IT'S NOW a good morning here in Cannary island and here I am, getting ready for my first day as 9th grade. I was about to get out nang tinawag ako ni mama.
“Gina! Kumain ka muna!” sabi ni mama bago paman ako lalabas nang pintuan.
“Pero ma, ma le late na ako mamaya.” Sabi ko sa kaniya habang lumalakad pa lang ako papunta sa dining table kung saan kumakain na ang aking bunso na si Sofia kasama si papa habang si mama naman ay naghahanda nang mga pagkain.
“Sino ang may kasalanan na ma le- late ka? Diba ikaw? Ayan, ginigising pa tamad-tamad pa.” sabi ni mama kaya agad akong ngumuso bago umupo sa silya.
“Mahal, lalakad na ako.” Sabi nang aking tatay pagkatapos niyang kumain, hinalikan niya muna si mama bago kaming magkakapatid.
“Mag-ingat ka Leonardo! Ayaw kong umuwing lasing ka, kung hindi lalabas ka sa pamamahay ko nang hindi inaasahan.” Sabi nang aking mama kaya agad akong mahinang natawa bago sumubo sa kinakain kong egg sandwich.
“Kunti lang naman, sige na mahal.” Pagmamakaawa ni papa kaya agad na nag bumuntong hininga si mama.
“Oh siya sige, basta kung malasing ka ay makakatikim ka sakin.”
“Opo maam, sige mauuna na ako. Mag-ingat kayo nang kapatid mo Gina.” Pahuling sabi ni papa sa akin kaya agad akong ngumiti at tumango sa kaniya.
Pagkatapos kong kumain ay agad kong nilagay ang plato sa lababo bago naghugas nang kamay.
“Ma, mauuna na po kami, Sofia! Tara na!” sabi ko sa aking mama bago ko tinawag ang aking kapatid sa sala na naghahanda nang kaniyang bag.
“Oh siya sige, nakahanda na diyan yung mga baon niyo. Mag-ingat kayo ha, at wag masiyadong magpahapon.” Bilin ni mama samin bago kami hinatid sa pinto papalabas nang bahay.
Humalik kami muna sa pisngi ni mama bago kami lumakad ni Sofia papunta sa eskwelahan. Hindi naman masiyadong malayo mula sa amin ang paaralan, sa katunayan nga eh ay ilang daan lang naman ang aming tatahakin ay makakarating na kami sa lugar.
Pagkapasok namin sa paaralan ay madami nang mga estudyante ang lumalakad para hanapin ang kanilang mga kaniya-kaniyang silid, as usual first day ngayon nang panibagong year level kaya madaming mga estudiyante.
“Ate, nasan na po yung silid ko?” tanong nang bunso ko kaya agad ko siyang tinignan. Medyo mataas ako kaysa kay Sofia kaya palagi ko itong tinatanaw pailalim.
“Nasa tabi lang nang classroom mo noon, halika ka na at baka mahuli kapa sa klase.” Sabi ko sa kaniya bago kami lumakad papunta sa kaniyang silid, nang nakarating na kami doon ay nag lilinya pa lamang ang kaniyang mga kaklase kaya agad ko siyang sinabihan na sumama na siya doon at agad na sinabihan na kakainin niya ang kaniyang baon at huwag ipamigay sa iba nang wala nang naiwan sa kaniya kasi napakabait nitong bunso ko, ang kaniyang baon ay pinagbibigay niya pa sa mga kaklase niyang walang baon.
Okay naman yon sana but she never left something for her to eat.
“Bye ate!” paalam nang aking bunso sa akin kaya agad akong ngumiti bago umalis.
When I got to my classroom, I saw that the class is starting so I immediately ran towards the door and then greet our teacher.
“Miss Torres, please come in.” sabi nang guro sa akin at tumalikod para sumulat sa blackboard kaya agad akong tumango bago naghanap nang bakanteng upuan.

VOUS LISEZ
Ocean Series: The Sea's Golden Sunset
Fiction HistoriqueCharles Darwin Castillo, a heir on the Castillo family's famous business. Since he was a child he was always forced to learn some proper things and action so that he could be a right person to take his family's property soon and also to be showned t...