"Maveline! Anak, let's go!" Umakyat ako sa second floor ng bahay na kasalukuyan naming ipinapagawa, "Anak! Your Lolo and Lola is waiting!" Dumeretso ako sa paborito niyang lugar sa floor na ito, ang balcony.
"Mommy? Aalis na po tayo?" Tumayo siya sa kulay orange niyang upuan at pumunta sa harapan ko, dala ang laruang bigay sa kaniya ni Kuya.
Lumuhod ako para magpantay kami, "Yes, baby. Makikita na natin ulit si Lolo at Lola. Yay!"
Ngumiti rin siya ngunit agad nawala iyon, "Why? Is there something wrong?" tanong ko.
Umiling siya, "I just...don't want to leave yet." Tumitig siya sa akin, ang mga mata niyang nakuha niya sa kaniyang ama. "Mag s-stay po tayo doon until matapos po itong bahay, diba? Kailan po ito matatapos, Mommy?"
"I don't know, baby. Maybe after 3 or 5 months? Kailangan kasi nating siguraduhin na maayos at matibay ito." I said while combing her hair.
"Five months is so matagal," Bulong niya, ayaw niya sigurong marinig ko iyon kaya hindi ko nalang pinansin.
"Get your bags na, hindi tayo pwedeng ma-late sa flight."
Matapos niyon ay sumakay na kami sa Van na pinapunta dito nila Mama, sabi ko kaya naman naming mag commute papunta sa airport pero nagpumilit silang huwag nalang, para naman daw sa safety ni Maveline iyon. Wala akong choice kung hindi pumayag, alam ko namang mas mahal na nila si Maveline kaysa sa amin ni Kuya.
Habang papunta sa airport ay nadadaanan namin ang mga naglalakihang buildings sa siyudad, nakita ko pa ang isang branch ng clothing line namin. Nakatulog si Maveline agad, kahit saan yata ay kaya niyang matulog basta hawak ang laruang iyon.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa airport, malapit lang kaya parang 30 minutes lang ang naging biyahe namin.
"Anak, gising na, we're here." Ginising ko na si Maveline, mabilis lang siyang nagising kaya wala kaming naging problema.
Nothing much happened, sumakay na kami sa eroplano and after about 3 hours and 45 minutes, nakarating na kami sa Singapore.
This is actually my first time here, hindi pa ako pamilyar. Pero buti nalang at may mga tauhang ipinadala sila Mama para sunduin kami sa airport.
"Miss Resh, little miss Maveline, this way, please." I just said 'thank you' at sumunod na kami sa kaniya.
I was quite shocked when it was also a van, minsan iniisip ko kung clothing line ba talaga 'yung business namin o tatalunin namin ang Toyota?
"Mommy, we left the Philippines na po?" Tanong ni Maveline sa akin maya maya.
"Yes, baby. Nasa Singapore na tayo. You want to see the lions?" Ibinaba ko ang bintana upang mas makita namin ang mga lion na bumubuga ng tubig.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomanceAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...