CHAPTER TEN

5 0 0
                                    

THE ASSIGNMENT. THE TRANSFEREE. A PROMISE TO KEEP

ORAS na ng English class nila with Mr. Donald Aguirre. Promptly, sinimulan ng teacher ang graded discussion ng Cannery Row. Kanya-kanyang labas ng kopya ng pamosong libro ni John Steinbeck ang mga estudyante. Karamihan ay may dalang paperback copies ng libro, ang iba ay hiniram sandali sa library building ng school, 'yung iba naman ay eReader o sa Kindle device ni-retrieve ang kopya ng libro.

Kakaiba ang style na naisip gawin sa graded discussion na ito ni Mr. Aguirre. Hindi niya binigyan ng fixed questions na sasagutan ang mga estudyante over the course ng pagbabasa ng classic short novel. Ang plano niyang gawin ay isa-isa siyang tatawag ng estudyante via draw lots technique, pupunta sa harap at ie-explain kung ano ang nagustuhan niya o hindi nagustuhan sa nobela, kung mayroon siyang mga favorite o most hated na characters sa libro, kung anong mado-draw niyang conclusion o message sa kabuuan ng nobela. Free flowing style ng discussion in other words. Puwedeng dalhin ng estudyante ang copy mismo ng libro para i-guide siya sa pag-recite ng observations niya. Kung meron siyang ginawang notes sa piece of paper para mas structured ang recitation niya ay maaari ring itong gamitin.

Currently fixated ang kanilang English teacher na gamitin ang fish bowl nito sa lahat ng oportunidad. Katulad ngayon, nakalagay duon ang lahat ng mga pangalan ng estudyante niya na nakasulat sa folded colored papers. Dumukot si Mr. Aguirre sa pinakamalalim na parte at ang nakuha nitong pangalan ay si Francis Ricafort.

"Wish me luck, Cinnamon Stick!" Sabi ni Francis sabay halik pa sa pisngi ni Jill bago tumayo sa chair nito.

"Break a leg, Gummy Worm!" Sagot naman ni Jill kay Francis na lumalakad na sa harap ng class.

"You may proceed, Mr. Ricafort. Once you're done, I might question you further about the book."

Kabadong sinimulang basahin ni Francis ang notes na naka-scribbled sa stationery pad na nakapatong naman sa hawak niyang battered copy ng Cannery Row. Nag-effort naman itong tumingin sa mga kaklase kahit papano habang binabasa ang kanyang notes. Si Mr. Aguirre naman ay critical naman nakikinig sa nire-recite ni Francis.

Napansin naman agad ni Felix na napaka-generic ng mga dini-discuss ni Francis tungkol sa libro. Pero somehow familiar sa kanya ang mga sinasabi nito. Parang nabasa na niya ito somewhere. Baka sa isang term paper about sa libro na naka-published publicly online.

Nakumpirma ang suspicion ni Felix nang mag-lean in si Carol sa kanya mula sa pagkakaupo nito sa kanyang likuran sabay pakita sa kanya ng hawak nitong cellphone. Naka-pulled up na sa screen ng phone ang Wikipedia page tungkol sa Cannery Row. Ini-scroll pa ni Carol kung saan part na si Francis sa binabasa nito mula sa pinagkopyahan na site. Pati si Miggy na katabi ni Felix ay nakitingin na rin.

"Talk about digital cheating." Condescending na sabi ni Carol pero mahina lang ang boses para hindi marinig ng teacher nila. "This only proves na 'yang clique nina Francis at Jill, mahilig lang silang mag-show off that they're rich and popular, pero in reality they're just as dim-witted as that sleazebag Deejay."

After nu'n, nag-lean back ulit sa seat niya si Carol at mas critical pa ang look niya sa kanilang English teacher nang ibinalik ang tingin kay Francis na nagsasalita pa rin sa harap ng classroom.

Na-disrupt lang ang ginagawa nilang graded discussion nang biglang sumulpot sa pintuan ng room nila si Principal Enrico Sarmiento. Pinatigil muna ni Mr. Aguirre sa pagsasalita si Francis at nilapitan ito ang principal. Pero nanatili pa ring nakatayo sa harap si Francis at nakipag-usap sa isa sa mga ka-acquaintance nitong lalaki na nakaupo sa front seat.

"Are you going to make that announcement now, Eric?" Narinig nilang tanong ni Mr. Aguirre sa kanilang prinsipal.

"Kung puwede sana, Donald, if it's not going to fully disrupt your class." Sagot naman ni Principal Sarmiento.

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon