CHAPTER ELEVEN

7 0 0
                                    

MR. AGUIRRE GAVE YUAN A POETRY TOPIC. JILL'S INVITATION. CHLOE AND HER SANDWICH. YUAN WAS ASKED TO JOIN THE PRACTICE

ITINULOY ni Mr. Donald Aguirre ang graded discussion pagkaalis ni Principal Sarmiento. Binigyan niya ng around five to eight minutes ang mga natatawag niyang pangalan sa fish bowl kaya kahit papa'no ay marami ang nakapag-recite. Pero dahil inabutan na ng bell time, sinabi ng English teacher na itutuloy na lang ang mga hindi pa nakapag-recite bukas.

Tumatayo na si Yuan sa upuan niya ng tawagin siya ni Mr. Aguirre.

"Hintayin mo 'ko, ha?" Sabi ni Yuan kay Felix bago lapitan ang teacher sa unahan ng classroom.

"You'll be exempted for this graded discussion of the Steinbeck book." Sabi agad ng teacher kay Yuan nang makalapit na siya dito. "Obviously, you won't have time to prepare for it since we're trying to scrunch that discussion only until Friday tomorrow. However, I will expect you to participate on our poetry writing which essentially is my own spin for this year's mid-term exam for my class. Are you cool with that?"

"Yes, Sir."

"For your topic." ikinalat muna ni Mr. Aguirre sa ibabaw ng desk chair ang mga folded colored papers na may nakasulat na mga pangalan ng estudyante niya na nakalagay sa fish bowl saka niya muling nilagyan ng panibagong mga colored papers ang bowl na pinagsulatan naman niya ng mga topics para sa poem na nakatago naman sa walang laman na kahon ng tsokolate.

"You can choose from here." Nakangiting sabi ni Mr. Aguirre habang inilalapit ang fish bowl kay Yuan. "Sorry. My obsessive compulsive personality disorder is coming through again."

Natawa si Yuan bago dumukot ng colored paper sa bowl. Sinilip niya agad ang topic na nakuha.

"Are you okay with your chosen topic or do you want to choose another one?" Tanong ni Mr. Aguirre na hindi pa nilalayo ang fish bowl.

"I'm okay with this, Sir." Nakangiting sagot ni Yuan.

"Good. That's it then, Yuan. Enjoy your break."

"Thank you, Sir." At nilapitan agad ni Yuan si Felix na hinihintay pa rin siya sa loob ng classroom.

"Ano'ng topic nabunot mo?" Tanong agad ni Felix nang makalapit si Yuan.

Itinago agad naman ni Yuan ang colored paper na nabunot sa front pocket ng suot na shirt. "Syemp're, I won't tell you."

"Ang KJ nito."

"Punta na tayo sa cafeteria, para makain na natin 'yang baon mo kaya ayaw mong mag-lunch out." Biro ni Yuan habang nauuna siya palabas ng pinto.

Muntik pa niyang mabunggo si Jill dahil bigla itong sumulpot sa tapat ng pintuan. Buti na lang malakas ang reflex ni Yuan kung hindi baka pareho sila ni Jill na bumagsak sa sahig.

"Hi, Yuan. I'm Jill, remember?" Bungad agad ni Jill nang nakangiti na parang hindi nito pansin na muntik na silang magkabungguan ni Yuan.

"Ha?" Confused na tanong ni Yuan. Mukhang hindi pa siya nakabawi sa gulat nang biglang sumulpot si Jill.

"How could you forget? I'm the first one whom you interviewed du'n sa mga candidates na nagpa-practice sa theater the other day." Nagtampu-tampuhan pa itong si Jill.

"Ah! Yeah! I remember now!" Mukhang naka-recover na si Yuan at hitsura namang sincere itong natatandaan na si Jill. "What's up?"

"I'm just wondering if you could hang out with us. Me and my friends are planning to eat at Banapple in Katipunan." Sabay turo ni Jill kina Chloe at Francis. Si Francis na mukha ang pagka-inis. Si Chloe naman halata ang mukha nito ang helplessness habang nakatingin kay Yuan. "Nakakasuya na kasi 'yung food sa school cafeteria. They're always offering the same thing."

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon