-CAMERA PHOTOGRAPHY 101. JILL'S PENALTY TO YUAN-
KAHIT na may kalakasan ang ulan ng nagdaang gabi, miraculously itong nawala ng umaga ng Foundation Day sa The Good Earth Academy. Kahit na damp ang school grounds sa magdamag na ulan ay hindi ito nakapigil sa mga estudyante na hindi subukan ang mga rides na naka-set up duon ngayon. Marami ding mga games at activity booths ang naka-set up gaya ng fish cup game booth, face painting booth, butterfly balloon pop booth, mga concessionaire food stands, picture taking booths, at ang mga classics na kissing booth, jail booth at wedding booth. Hitsura tuloy na parang nagkaroon ng mini-carnival sa pinaka-school grounds ng akademiya.
Gaya ng napagkasunduan, maagang dumating sa school sina Felix at Yuan. Pinahawak agad ni Yuan ang dalang Canon DSLR kay Felix. Tinuruan niya agad ito ng mga anggulo ng pagkuha at mga technicalities gaya ng pagmaniobra ng f-numbers ng apertures for wide angle shots, pagdagdag ng bokeh effect, depth sensor sa pag-focus sa foreground or background ng subject na kinukuhanan, gamitin ang shutter speed function sa pagkuha ng mga moving objects, pag-adjust ng exposure settings, ISO speed, AF Modes, metering at kung anu-ano pa.
Willing student naman si Felix. Aminado sa una ay nalilito siya pero nang unti-unti na niyang magamay ang paggamit ng interface ng camera at kung paano ia-apply ang mga settings na itinuro ni Yuan para lumabas na maganda ang mga pictures na kinukuhanan niya. Tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng kuha niya sa isang clown na nagju-juggling ng mga bowling pins, isang estudyanteng naglalaro ng ring-a-bottle. May kuha rin siya ng isang estudyanteng naghu-hula hoop at mga estudyanteng kinakain ang natutunaw ng ice cream sa cone sa harap ng ice cream stand.
Pero may pagkakataong tinatawag niya si Yuan para tulungan siya sa isang function na hindi gumagana sa camera. Tulad ngayon, nagkakaproblema si Yuan na i-focus ang kinukuhanang mga Teletubbies stuff toys. Lumapit agad si Yuan at pumuwesto sa likuran niya para makita rin nito interface ng camerang hawak ni Felix.
"Ganito lang 'yan. Switch mo dito 'yung MF or 'yung manual focus." Nag-snake mula sa likod niya ang arms ni Yuan para mag-switch ang button for MF. Tapos i-move mo lang 'yung magnification icon display dito sa kinukuhanan mo." Nag-snake 'yung isang kamay naman ni Yuan para pindutin ang icon na sinasabi nito na nasa interface. "Kung hindi ka pa satisfied, you can turn the focusing ring ng lens para mag-adjust pa 'yung focus to your desired shot." Hinawakan na ngayon ni Yuan ang isang kamay ni Felix papunta sa focus ring ng camera. "Pag tingin mo maganda nang lalabas ang picture, i-press down mo na lang 'yung shutter button. Then voila! You now have a picture taken like a pro." At kumindat pa si Yuan sa kanya.
"I think I got this na. Puwede ka nang lumayo." Naiilang na kasi si Felix sa closeness ni Yuan sa kanya kaya bahagya niya itong inilayo.
"Wait lang! Tingnan ko muna kung masusundan mo 'yung tinuro ko sa 'yo." Nakakaloko ang ngiti ni Yuan na lumapit ulit sa likod ni Felix.
Pinagpawisan na tuloy si Felix. Hindi makapag-concentrate sa subject na gustong kuhanan ng litrato.
At that instance, nakita ni Jill silang dalawa ni Yuan at masigla ang ngiti nitong lumapit sa kanila. "Hi, Yuan!" May sandaling moment of silence bago sinabi ni Jill ang "Hi, Felix!" na parang hindi pa ito sigurado kung babatiin din siya.
"Hi, Jill!" Masigla rin siyang binati ni Yuan. "Musta? Ready ka na ba for the pageant mamaya?"
Napansin ni Felix na confident na confident si Jill sa sexy nitong suot na pink halter top na may naka-print pang I AM A ROCKSTAR sa harap, skinny jeans at wedge shoes. Napatingin din si Felix kay Yuan. Mukhang natutuwa itong tingnan ngayon si Jill. Naisip bigla ni Felix kung attracted kaya si Yuan kay Jill?
Bakit kasi pinayagan ng admin office na puwedeng mag-civilian clothes ngayong school fair? Sana naka-uniform na lang lahat. Parang may gustong pagbuntunan ng sisi si Felix kaya naka-sexy na outfit ngayon si Jill.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...