FELIX RESTROOM SCENE. ANOTHER BACKSTAGE CONFRONTATION
BASA ng luha ang mga mata ni Felix at hindi rin niya mapigilan ang paghikbi. Mabuti at nasa kalagitnaan ng talent portion ng pageant. Solo niya ngayon ang male restroom at walang tao sa loob. Walang makaka-witness sa pagsisintimiyentong ginagawa niya ngayon. Gusto na ngang pagalitan ni Felix ang sarili. Bakit ba siya masyadong apektado na parang nahahati ang atensyon ni Yuan kina Chloe at Jill? Natural lang na magkainteres si Yuan sa kanila. Porke't naging close sila ni Yuan, gusto na niyang i-monopoly kung sino bibigyan nito ng atensyon? 'Yun ba gusto niyang mangyari? Hindi dapat ganu'n. Hindi niya dapat nararamdaman ito.
Nakatapat ngayon si Felix sa harap ng restroom mirror. Puno ng self-pity habang tinitingnan ang sarili habang umiiyak. "Kasalanan mo 'to, Felix! Hindi ka marunong magkontrol ng emosyon mo." Mahinang sabi niya habang pinagagalitan ang sarili.
Nakarinig ng pag-flush ng toilet sa kalapit na cubicle si Felix. Kaagad naman siyang nag-panic dahil hindi niya inaasahan na may tao pala ng mga oras na iyon sa restroom. Binuksan niya ang faucet sa sink ng tinatayuan mirror. Inihilamos niya agad sa mukha ang tubig na lumalabas sa faucet habang pilit na kino-compose ang sarili. Hoping na ma-mask ng paghihilamos niya ang bakas ng pag-iyak niya at hindi mahalata na namumugto ang mga mata niya ng kung sino man ang taong nasa loob ngayon ng isa sa mga cubicles.
Si Stephen pala ang kasama ni Felix sa loob ng restroom. Nag-aayos pa ito ng zipper ng pantalon habang lumalabas sa cubicle. Lumapit si Stephen sa faucet sink na katabi ng tinatayuan ni Felix saka sinimulang hugasan ang mga kamay niya. Tiningnan niya si Felix na nakatungo lang sa sink na parang iniiwasang makipag-eye contact sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Puno ng concern na tanong sa kanya ni Stephen.
"Bakit mo natanong?" Masungit na tanong ni Felix na patuloy pa rin ng pagbasa ng faucet water sa mukha.
"I heard you crying kanina while nasa cubicle ako." Honest namang sabi ni Stephen.
Mabilis na sinara ni Felix ang tubig sa faucet at binalingan si Stephen. "Well, you're mistaken!"
Natigilan si Felix nang makita ang concern sa mga mata ni Stephen habang nakatingin sa kanya. At mukhang hindi ito apektado sa pinapakitang pagsusungit niya.
Si Felix na mismo ang nagbaba ng tingin. "Excuse me." Kumuha ito ng tissue sa dispenser. Tinuyo ang mukha nang hindi na ulit tumingin kay Stephen saka nagmamadaling umalis ng restroom matapos itapon ang crumpled tissue sa malapit na trash bin.
Napasunod na lang ang tingin ni Stephen kay Felix habang lumalakad ito palayo.
--------
KASALUKUYANG nag-aayos na ang karamihan sa mga candidates para sa susunod na formal wear competition sa backstage nang mapasigaw ang ilan sa mga female contestants. Kaya pala biglang umentrada sa kanilang side ng backstage si Francis. Tuloy-tuloy ang lakad nito na nakatuon lang kay Jill ang tingin. Kung wala duon si Jox ng sandaling iyon, baka walang pumigil kay Francis at baka kung anong gawin nito kay Jill. Kahit gay man si Jox, malaki ang bulto ng katawan nito at nagawang pigilan ang pagsugod sana ni Francis kay Jill.
"Francis, ano 'to? You're not suppose to be here!" Magkahalong tanong at paninita ni Jox kay Francis habang pinipigilan ito.
Pero hindi siya pinansin ni Francis. Kay Jill lang nakatuon ang pansin nito na kasalukuyang tinutulungan ng mga cousins niyang sina Asha at Almira sa pag-aayos ng suot nitong kulay red na beaded bodice at long tulle skirted gown na may high slit. "Bakit mo ba 'to ginagawa, Jill? You're making me look like a fool!"
Saglit lang na tiningnan ni Jill si Francis saka tinuloy ang pagsipat ng hitsura niya sa salamin. "Because you're acting like a fool, Francis. Just look at yourself! Basta ka na lang pupunta sa dressing area namin just to prove to me and to everyone how ungentleman you are. Hindi mo na nirespeto ang private space namin ng co-candidates ko."
Lalong uminit ang ulo ni Francis dahil nililihis ni Jill ang totoong issue kung bakit nagagalit siya. "Don't point the blame on me! You know why I'm angry! Sa dami ng tao sa crowd, bakit 'yung sa ugok na chinito pa ang napili mong makipagsayaw sa stage?"
Hindi mapigilang matawa ni Jill. "'Yun lang ba ang reason kung bakit ka galit na galit?" Pinatigil muna ni Jill ang twin cousins niya sa pag-aayos sa kanya. Saka ito lumakad palapit kay Jox at Francis.
"Jill, I don't think it's wise..." Worried na sabi ni Jox nang makita niya sa peripheral vision niya na lumalapit sa kanila si Jill.
"Don't worry, Jox. I got this. You could let him go." Kampante namang sabi ni Jill. Kumpiyansa sa sariling hindi siya sasaktan ni Francis kahit galit na galit ito.
Binitawan naman ni Jox si Francis nang makalapit sa kanila si Jill. Bago pa man makapagsalita ulit si Francis, hinawakan ni Jill sa magkabilang pisngi ang lalaki. Sa laking surprise ni Francis, bigla siyang hinalikan ng mariin sa bibig ni Jill. Pero sa simula lang nagulat si Francis, makalipas ang ilang segundo ay passionately na rin ginagantihan niya ang aggressive na paghalik ni Jill.
Mukhang nabitin pa nga si Francis nang unang maglayo ng labi niya si Jill. "Siguro naman you'll stop complaining na ngayon about anything, Francis."
Grunt lang ang isinagot ng boyfriend ni Jill. Halatang dazed pa rin sa naging paghalik sa kanya ni Jill.
"I need you on my side, Francis." Masuyong sabi ni Jill habang tenderly niyang hinahaplos ang isang pisngi ng lalaki. "I need your confidence in me para mas may chance ako to win this competition. We're in this together. Kaya it distresses me 'pag nagagalit ka sa 'kin."
"Hindi naman kasi ako magre-react ng ganito kung hindi..."
Pero pinigilan na siyang magsalita ni Jill sa paglagay niya ng isang hintuturo sa labi nito. "Ssshhhh! I don't want to hear it anymore, Francis. Okay?"
Hinalikan ulit ni Jill sa labi si Francis. Pero mas maigsi ito. Tanda na na-accomplish ni Jill ang gustong mangyari. Na-subside niya ang galit ni Francis.
"I'll see you later." At tinalikuran na siya ni Jill at nilapitan ulit sina Asha at Almira para matuloy ng mga ito ang pagtulong sa pag-aayos niya. Clearly, tapos na para kay Jill ang issue na na-brought up ni Francis.
Dahil busy na si Jill at hindi na tumitingin sa gawi ni Francis, umalis na rin ito para pumunta sa side ng backstage na kasama ang iba pang escorts ng pageant.
Napanuod lahat ito ni Chloe. Na-amaze siya kung paano smartly nalusutan ni Jill ang pagkumpronta ni Francis sa kanya. Marunong talaga si Jill na gamitin ang charm niya in a manipulative way.
Napansin naman ni Jill na nakatingin sa kanya si Chloe mula sa mirror na gamit niya. Nakangiting bumaling si Jill sa kanya. "I like your gown, Bestie. It looks very feminine. It really suits you."
Na-conscious tuloy si Chloe na napahawak siya sa hem ng gown niya. Pero totoo namang lutang ang innocent-looking beauty ni Chloe sa suot niyang beaded chiffon dress na kulay mauve purple. "Thanks." Alanganin ang ngiting sagot ni Chloe.
Parang hindi naman napansin ni Jill ang uneasiness ng kaibigan at itinuloy ulit ang pagsipat sa damit niya habang patuloy na inaayusan nina Asha at Almira.
Discreetly na nilapitan ni Jox si Chloe saka binulungan. "Ibang klase din 'yang kaibigan mo, 'no?"
Napabuntung-hininga pa si Chloe bago sumagot. "Tell me about it."
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Novela JuvenilMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...