ASSESSING CHLOE AND JILL. TOP FIVE ANNOUNCEMENT
NAKA-GLUE ang mga mata ng audience sa stage nang magsimulang pumarada ang mga candidates habang ibinibida ang mga formal gowns nilang suot. Kanya-kanya agad ng boto ang crowd kung sino ang may pinakamagandang suot na gown at kung sino sa tingin nila ay unappealing and in poor taste ang quality ng gown na suot.
Kahit si Felix hindi nakaligtas hingan ng opinyon tungkol sa mga gowns na suot ng mga contestants. Lalo na nang pumarada sina Chloe at Jill kasama ng mga escorts nila.
Inokupahan muna temporarily ni Linus ang binakanteng seat ni Yuan nang samahan nito si Chloe sa stage para mausisa niya si Felix. Pati si Pepper ay nag-transfer din sa seat na original na ino-occupy ni Linus para rin maki-usyoso sa dalawa.
"Felix, who do you think would win this round? Para sa 'kin kasi, marami may suot na magagandang gowns pero only a few stand out."
Medyo distracted na napatingin si Felix kay Linus. Kung alam lang kasi nito, hindi naman ang mga gowns ng mga candidates ang pinag-uukulan niya ng pansin ngayon. "Ewan ko. Lahat naman ng mga candidates magaganda 'yung suot nilang gowns, Linus."
Sinimangutan siya ni Linus. Halatang na-disappoint sa sagot niya. "Ang boring mo naman, Felix! Masyadong safe ang sagot mo."
Magre-rebutt sana si Felix pero biglang sumingit na sumagot si Pepper. "Si Jill stand out para sa 'kin. Very striking 'yung pagka-red nung gown niya. Sexy rin pero hindi over the top. Just enough to show some skin."
Magkasalubong ang kilay na napatingin si Linus kay Pepper. "Ibinida mo naman agad ang suot ni Jill. Have you even seen Chloe's outfit? Very chic and elegant without trying too hard to be sexy."
"Tinarayan pa ako nito. Just admit it na magkaiba lang tayo ng preference pagdating sa kung anong maganda sa isang gown."
"Apparently so." Tinaas pa ni Linus ng mga kilay si Pepper.
"Ang ingay n'yong dalawa! Pati si Felix ginugulo n'yo. Nakita n'yong kumukuha ng mga pictures. Pag hindi maganda kinalabasan ng mga kuha n'ya, mapapagalitan siya ni Carol. Damay pati tayo." Saway naman ni Ricky na katabi ni Felix sa kabilang seat kina Linus at Pepper.
Humina naman ang volume ng diskusyon nina Pepper at Linus tungkol sa differences in opinion nila sa mga gowns na suot ng mga candidates. Pero kahit pa malakas ang mga boses ng dalawa, hindi naman iyon mapapansin ni Felix at busy siya sa pagkuha ng mga pictures. Isa pa, gusto niyang i-decipher kahit sa pagkuha lang ng litraro kung ano ang nilalaman ng mga pasimpleng pag-uusap nina Yuan at Chloe habang magkatabi silang nakatayo sa stage. Pero muntik nang mahulog ni Felix ang hawak na camera nang matiyempuhan niyang hinawakan ni Yuan ang kamay ni Chloe habang kinukuhanan niya ito ng pictures. Nagulat si Felix kasi hindi pa naman oras para mag-ramp si Chloe sa stage. Naganap ang paghawak ni Yuan sa kamay kay Chloe habang magkatingin ang dalawa. At ayaw isipin ni Felix kung ano ang ibig sabihin ng gesture na iyon.
--------
DUMATING na ang time para i-announce kung sinu-sino ang top five candidates at didiretso na agad sa Q and A portion ng pageant. May kanya-kanyang niru-root na candidates ang crowd. Nang sinimulang tawagin ng emcee na si Ron-Ron ang mga makakasama sa top five ay nagkakagulo ang audience sa bawat nababanggit na pangalan. Tulad ng inaasahan ng marami, napasama sa top five sina Jillian Marie Valencia at Chloe Louise Benitez. Naunang tawagin ang pangalan ni Jill na napa-fist pump pa bago sinamahan ang tatlong candidates na naunang tawagin sa gitna ng stage. Panghuling tinawag si Chloe na teary-eyed na napahawak ang mga kamay sa labi bago lumapit sa gitna ng stage para kumpletuhin ang top five candidates. Hinawakan ni Jill sa kamay si Chloe nang makalapit ito at nakipag-beso pa sa isang cheek ng kaibigan.
"Ladies and gentlemen, presenting to you our top five candidates." Nakangiting prisinta ni Ron-Ron sa kanila na sinundan naman ng booming applause ng audience.
Ibinigay naman ni Felix ang camera kay Yuan na katabi na niya ulit sa seat para mabistahan nito ang mga kuhang litrato niya.
Pinagmasdang maigi ni Felix si Yuan bago nito ibinitaw ang kanina pa niya gustong itanong dito. "Yuan, kung isa ka sa mga judges, sino ang pipiliin mong manalo sa kanila?"
Napaangat ng tingin si Yuan sa tinitingnan nitong photo images, napatingin saglit kay Felix saka idinako ang tingin sa limang candidates na nasa gitna ng entablado ngayon. "At this point na wala pa 'yung Q and A? Si Chloe s'yempre. I'll support kung sino ine-escort ko." At ibinalik nito ang tingin sa mga images sa camera.
Pero hindi pa tapos magtanong si Felix. "Kung wala si Chloe sa top five, who would you choose?"
Napatingin ulit si Yuan kay Felix at sumaglit ng tingin sa mga candidates sa stage at ibinalik ulit ang tingin sa camera. "Anyone, I guess. All of them are pretty and they all carry themselves well."
"Okay. Akala ko lang kasi..." Wala na sanang balak ituloy ni Felix ang sentence niya pero nag-angat ulit si Yuan ng tingin sa kanya at hinihintay ang the rest na sasabihin niya. Walang choice si Felix kung hindi kumpletuhin ang nais sabihin. "Akala ko lang si Jill ang next choice mo if Chloe is not included sa selection."
Nangunot ang noo ni Yuan. "Why do you keep on bringing up Chloe and Jill's names to our conversation? May gusto ka ba sa kanilang dalawa, Felix?"
Si Felix naman ngayon ang nainis. Inagaw nito kay Yuan ang hawak nitong camera. "Wala nga akong gusto d'yan sa dalawa. Ang kulit mo din!"
Tinawanan na lang siya ni Yuan. "Dapat bigyan kita ng bagong moniker, eh. Felix Torpedo."
Lalong naasar si Felix kay Yuan at itinuon na lang nito ang pansin sa paglilitrato sa stage.
Hindi niya inakalang bigla siyang pipingutin ng mariin ni Yuan sa pisngi. "Napakamatampuhin nito. Sorry na!"
"Aray! Tanggalin mo nga 'yang kamay mo! Sira ulo 'to!" Protesta naman ni Felix.
Itinigil naman ni Yuan ang pagpisil sa pisngi ni Felix pero hindi natanggal ang pagkakangiti nito. "Don't worry. Right after the program, let's eat outside. Feeling ko gutom ka na kaya nagiging grumpy ka na eh." At sinundan ulit ng tawa ni Yuan.
Totoong gutom na si Felix pero mali ng hinala si Yuan kung bakit naghihimutok siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...