"DON'T FEED ME TO THE LIONS!". PAGEANT'S PRACTICE. THE EMERGENCY CALL
DAHIL nakompromiso si Yuan na maging ka-partner ni Chloe sa pageant dahil hindi makaka-attend ang supposed to be partner nitong si Reginald, todo yaya nito kay Felix na samahan siya nito during the duration ng practice.
"Bakit naman kita sasamahan? Minor ka pa ba para kailanganin mo pa ng chaperone?" Tanong ni Felix pero halatang binibiro lang nito si Yuan.
"Wala naman kasi akong kilala du'n. Eh, grupo-grupo na 'ata sila du'n. Maa-out of place lang ako du'n."
Tapos na silang kumain sa cafeteria at naglalakad sila sa hallway papunta sa locker ni Felix. Sina Chloe naman dumiretso na sa The Pearl Theater para mapalitan ang suot na school uniforms ng mas kumportableng civilian clothes para sa practice mamaya.
"Ikaw pa ba maa-out of place, Yuan? Saka chance mo na 'yun to talk to Chloe. To get to know her better. Kasi crush mo 'yun, 'di ba?"
"Hindi ko crush 'yun." Maagap na tanggi ni Yuan. "Teka! Nagtatampo ka ba kasi akala mo hindi na natin itutuloy 'yung promise ko sa 'yo na libre ng kain sa labas? We can still do that right after the practice. Kaya please, Felix? I'm begging you! Don't throw me to the lions! Sumama ka na!"
"Loko 'to! Bakit naman ako magtatampo?" Nag-furrow pa ng eyebrows si Felix habang binubuksan ang number combination ng locker niya. "Fine. Just to prove you wrong, sasamahan kita sa practice. Pero pag masyado kayong matagal, iiwanan na kita du'n, ha?"
"Yes! Lifesaver ka talaga, Felix, my man!" Itinaas pa ni Yuan ang dalawang kamay na parang nanalo ito ng malaking cash prize.
Napailing na lang si Felix sa overly dramatic reaction ni Yuan. "Magkita na lang tayo sa entrance ng The Pearl Theatre?"
"Sige. I'll check my motorbike muna."
At iniwan muna ni Yuan si Felix sa locker area para matapos na nito ang pag-aayos ng gamit.
--------
NAGLALAKAD na si Felix sa school grounds (na buzzing with activity ngayon in preparation sa magaganap na Foundation Day bukas) papunta sa The Pearl Theater nang mag-video call sa kanya si Carol.
"Felix, have you seen Alistair? 'Yung photographer natin?" Tanong agad ng editor niya pagkasagot niya ng phone. Ang official photographer sa The Good News school paper ang tinutukoy ni Carol. Sa background, makikitang nasa loob ito ngayon ng office ng kanilang school paper.
"I haven't seen him anywhere. 'Di ba he's from the other section? Mount Saint Helens? Tanungin mo kaya 'yung mga kaklase at kabarkada niya du'n."
"Wala naman akong kinakausap sa section na 'yun maliban kay Alistair. Anyway, we still need additional photos of the contestants practicing. 'Yun kasi ang pinaka-cover story natin sa paper so we need more pictures to choose from. As back up, can you drop by at The Pearl Theater right now and take some photos using your phone. Maganda naman camera ng phone mo, 'di ba? It can shoot high definition photos?"
"Du'n na nga ako papunta ngayon." Inform ni Felix kay Carol.
"Good. Right after, send mo sa email ko 'yung photos. 'Wag sa Messenger at mare-reduce 'yung qualities ng photos. Can I count you on this, Felix?"
"May magagawa pa ba ako?" Kibit-balikat na sagot naman ni Felix.
Pero minasama pa ni Carol ang simpleng sagot na 'yun ni Felix. "Just what I need when I'm so stressed out right now. A snide remark from you, Felix! Bye!" Sabay disconnect nito ng video call.
Napabuga na lang ng hangin si Felix sa buhok niyang nakatabon sa kanyang noo. Sadya yatang hindi niya matantiya ang ugali ni Carol kahit kailan.
--------
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...