PHOTOGRAPHER FOR HIRE. LOOKING FOR YUAN. JEALOUSY IN THE AIR
MABILIS namang nakarating sa opisina ng school paper nilang The Good News si Felix. Umookupa ito ng maliit na kuwarto sa administration building ng The Good Earth Academy. Cramp ang hitsura sa loob. May ilang computer terminals ang naka-install sa isang side ng kuwarto. May malaking bulletin board na kung sana naka-map ang timeline nila para sa binubuong paper for each month. Dagdag pa rito ang conference table na nakalagay sa gitna ng opisina kung saan nakaupo ngayon ang bumubuo ng staff ng school paper.
"Bakit tayo may emergency meeting? Anong nangyari?" Tanong agad ni Felix pagkapasok sa opisina at makitang parang pinaglalamayan ang mga kasamahan niya, lalo na ang hitsura ni Carol.
"Wala na tayong official photographer." Si Carol ang sumagot sa tanong niya.
"Ha? Bakit? Nag-back out na ba si Alistair?" Tanong ulit ni Felix habang umuupo sa natitirang empty seat sa conference table.
"Linus, ikaw na nga magsabi. Ikaw naman nakasagap ng news." Parang wala nang energy magkuwento si Carol kaya ipinasa na sa iba ang pagsagot sa mga questions ni Felix.
"Nagpunta na pala si Alistair sa States kaninang umaga lang. Malubha na kasi 'yung Lola n'ya du'n. Bone tumor. Hindi na yata magtatagal kaya nagpunta na sila ng family niya du'n. Nag-send na lang ng email kanina lang din kay Mrs. Ilagan 'yung father ni Alistair. Last week pa pala sila nakabili ng ticket. Hindi lang agad naka-inform kasi busy sa preparations." Kuwento naman ni Linus.
"Kaya pala hindi ko na siya nakikita madalas dito sa school since last week. Maski na du'n sa computer shop kung saan nakakalaro ko siya sa Dota madalas, missing in action din siya." Sabi naman ni Ricky.
"Pa'no 'yan? Sino nang kukuha ng pictures para sa event bukas, lalo na sa Miss Teen Earth? Si Alistair lang naman ang may DSLR camera sa 'tin." Si Pepper ang nag-voice out ng worry na naiisip nilang lahat.
"Itatanong ko kay Kuya Chito 'yung Canon camera niya kung puwedeng mahiram. Pero malabo rin siguro kasi maraming tanggap na photo shoot projects si Kuya. And even if mahiram ko, may marunong ba sa inyong gumamit? Kasi ako, I have no idea how to use it. It's bulky, it's heavy and the camera interface alone is like a mathematical problem I could never figure out how to solve." Si Carol na imbes makaisip ng solution ay isang dosenang problema agad ang biglang naiisip.
Tumingin si Carol kay Felix. Hinihintay na magbigay siya ng suggested answer para sa pinoproblema nila.
Napatingin si Felix sa terracotta na flower pot na nakalagay sa ibabaw ng conference table. Pero instead na ang problema tungkol sa camera at photographer na kukuha ng photos para sa event bukas ang iniisip niya, natuon ang pansin niya kung gaano niya ka-hate 'yung fake pink tulips na nakalagay sa flower pot. Bakit hindi na lang kase lagyan ng totoong halaman o bulaklak itong flower pot na 'to para may natural fragrance silang maamoy tuwing may meeting sila dito sa office at hindi 'yung masangsang na air freshener 'yung palaging naamoy.
Naisip ni Felix na i-suggest na lang na camera phones na lang gamitin sa event bukas as fallback kung wala na talagang options nang biglang may magsalita na hindi nila kasama sa staff ng school paper.
"Don't worry. Ako na lang muna ang magiging photographer n'yo bukas."
Lahat sila napatingin sa pinto. Naiwan pala iyong bukas ni Felix nang pumasok siya sa opisina nila at nakatayo na duon ngayon si Yuan. Apparently, napakinggan na nito ang reason ng emergency meeting nila.
Napansin ni Felix na abot-abot ang hininga ni Yuan at may namumuo pang pawis sa noo. Tumakbo ba ito mula sa The Pearl Theater papunta dito?
"Sigurado ka, Yuan? Hindi hassle sa 'yo, ha? Almost whole day naming gagamitin ang photography expertise mo." Warning ni Carol dito.
BINABASA MO ANG
Sulat-Kamay
Teen FictionMahiyain at timid si Felix. Typical introvert. Mahilig magbasa ng libro. Active sa academic studies. Iilan lang ang acquaintances sa school. Kaya nga nagulat siya na kusang lumalapit ang popular girl sa The Good Earth Academy na si Chloe. Panay ang...