MOCK WEDDING. JILL GOT JEALOUS. FELIX'S REALIZATIONS
(NOTE: You may play the Mandy Moore track It Only Took A Minute during the mock wedding scene)
MABILIS ang lakad ni Chloe. Hindi lang maiwasan na magitgit siya sa dami ng tao ngayon sa school grounds. Karamihan mga estudyanteng bumibili ng mga pagkain at knickknacks sa mga concessionaire booths, mga namimili kung anong rides ang susubukan o di kaya anong games ang sasalihan. Meron din siyang nakasalubong na mga clowns na hinihipan ang hawak nilang bubble blowers at mga mascots na nagsasayaw sa The Woah Song ng hip hop dance group na Krypto9095.
Dahil sa hectic surroundings ng fair atmosphere sa school, hindi ine-expect ni Chloe na sa pagmamadali niya ay may mga kamay na hahawak ng mahigpit sa braso niya. Muntik pa siyang mapasigaw sa kaba. Nag-subside naman ito nang makita niyang si Linus pala ang may hawak sa kanya. Pero nang ma-realize niya kung bakit siya hinahawakan ni Linus ay muling bumalik ang kaba niya.
"Linus, I'm begging you. 'Wag ngayon. I really need to run away right now." Pakiusap ni Chloe kay Linus para pakawalan siya nito.
"Don't we all, dear?" Sweet na ngumiti sa kanya si Linus pero lalo nitong hinigpitan ang hawak sa braso niya. Lumingon ito sa likuran ni Chloe na parang may hinahanap. "Ricky, may nakuha ka nang groom?"
"Meron na! He's right here!" Masiglang sagot naman ni Ricky sa likuran niya. Paglingon ni Chloe ay parang matutunaw siya sa sobrang kaba nang makita niyang si Yuan ang hawak-hawak ni Ricky.
Wedding booth ang nakatoka sa staff ng The Good News. Kasama sana din dito si Felix pero nag-beg off ito para sa supposed-to-be photography session niya with Yuan na tila nabubulilyaso na.
Hindi makatingin ng diretso si Chloe kay Yuan dahil titig na titig ito sa kanya habang hinihila ito ni Ricky papalapit sa kanila ni Linus.
"I really don't want to do this, Linus." Sabi ni Chloe na pilit na binabawi ang braso niya pero ayaw siya talagang pakalawan ng kaklase.
"Well, well, well. You don't have a choice, honey." Sabi naman ni Linus na naisipang i-imbibe ang persona ni Malificent ngayon school fair. "Ricky, dalhin na natin ang mga victims natin para maayusan na for their wedding at mabigyan ng rin blessing ng ating ministress." Sinundan pa iyon ng evil laugh ni Linus.
Nakagitgitan pa sina Yuan at Chloe habang hinihila sila nina Ricky at Linus. Ramdam ni Chloe na pirmihang nakatingin pa rin sa kanya si Yuan kaya nakatutok lang ang tingin niya sa ground na nilalakaran. Baka kasi makasalubong ang mga paa niya at matisod siya. Pag nangyari 'yon, mas lalala ang shamefacedness na nararamdaman niya.
Nang makarating sa wedding booth, inayusan agad sila nina Ricky, Linus at Pepper. Sina Linus at Pepper nakatoka kay Chloe, si Ricky naman kay Yuan. Si Carol naman nagsuot na rin ng priest habit at pinapasadahan ng tingin ang pamphlet ng babasahin nito para sa mock wedding.
Simpleng laced veil ang pinasuot kay Chloe saka ipinahawak din sa kanya ang boquet ng pink hydrangeas. Pumayag naman si Yuan na hubarin ang moleskin jacket para masuot ang dinner jacket na props na gamit for the wedding booth. Inipitan pa siya ng boutonnière sa lapel ni Ricky. Nang okay na ang wedding accessory props, pinaharap na sila sa ministress na si Carol.
"Before we proceed, let me remind you that if you don't want to proceed with this mock wedding procedure, you can pay the one hundred pesos fee for our fundraising campaign. Otherwise, you have to go through the whole rigmarole. Are we good?" Paalala ni Carol kina Chloe at Yuan.
Kinapa agad ni Chloe ang bulsa ng suot na denim pants. "Shucks! I only have my phone with me." Tumigin agad siya sa Carol with matching pleading eyes. "Can I go to my lucker real quick to get the money? Naiwan ko 'yata du'n 'yung wallet ko."
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Novela JuvenilMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...