CHAPTER NINE

4 0 0
                                    

THE KING OF THE BULLIES. CHLOE TO THE RESCUE. YUAN ARRIVES IN SCHOOL

THURSDAY. Bukas, Foundation Day na sa school. Sigurado nang festive ang atmosphere bukas. Nadaan na nga ni Felix kanina sa school grounds na busy na ang hired crews na itinatayo ang mga rides at booths na gagamitin para bukas. Tapos sa gabi naman mangyayari ang pinaka-highlight na event ng Foundation Day, ang Miss Teen Earth pageant na gaganapin sa The Pearl Theatre. Ginawang elective ng adviser nilang si Mrs. Agnes Ilagan ang pag-attend sa pageant para suportahan ang event. Pero kahit naman hindi ito ginawang elective ng adviser nila, obligado pa ring um-attend si Felix dahil kailangan niyang i-cover ang pageant para makagawa siya ng brief article about sa event at sa mga winners para sa school paper.

Aside pa diyan, kasali pa sa baseball game ang kapatid niyang si Jervy sa Sabado na gaganapin sa school nito sa Little Marionette Montessori. Designated hitter at pitcher si Jervy sa laro. Proud na proud si Jerome nang malaman nito kaya gusto niya lahat silang pamilya ay a-attend sa first ever baseball play ni Jervy. Hindi siya tatanggap ng kahit anong alibi para lang hindi makadalo. "It's a done deal!" Sabi pa nito habang kausap sila ng Mommy niya.

Napabungtung-hininga na lang si Felix habang kinukuha ang mga gamit na kailangan niya para sa classes niya sa araw na 'yon. Designated na yata mag-go with the flow na lang siya for the rest of his life. Tiyempo namang tina-transfer niya sa bag niya ang baon niya for recess na ham and cheese sandwich na nakalagay sa Ziploc bag nang dumaan sa tapat ng locker niya ang considered King of the Bullies sa school nila na si Deejay, kasama ang dalawang cohorts nitong sina Kai at Tim.

"Ham and cheese ba 'yan? Sakto! Gutom pa naman ako!"

Nagulat na lang si Felix nang itulak siya palayo ni Deejay sa locker niya para makuha nito ang sandwich niyang nasa zip-top bag. "O, mga bros! May Twix pa dito, o! Tig-i-tig-isa tayo!" At hinagis ni Deejay ang candy bars sa dalawa na maagap naman nilang nasalo.

"Deejay, puwede ka namang manghingi sa 'kin nicely. Bibigyan naman kita. Hindi mo na kailangan i-shove away mo ako sa locker ko." Sita ni Felix kay Deejay.

"Bakit? May problema ka ba, mofo?" Maangas na tanong ni Deejay habang kinukuha na ang sandwich sa zip-top bag. Heavyset si Deejay. Disheveled ang oily na buhok nito. Stand-out din ang mga pimples nito sa mukha. Lalo tuloy na-enhance ang pagka-mean ng look nito.

Mofo ba, Deejay? Baka homo." Gatong na pang-aasar ni Kai na kinakain na ang nakuhang candy bar. Tumawa pa ito ng malakas.

Na-conscious agad si Felix sa mga nakarinig ng birong-patama sa kanya si Kai sa mga estudyanteng naglalakad sa locker area. "Nakuha n'yo na food ko, 'di ba? Baka puwedeng tigilan n'yo na rin ang pang-aasar sa kin!"

"Hoy, mofo!" Lumapit si Deejay kay Felix at hinawakan nito ang collar ng suot niyang uniform. Ngumisi ito nang makita ang takot sa mukha ni Felix. "Hoy, homo!" Ulit ni Deejay na sinadya pang lakasan ang boses. "Aasarin ka namin 'pag trip namin, ha? Hindi ka puwedeng tumanggi kasi ako ang nagsasabi. Understood, homo?" Saka malakas na itinulak ni Deejay si Felix sa mga stocks ng lockers. Nanginginig na si Felix sa takot.

"Kung iniisip mong magsumbong kay Principal Sarmiento, don't waste your time, homo! Tito ko 'yun, eh. Hindi ka papansinin nu'n. Baka hindi lang food ang mawala sa 'yo pag binalikan kita next time. Clear sa 'yo? Sagot!" Isinalya ulit ni Deejay ang likod ni Felix sa locker stocks. Umuga ang mga iyon ng malakas, mina-match ang malakas na nginig ng katawan ni Felix.

"Clear na, Deejay. Clear na." Halos pumiyok ang boses ni Felix sa sobrang kaba.

"Good. Padalhan mo ulit kami ng baon bukas, ha? May kasama ulit Twix."

"Twink for Twix!" Ganting biro ulit ni Kai at nagtatawanang nag-high five pa sila ni Tim.

"Trash mo." Nilagay ni Deejay ang wala nang laman na Ziploc bag sa bulsa ng suot na uniporme ni Felix. "Remembrance."

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon