya. Ma-feature ang gawa niya sa school paper sa buwanang publication nito. Whether kung short story ba ito o isang essay article sa kung anong topic na interesting sa kanya. Pero kapag ang pinapagawa na kanya ni Carol na article ay may involvement nang pakikipag-interact sa ibang tao. Lalo na sa mga hindi naman niya kilala o nakakausap man lang, gumagawa siya ng alibi para i-assign sa iba 'yung article. Pero mukhang hindi na siya palulusutin this time ni Carol.

Ilan sa mga sasali sa Miss Teen Earth ay kaklase niya sa English class. Kasama na du'n ang mag-best friend na sina Chloe at Jill. Palihim niyang tiningnan ang dalawa. Magkatabi ng upuan ang mag-best friend. Sa likod naman nakapuwesto ng upo sina Reginald at Francis. Si Reginald, nanliligaw (o binabakuran, according sa kasama niya sa The Good News na si Ricky) pa lang kay Chloe. Si Francis, may pa-'press release' na exclusively dating na daw sila ni Jill. Binibigay ni Reginald ang hawak nitong long-stemmed rose na malamang kinuha lang nito sa lawn ng school. Parang nahihiya (o nag-aalangan) kinuha naman ito ni Chloe. Si Francis naman, naka-lean sa upuan ni Jill para mayakap ito sa likod. Ninanakawan niya kasi ng halik si Jill sa pisngi na kunyari naman ay pinipigilan ito. Makakaya ba ni Felix na iprisinta ang sarili sa dalawang ito para ma-interview sa gagawin niyang artikulo sa school paper?

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon