YUAN SENDS FRIEND REQUESTS
BITBIT ni Felix ang take-out leftovers sa kinainan nilang restaurant ni Yuan kanina nang pumasok sa bahay. Naabutan niya sa living room ang Daddy niya at si Jervy na nakapuwesto na naman sa tapat ng flatscreen TV at naglalaro na naman ng video game. Base sa napapakinggan niyan, ang hula ni Felix na nilalaro ng dalawa ngayon ay isang horror video games in the vein of Resident Evil or Silent Hill.
"Dad! Jervy! May dala akong food!" Tawag ni Felix sa dalawa.
"Lagay mo na lang d'yan, Felix! Busy pa kami dito!" Sagot naman ng Daddy niyang si Jerome na hindi inaalis ang tingin sa nilalarong video game.
Nagpunta sa dining area si Felix. Wala na duon ang Mommy niya at ang helper nilang si Cora. Sabagay, eight thirty na ng gabi. Dahil nag-message na siya earlier na male-late siya ng uwi at may magte-treat sa kanya sa labas, baka maaga nang kumain ang Mommy niya at pinauwi na rin si Cora. Hindi lang alam ni Felix kung kumain na rin ng dinner ang kapatid niya at ang Papa niya. Nilapag na lang niya ang dalang take-out bag sa mesa. Hayaan na niya ang Daddy niya at si Jervy kung kakainin o hindi ng mga ito ang dala niya. Tumuloy na si Felix ng akyat sa hagdan para mapalitan ang nabasang damit sa kuwarto niya.
On the way sa room nila ni Jervy, nadaanan pa ni Felix ang Mommy niya sa loob ng sariling kuwarto nito, nakahiga na ito sa kama at suot ang reading glasses habang nagbabasa ng romance novel ni Jojo Moyes. Panay din ang dukot ng isang kamay nito sa Pringles container na katabi pa ng Mommy niya sa higaan. Dahil engrossed sa binabasa, hindi na napansin ng Mommy niya si Felix na nakasilip sa awang ng hindi saradong pintuan ng kuwarto. Tumuloy na si Felix sa sariling silid. Tinuyo ng bimpo ang nabasang buhok at nagpalit ng preskong pambahay. Kinuha niya ang journal niya sa school bag. Gaya ng dati, maingat niyang tinanggal ang twine na nakatali dito. Inilipat sa pahinang hindi pa nasusulatan. Isinulat ang Dear Ida gamit ang special niyang gel pen sa nabuklatang pahina. Pero pagkatapos nu'n, hindi na dumikit ang ballpen sa paper ng journal. Wala siyang maisip isulat. O mas tama sigurong sabihin na natatakot siya kung ano ang masusulat niya. Napatingin siya sa bintana ng kuwarto. Tanaw duon na may kalakasan pa rin ang buhos ng ulan. Marami na ngang beads ng mga raindrops sa salamin ng bintana. Naalala tuloy niya 'yung eksena kanina kung paano ngumiti si Yuan habang nire-replayan nito kung sinuman ang nag-message sa kanya. Eksenang hindi sinasadyang makita niya habang isinasara ang gate ng bahay niya.
Helpless na ipinatong ni Felix ang dalawang braso sa mesang pinagsusulatan saka ipinatong ang ulo niya. Ano bang puwede niyang gawin para mapigilan kung anuman itong nararamdaman niya?
Narinig niya ang notification sound sa kanyang phone. Walang energy na kinuha ito ni Felix sa loob ng school bag niya. Baka si Carol lang naman ito at may gustong ipa-revise sa kanya. Pero nang tingnan niya ang notification message sa screen ng phone niya, kinusot pa ni Felix ang mata dahil hindi siya makasiguro kung tama ba ang nakikita niya o baka namamalikmata lang siya.
Yuan Randolph Chen send you a friend request.
Tiningnan agad ni Felix ang profile account ng nag-friend request para masigurong hindi lang ito poser. Mukha namang legit. Tiningnan din niya ang profile picture ni Yuan na nakatayo sa gitna ng theater district ng New York Times Square. Ruggedly presentable sa kasuotan nitong biker jacket, jeans at boots.
Matindi ang kabog ng dibdib ni Felix nang finally pinindot na niya ang confirm request button sa profile ni Yuan. May pop-up na new message sa kanya agad si Yuan sa Messenger.
"Surprise! :D"
Nag-reply agad si Felix. "Pa'no mo na-search ang account ko?"
"I have my ways. ;) Bukas, ha? Let's meet around 7."
Tumingin sa bintana si Felix bago sinagot si Yuan. "Akala ko 'di na tayo matutuloy, eh. Ang lakas pa rin ng ulan."
"Tuloy s'yempre. And before you know it, wala nang ulan n'yan mamaya. Saka rain or shine naman, 'yung Foundation Day would still push through."
"Sabagay."
"Until then, Felix! Goodnight! J Don't let the bed bugs bite you! ;)
Nangiti pa si Felix bago mag-reply. "Haha! Corny! Goodnight!"
Matapos ang chat nila ni Yuan saka narinig ni Felix ang sagutan ng Mommy at Daddy niya sa labas ng kuwarto.
"Jerome, anong balak n'yo ni Jervy? Magpa-fasting para lang makapaglaro? Tigilan n'yo na 'yan or else ako na mismo magdi-dismantle niyang game consoles para wala na kayong magamit!" Halata na sa boses ang pagkayamot ng Mommy niya.
"Fifteen minutes na lang, Hon! Promise!" Narinig naman ni Felix na sagot ng Daddy niya. Sakai yon sinundan ng malakas na kalabog ng pintuan ng kuwarto ang patuloy na scary sound effects ng nilalarong video games.
At that point, hindi na apektado si Felix sa nangyayari sa labas ng kuwarto niya. Sobrang good mood siya bigla. Humiga na siya sa sariling kama at isa-isang tiningnan ang mga recently uploaded pictures at statuses ni Yuan sa Facebook.
--------
NASA kuwarto ngayon si Chloe at nagpa-practice ng ipe-perform niya sa pageant bukas. Acoustic/ukulele version ng kantang Consequences ni Camila Cabello ang naihanda niyang kantahin. Natigil lang siya sa pagpa-practice ang marinig niyang tumunog ang phone. Ang nasa isip niya ay baka si Reginald lang ito, nag-message para i-wish siya ng goodluck para sa competition bukas.
Pero nagulat siya ng makita sa screen ng phone ang notification na Yuan Randolph Chen send you a friend request. Nabitawan pa ni Chloe ang phone sa ibabaw ng bedsheets ng kama niya at naitakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig.
Is this for real? Tanong niya sa sarili habang kinukuha ulit ang phone. Binisita niya ang profile account ni Yuan. Tiningnan isa-isa ang uploaded photos nito sa Facebook album na may title na 'New York City 2018'. May mga kuha si Yuan na nasa Central Park during fall season, nakatayo sa Grand Central Terminal, nasa loob ng highest floor ng Empire State Building at sa isang kuha ay nasa background naman niya ang Statue Of Liberty. May picture din si Yuan na nakaupo sa isang bench na napapaligiran ng maraming pigeons. May dalawa pa siyang kasama sa picture at lahat sila naka-wacky faces. Sabi sa caption sa photo: 'Goofing around with Dad and my sister Kim.'
Nakumbinse na si Chloe na real account nga ito ni Yuan. In-accept niya ang friend request nito at maya-maya lang ay nag-send na ito ng message sa kanya.
"Thanks for accepting my request, Chloe! Good luck bukas! I know you'll nail it! J"
Natawa pa si Chloe bago mag-reply. "Thank you din! At least, nabawasan nervousness ko kahit papa'no."
"You don't have to be nervous. Nandu'n naman ako, eh. I'll cheer for you all the way. ;)"
Nag-isip saglit si Chloe bago nag-type ulit ng message. "Thank you for agreeing to be my escort again, Yuan. I wouldn't know who to approach to if you didn't."
"It's my pleasure, Chloe. Anyway, I won't bother you much longer. You need all the rest you can get. See you tomorrow! J
Kahit walang romantic connotation ang message ni Yuan, hindi mapigilan ni Chloe na hindi kiligin. "See you, Partner! ;)"
Smile emoji ang ni-reply naman ni Yuan.
Napahiga si Chloe at nilagay pa sa dibdib ang hawak na phone. Hindi na 'ata siya makakapag-practice pa ng kanta niya sa nararamdaman ngayong kilig.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...