YUAN SEARCHED FOR FELIX. JILL SENDS A PICTURE TO REGINALD. CHLOE CONFRONTED JILL
PINILING abalahin na lang ni Felix ang sarili para maiwasan niyang mag-isip ng kung anu-ano. Naenganyo tuloy siyang lapitan ang merry-go-round sa school ground at naiisipan itong kuhanan ng mga pictures. Marami ngayong nakasakay sa nagro-rotate na carousel. May mga magbabarkada, pero karamihan ay mga mag-high school sweethearts. May mga nag-aabutan ng kamay habang magkasakay sa magkatapat mga moving wooden horses. Meron namang magkasama sa isang horse nakasakay. Yung iba naman riding solo sa carousel ay kuntento nang hinihipan ang dala nilang bubble blowers habang nakasakay.
Gusto sanang kumuha ng zoom-in shot si Felix pero nakalimutan na niya ang itinuro sa kanya ni Yuan kanina. Nagulat na lang si Felix nang may kamay na nag-reach out mula sa likod niya. Hinawakan ang isang kamay niya para i-guide kung ano ang ipe-press sa interface ng camera.
"Press mo 'yung menu, tapos 'yung camera icon tab. Then select standard. After that, slowly move the zoom lever toward. Pag okay na sa 'yo 'yung lapit ng subject mo, hard press mo na 'yung shutter button." Bumubulong lang sa pagbibigay ng instructions si Yuan dahil malapit ang labi nito sa isang tainga ni Yuan. Parang naka-smirk pa ito na nahahalata yata na naiilang si Felix.
Dinunggol naman ni Felix ng braso niya si Yuan para lumayo ito sa kanya. "Alam ko. 'Di mo na ako kailangang turuan."
Natawa na si Yuan. "Talaga ba? Kanina pa kita pinapanuod, kung hindi pa kita nilapitan baka wala na 'yung subject na kukuhanan mo, you're still figuring out how to do it."
"Bakit sinasamahan mo na 'ko? Wala bang mock reception 'yung mock wedding n'yo ni Chloe?" Seryoso pa rin ang mukha na tanong ni Felix kay Yuan.
"Uy! Nagtatampo si Felix, o!" Tinusok pa ng daliri ni Yuan sa tagiliran si Felix.
Pinalis naman ito agad ni Felix. "Bakit naman ako magtatampo. Sira 'to!"
Sumeryoso na si Yuan. "Alam ko naman na sumama ang loob mo dahil unintentionally parang naiwan kita sa ere kanina. Sorry na. Kung puwede nga lang akong humindi kanina, ginawa ko. Pero syempre, I'm still new here. Nakikiramdam pa ako sa mga tao sa paligid ko. Sinusubukan ko rin maging approachable kahit papa'no. Baka kasi isipin ng mga tao dito maangas ako pag I try to snob their 'invitations'" Nag-quotation sign pa si Yuan to prove his point. "Ayoko nang maraming kaaway sa school. Napagdaan ko na 'yan. And I'm telling you, it's no fun."
Na-intrigue siya sa sinabi ni Yuan pero hindi pa ganu'ng kapalagay ang loob ni Felix para mag-usisa siya sa personal nitong buhay. Kaya tumango na lang siya. "Naintindihan ko naman. Stress lang ako dito sa paggamit ng camera mo. Si Carol kasi pine-pressure ako na dapat maganda lumabas 'yung mga pictures na kinukuha natin kaya hindi na ako pinasali du'n sa wedding booth project nila para makapag-concentrate rito."
"Alam ko na. Bawi na lang ako sa 'yo, Felix, para di ka na magtampo sa 'kin. Libre kita ng food. Kanina pa ako nagugutom. I only had an egg Mcmuffin and coffee sa McDonald's earlier for breakfast."
"Sige. Pero huwag mo na akong ilibre. May shortcut dito papunta sa cafeteria." Turo pa ni Felix sa tinutukoy nitong shortcut sa isang way katabi ng isang hotdog stand.
"Skip muna tayo sa cafeteria. Masyado nang crowded du'n, eh. Can we go someplace else?"
--------
NASA loob ng The Pearl Theatre ang karamihan sa mga contestants ng Miss Teen Earth na gaganapin mamaya. Kanya-kanya sila ng puwesto sa theater para i-practice ang gagawin nilang performances mamaya. Nasa mga seats sa sulok na parte pumiling pumuwesto ni Chloe habang pina-practice niya ang Camila Cabello song na kakantahin niya. Ayaw niya munang makihalubilo sa ibang contestants o sa mga kabarkada niya para ma-fine tune niya ang performance niya.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...