Q&A PORTION
SINIMULAN na agad ang Q and A portion para sa Miss Teen Earth pageant. By random ang pagtawag sa mga candidates. Pinapapili ni Ron-Ron sa set ng cue cards na hawak niya ang tinawag na contestant saka niya babasahin ng malakas ang tanong nitong napili. After nu'n, meron ang candidate ng one to two minutes para ibigay ang kanyang sagot. Saka siya i-evaluate ng set of judges.
Sa naunang tatlong contestants na tinawag, may very confident sa naging pagsagot sa tanong. Meron ding biglang nakaramdam ng stage fright at hindi napigilang mag-stutter nang ibigay ang sagot. At meron masyadong nagtagalan sa pag-iisip ng isasagot kaya inabot ng two minutes limit ay hindi pa tapos ito sa pagsagot sa question.
Sumunod na tinawag ay si Jillian Marie Valencia. Hindi makikitang kinakabahan ito nang lumakad palapit sa tabi ni Ron-Ron sa stage. Kung kinakabahan man si Jill ay hindi nito pinahalata at very amiable pang ngumiti kay Ron-Ron nang pinapili siya ng questions sa cue cards niyang hawak.
Binasa agad ni Ron-Ron ang napiling question ni Jill. "If you are one of the judges tonight, what would be your criteria in choosing for the winner?"
"Thank you for that question, Ron-Ron." Nakangiting sabi ni Jill saka bumaling sa audience, particularly sa kung saan nakapuwesto ang mga judges na kabilang sa panel ay si Principal Enrico Sarmiento. "If I'm one of the judges of this pageant, the candidate that I would choose would not only exude superficial beauty but also exude a strong personality. Someone who stands by to her beliefs and not easily swayed by public opinions. As well as God fearing and has the inherent willingness to help the needy which are the credos of being a titleholder of Miss Teen Earth. I'm sure the panel of judges will wholeheartedly agree with me." Nagtanguan naman ang mga judges sa sagot ni Jill. Si Principal Sarmiento ay nag-thumbs up pa.
"Thank you for that delightful answer, Miss Jillian Valencia. You may step back to your position." Aral ang modulated na boses na sabi ni Ron-Ron.
"Hearing that answer coming from Jill's mouth, especially the God fearing and helping the needy crap, I'm totally not convince." Hindi napigilan ni Linus na magkumento amidst sa applause ng crowd after ibigay ni Jill ang sagot sa Q and A niya.
"Ang harsh mo naman kay Jill." Puna ni Yuan kay Linus.
"Bakit parang affected ka?" Si Felix naman ngayon ang pumuna kay Yuan.
Kunot-noong bumaling si Yuan kay Felix. "What?"
Nadulas yata si Felix. Masyado na siyang nagpapahalata ng nararamdaman kay Yuan. Buti na lang si Chloe na ang tinawag ni Ron-Ron. "Si Chloe na 'yung kasunod sa Q and A." Pang-distract ni Felix kay Yuan para maiwasan niya ang pang-uusisa ni Yuan sa kanya.
"Pick a card, please." Offer ni Ron-Ron kay Chloe nang makalapit ito. Agad namang binasa ni Ron-Ron ang question sa card na napili ni Chloe. "If you could give the younger version of yourself a piece of advice, what would that be?"
Nag-blow muna ng oxygen si Chloe bago sumagot. "That's a tough one. Nevertheless, I would advise my younger self to never stop believing. There is magic in persuasion. The harder you believe that you would achieve greater things someday, it will eventually happen. The stars will align for you and you'll just be surprised that you've already achieved your goals."
Pinasalamatan naman ni Ron-Ron si Chloe matapos sagutin ang tanong at nag-wave pa si Chloe sa audience bago bumalik sa pinupuwestuhan nito kanina.
"Parang ang bland nung sagot ni Chloe du'n sa question. Hindi katulad nung sagot ni Jill kanina, rich at madetalyado." Criticize ni Pepper.
Narinig ito ni Yuan at sumagot agad in defense kay Chloe. "Yun naman ang mas maganda, 'di ba? Simple pero direct to the point. 'Di ba, Felix?" Sabi ni Yuan sabay baling sa katabing si Felix.
"Sorry. Hindi ko napakinggan maigi 'yung answer ni Chloe. May inaayos kasi ako sa settings nitong camera." Sagot naman ni Felix nang hindi tumitingin kay Yuan at sa camera lang na hawak ito naka-focus.
Napakamot sa batok na lang si Yuan sa parang pangdi-dismiss sa kanya ni Felix.
Hindi naman napigilang sumabad sa kanila ni Ricky. "Huwag mo masyadong intindihin 'yung pagsusungit ni Felix, Yuan. Nagtatampo lang 'yan sa 'yo kasi masyadong naka-focus 'yung attention mo du'n kina Jill at Chloe. Siya hindi mo na napapansin."
Shocked si Felix sa ginawang 'panlalaglag' sa kanya ni Ricky nang hindi man lang kinukunsulta kung okay sa kanya. Tumbok na tumbok pa naman nito ang reason kung bakit nagsisintimiyento siya ngayon kay Yuan.
Namumulang ang mukha ni Yuan na hinampas niya ng kamay ang pisngi ni Ricky. "Masyado kang papansin! Huwag ka nang magpapa-proofread sa 'kin pag gumagawa ka ng article sa paper natin! Bahala kang mapagalitan ni Carol sa mali-maling grammar mo!"
Pabalabag na inilagay ni Felix ang Canon camera sa lap ni Yuan nang hindi makatingin ng direkta sa kanya saka tumayo at nagtatakbo papunta sa direksyon ng men's room.
"Pahawak lang, Ricky. Sundan ko lang si Felix." Paalam ni Yuan sabay bigay dito ng DSLR camera at tumakbong sinundan nito si Felix.
Pinuna naman ni Linus si Ricky nang makaalis ang dalawa. "Kasi naman, Ricky, alam mo na ngang bad mood si Felix, nakialam ka pa sa issue niya kay Yuan. Ayan tuloy, nasampulan ka tuloy ng sampal. Sakit 'no?"
"Kaya ko lang naman sinabi 'yon, akala ko makakatulong. Kanina pa kasi bulong ng bulong si Felix sa tabi ko na hindi naman daw siya tinutulungan ni Yuan sa paggamit nitong camera." Palusot naman ni Ricky na hinihimas pa ang nasampal na pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Dla nastolatkówMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...