CHAPTER TWENTY FIVE

4 0 0
                                    

BACKSTAGE TENSION

PAGKATAPOS rumampa ng pinakahuling candidate ng Miss Teen Earth ay isa-isang bumalik ang mga contestants sa backstage kasabay ng mga escorts nila.

"I better get dressed up. Otherwise, baka mamatay na ako sa sobrang embarrassment." Sabi ni Yuan kay Chloe bago sila maghiwalay sa backstage.

"Bakit ka ba masyadong conscious? Haven't you notice? You stole the show from us kanina." Sagot ni Chloe habang isinusuot ulit ang acid wash jacket na hinubad niya kanina.

"Ayun nga ang ayaw ko. Parang I stole the limelight from everyone. Nahihiya na tuloy ako sa mga kasama mong contestants."

"There's nothing to be ashamed of, Yuan." Hinawakan pa ni Chloe sa isang balikat ang ka-partner. "Truth be told, baka nga naiinggit pa 'yung iba d'yan sa 'kin dahil ang guwapo at ang kisig ng escort ko ngayon sa pageant."

Natawa na ngayon si Yuan. "Now you're making me blush."

Tiyempo namang pumapasok na rin sa backstage si Jill kasabay si Francis nang makita nito sina Yuan at Chloe na nag-uusap.

Lumapit agad si Jill kay Yuan na parang hindi nag-e-exist sa vicinity niya sina Francis at Chloe. "Yuan! 'Yun pala ang plano mo for going shirtless. You stole the show from us!" Bati ni Jill na ginaya si Chloe at humawak din sa balikat ni Yuan.

"Ha?" Halatang nagulat si Yuan sa biglang paglapit ni Jill. Sumeryoso namang bigla ang mukha ni Chloe sa pag-intrude ni Jill sa usapan nila ng ka-partner niya.

"That's not my intention, Jill. It's my mistake. I forgot my clothes for the summer wear. Kaya I have no choice but to go out there without a shirt on. Kahit itong board shorts na suot ko, I only borrowed from one of the escorts." Paliwanag naman ni Yuan nang makabawi sa pagkabigla sa paglapit ni Jill.

"Don't be so guilty about it, Yuan. Ang crazy nga nung crowd kanina nung nakita ka, eh. Even I got really surprised to see how good-looking you are without your shirt."

"Jill..." Nagbabanta naman ang boses ni Francis sa likod niya.

"Anyway, see you later, Hunk." At nakuha pang halikan ni Jill sa pisngi si Yuan na ikinagulat nina Chloe at Francis. Pero ang higit na nagulat ay si Yuan. Hindi issue kay Jill kahit kasama nito ang boyfriend. Basta gusto nitong gawin, walang makakapigil dito.

"Let's go, Bestie!" Sabi ni Jill kay Chloe na hinila pa sa balikat ito na parang hindi niya napansin ang shock sa mukha ng kaibigan. "We need to change now para sa performance natin."

Lalakad na rin sana si Yuan sa other side ng backstage para makapagbihis pero natigilan siya ng makitang masamang nakatingin sa kanya si Francis.

"Shit." Pabulong na nasambit na lang ni Francis bago lumakad papunta sa bihisan ng mga escorts sa backstage.

Napapailing na lang na sumunod na lang si Yuan kay Francis.

--------

SA BACKSTAGE area ng mga boys, nagpapapalit na sila ng formal outfits nila dahil right after ng talent portion ng pageant ay sasamahan ulit nila ang mga candidates sa stage sa formal gown competition ng mga ito.

"Salamat, Pare, for lending me your board shorts." Sabi ni Yuan kay Stephen nang makita ito. Nakapagpalit na siya ng suot niyang barong kanina. "If you want, I'll have it wash muna before I return it to you."

"Okay lang 'yun, Tol. No need to bother." Nakangiting sagot ni Stephen habang kinukuha kay Yuan ang pinahiram na board shorts saka tinuloy nito ang pag-ayos ng suot na necktie.

Umupo sa isang stool si Yuan para mapunasang maigi ang suot niyang penny loafers gamit ang nakuha niyang katsa nang mapansin niya si Francis na nakasuot na ng long-sleeved shirt at kurbata. Kunot na kunot ang noo nitong nakatingin sa kanya habang nakasandal sa isang haligi ng backstage.

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon