FELIX' SECRET PLACE. STUCK IN TRAFFIC. RIDE HOME
SIGURADO si Felix na hindi titigil si Yuan hanggang hindi siya pumapayag na sumama rin ito sa tinatawag niyang 'secret place'. Kaya sumakay na si Felix sa kotse ni Yuan at binigyan na lang niya ito ng clear directions kung saan pupunta para hindi ito maligaw.
Hindi naman nahirapang hanapin ni Yuan 'yung 'secret place' ni Felix. Narating din nila ang isang tagong coffee shop sa may Katipunan area sa Quezon City. Nagsisimula nang umulan ng malakas nang dumating sila kaya kaagad na inayos ni Yuan ang pagkaka-park ng kotse sa tabi ng daan saka sila tumakbo ni Felix papunta sa entrance ng coffee shop. Nagkatawanan pa sila nang makapasok sa loob. Para kasing pareho silang takot na mabasa ng ulan.
Na-appreciate agad ni Yuan ang vibe ng interiors ng coffee shop. Halos tingnan pa niya isa-isa ang mga sketches at drawings na naka-display sa isang wall. "I never heard about this cafe before." Pag-amin ni Yuan kay Felix.
"Sa Starbucks ka yata mahilig mag-hang out, e." Nakangiting sabi ni Felix dito.
"Yeah. Just like everybody else. Si Papa din kasi, he's a big Starbucks Coffee fan."
Naghanap sila ng kumportableng mapupuwestuhan at isang barista kaagad ang lumapit para abutan sila ng menu.
"Ang weird nga eh. Hindi ako mahilig sa coffee pero dito ako nahilig tumambay. Ang usual kong ino-order dito slushies. Pero pag ganitong malamig kase umuulan, hot chocolate. Pag may extrang money, sinasamahan ko ng adobo pasta or 'yung tapa with rice pag gusto ko talagang mabusog."
"'Di 'yun ang i-order natin lahat ngayon." Nakangiting suggestion naman ni Yuan.
"Slushies tapos hot chocolate? E, di sumakit ang tiyan ko nu'n?"
Natawa si Yuan. Ibinigay na nila sa naghihintay na barista ang menu kasabay ng mga napili nilang orders.
"So, pumupunta ka dito every day after school?" Curious na tanong ni Yuan kay Felix habang hinihintay dumating ang orders nila.
"Grabe naman 'to! Hindi naman every day. Good luck naman sa baon ko, 'di ba? Siguro kung kasing-yaman kita afford kong pumunta dito every day. Pero usually sa Friday ako nagpupunta dito. Or pag nalulungkot ako at gusto kong mag-senti."
"So, hindi Friday ngayon. Meaning to say feeling senti ka right now?"
"Feeling exhausted kasi kanina mo pa ako kinukulit."
Natawa na naman si Yuan. Nagtingin-tingin siya sa paligid ng coffee shop. Napansin niyang iilan lang ang customers ngayon sa loob. "Konti lang pala tayo dito, 'no?"
"Umuulan kase. Pero usually 'yung mga students sa nearby universities 'yung nagpupunta dito. Marami na ring ngang nakakaalam nitong coffee shop kasi binanggit ng isang sikat na reporter na favorite hang-out place niya rin 'to. But the good thing, it was never crowded. Or maybe the correct way to say it, it was never crowded whenever I'm here. Kaya nagustuhan ko ring mag-hang out dito madalas. No one from school knows this place yet. Kaya I can freely enjoy my own private space."
"Ano namang ginagawa mo 'pag nandito ka aside na umorder ng slushies at pasta? Siguro you cry a tear or two habang nire-reminisce mo 'yung mga life struggles mo, 'no?" Gumuhit pa ng vertical line si Yuan mula sa isang mata niya habang nagsasalita.
"Uy! Hindi naman ako ganyang ka-drama." Tanggi agad ni Felix. "The usual. Nagpe-people watch. But most of the time, nagbabasa lang ng libro or nagsusulat sa journal ko."
"Talaga ba?" Parang ayaw pang maniwala ni Felix. "O baka naman you're just meeting someone to talk in private? Maybe some girl in this area?"
"You're so cliché, Yuan." Ganting bara naman ni Felix dito.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...