YUAN GAVE FELIX A RIDE. JILL'S SNEAKY SIDE. JILL RECONCILES WITH FRANCIS
HALOS trenta minutos nang naghihintay si Felix sa school grounds malapit sa parking area. Sabi kasi ni Yuan may kukunin lang ito saglit pero babalikan siya kaagad. Maya-maya, nakita niya ang motor nito na umaandar papalapit sa kanya. May hawak itong extra helmet na magkahalong itim at abuhin ang kulay. Inabot ito sa kanya ni Yuan nang itigil nito ang motor sa harap niya.
"Bakit binili mo pa ako ng helmet? Saka mukhang ang expensive pa nitong nakuha mo." Pansin ni Felix sa hawak-hawak na helmet.
"Forget about the price. Ang importante may suot kang protective gear sa ulo bago kita inangkas dito sa motor. Otherwise, mahuhuli pa tayo ng enforcer for violating road safety. Hassle pa. 'Lika na!" Yaya dito ni Yuan.
"Sa'n ba kasi tayo pupunta? Sabi ko naman kahit d'yan na lang tayo sa McDonald's kumain." Hirit ni Felix kay Yuan habang maingat na sumasakay sa likod ng motor.
"E, di parang nabalewala 'yung pusta ko sa 'yo. Next time na tayo mag-McDo. For now du'n muna tayo sa special restaurant na madalas kong puntahan. Kapit maigi, ha?"
Nang masiguro ni Yuan na maayos na ang upo ni Felix sa likod niya ay pinaandar na niya ang motor paalis. Hindi sinasadyang makita sila ni Jill na naglalakad galing sa The Pearl Theater. Tatawagin sana niya si Yuan at baka sakaling puwede siyang sumama sa kanila ni Felix kung saan man sila pupunta. Pero ang gusto talaga ni Jill ay sila lang dalawa ni Yuan ang magkasama kaya hindi na rin niya itinuloy. Nag-resume na lang siya sa paglalakad. Inayos ang pagkakasukbit ng strap ng gym bag sa shoulder niya habang ina-access ang Grab app sa phone niya para makapag-book ng driver.
Tiyempong naglalakad si Jill sa tapat ng The Good News office sa admin building. Nakabukas ang pinto ng opisina at natanaw siya si Mrs. Agnes Ilagan. Lumabas agad ang teacher para tawagin si Jill.
"Jill, puwede magpatulong sa 'yo sandali."
"Sige po." Sagot naman ni Jill habang isinuksok ang gamit na phone sa bulsa ng denim shorts at sinundan si Mrs. Ilagan sa loob ng opisina ng school paper.
Umupo si Mrs. Ilagan sa harap ng laptop niyang nakapatong sa conference table at ipinakita kay Jill ang spreadsheet na ginagawa niya sa Excel.
"Usually sina Carol ang tinatanong ko 'pag meron akong hindi alam sa Excel function. Kaya lang nakauwi na siya. Tinatapos ko na lang itong spreadsheet para sa grade ng klase n'yo for submission to Principal Sarmiento. Nahihirapan lang ako sa paglagay ng graphs. Can you help me, Jill?" Nasa mukha nga ni Mrs. Ilagan na kanina pa ito hirap na hirap sa ginagawa sa spreadsheet.
"Actually, hindi rin po ako masyadong magaling sa Excel. Pero sige po. Check po natin. Ano pong gagawin d'yan, Ma'am?"
Pinaupo ni Mrs. Ilagan si Jill sa harap ng laptop at sinabi niya na gusto sana niyang mag-correspond ang laki ng graph base sa individual performance ng mga estudyante for the current grading period. More or else, naipaalam na naman ito ni Mrs. Ilagan sa class so hindi na ito confidential. Kailangan lang niyang mag-submit ng report sa principal in this format.
Habang nagtuturuan pareho sina Jill at Mrs. Ilagan kung aling ang iki-click sa menu ng Excel para sa graph ay biglang tumunog ang phone ng teacher sa loob ng handbag nito.
"Wait lang, Jill, ha? Baka 'yung panganay ko na 'to. Itatanong kung anong iluluto kong dinner pag-uwi ko." Paalam ni Mrs. Ilagan habang nilalapitan ang handbag na nakalagay sa isang stool para kunin ang tumutunog niyang phone.
"Sige po." Sagot naman ni Jill habang pumipili ng tamang options sa menu ng Excel.
Hindi sinasadyang napatingin si Jill sa mga nakabukas na tabs sa screen ng laptop. Isa sa mga tabs ay may filename na 'Pageant Questionnaires'. Kaagad tiningnan ni Jill si Mrs. Ilagan. Okupado pa rin ito sa kausap sa phone. Nakatalikod pa ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...