CHAPTER FOUR

9 0 0
                                    

PRINCIPAL SARMIENTO. ADMISSION PROCESS. FELIX GOT CORNERED

KONSENTRADO sa pagbabasa si Principal Enrico Sarmiento ng Fifty Shades of Grey ni E.L. James habang kumakagat ng hamburger fresh from the take-out bag na nasa desk nito nang pumasok ang secretary niyang si Jocelyn, kasunod sina Andy Chen at Yuan Chen sa opisina niya.

"Principal Sarmiento, I believe your expecting Mister Chen and his son to arrive." Magalang na sabi ni Jocelyn habang ina-usher niya papasok sa opisina ang dalawa.

Nahulog ni Principal Sarmiento ang librong binabasa sa gulat. Hindi niya kasi inaasahan na sa oras na 'yun darating sina Andy at ang anak nito.

Pinigil naman ni Yuan na matawa sa reaksyon ng principal na nabigla ito sa pagdating nila.

"Jocelyn, next time tawagan mo muna 'yung line ko in advance na may bisita na pala akong paparating para ma-prepare ko naman sarili ko, okay?" Bilin ni Principal Sarmiento sa sekretarya niya habang hinahanap niya kung saan conspicuously ilalagay ang librong binabasa niya.

"Okay, Sir." Nakangiting sabi ni Jocelyn saka lumabas na ng opisina.

Kinuha naman ni Andy ang libro sa kamay ng principal at tiningnan pa ang front cover para makasigurado. "Fifty Shades and a Quarter Pounder. Interesting combination, Eric."

Inagaw pabalik ni Principal Sarmiento ang libro. "For your information, Andy, it's not my copy. It's my wife."

Itinaas ni Andy ang dalawang kamay na parang sinasabi na hindi ito nakikipag-argue. "I'm not judging, Eric. My ex-wife was obsessed with that book series as well."

"I'm not reading it for myself." Sagot naman ng principal habang gume-gesture na umupo na sila Andy at Yuan sa harap ng mesa niya. "I'm reading it for my wife's sake. We had an heated argument last night. She's complaining I'm too stoic. I'm too rigid. And that I'm not being affectionate enough. Saka niya sinalpak 'yang steamy novel na 'yan sa mukha ko. Basahin ko raw para kumuha ng pointers kay Christian Grey on how to become a complete amourous gentleman."

"Well, if your wife's definition of romance is being handcuffed and flagellated, again I say, I'm not here to judge." Sagot ni Andy pero may smirk na ito sa mukha.

"'Wag na nga nating pag-usapan 'yung personal dealings ko with my marriage." Itinago na lang ni Principal Sarmiento ang erotica novel sa isa sa mga drawers ng desk niya at hinarap si Yuan. "'Eto ba si Yuan? Gandang lalaki, ha? Matikas ang tindig. Buti hindi nagmana sa 'yo."

Gusto namang takpan ni Yuan ang mukha sa natatanggap na papuri. Si Andy naman natawa ng malakas sa pangbu-bully ng principal.

Binuksan ni Andy ang dala niyang briefcase at binigay kay Principal Sarmiento ang folder na pinaglalagyan ng mga dokumento ni Yuan.

Pinasadahan naman ng tingin ng principal ang mga nakalagay sa folder.

"Nand'yan na 'yung copies ng transfer credentials niya from his former school, transcript of records, pati na rin birth certificate accredited ng NSO." Pag-inform ni Andy sa mga documents na tinitingnan ngayon ni Principal Sarmiento. "Kung may kulang pa just let me know."

"I think this is good. I-forward ko na lang 'to kay Jocelyn para siya na mag-double check kung meron pang kulang dito." May kinuhang application form si Principal Soriano sa document tray na nasa desk niya at inabot ito kay Yuan. "Fill-up mo lang 'yung mga may check marks, Yuan."

"Opo." Sagot ni Yuan habang kinukuha ang papel.

"After i-fill up ni Yuan ang form, punta na lang kayo sa registrar's office to pay for the admission fee. And within this week, ipapa-process ko na rin 'yung admission certificate niya." Sabi ng principal nang bumaling kay Andy.

Sulat-KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon