Chapter 19

454 18 3
                                    


Nagising ako sa isang kwartong purong puti ang kulay. Ganito ang style ng mga kwarto sa mga napapanood ko, mas maganda pa nga yata ito.


Ironic, nawalan ako ng malay sa sobrang dilim, nagising ako sa sobrang liwanag.


Hahawakan ko na ang ulo ko nang ma-realize kong nakatali pa'rin pala ako! Gamit ang lubid ay itinali nila ang parehas kong kamay sa gilid ng kama.


Nilibot ko ng paningin ang buong kwarto at sinubukang hanapin si Lully pero hindi ko siya nakita. Ibig sabihin ay naroon pa'rin siya sa lugar kung saan kami nakatali kanina.


"You're awake," Pumasok si Yino, ang mga kamay ay nasa bulsa.


Umiwas ako ng tingin, hindi makapag-proseso ang utak ko sa tuwing makikita ko siya at maalala ang mga bagay na ginawa niya kanina.


"Scared, huh?" Narinig kong inilapag niya ang baso sa table na naroon.


Uminom pa, malason ka sana.


"P'wede ba, Yino? Pawalan mo na'ko! I told you, we have connections. Madali mo lang akong mapupuntahan sakaling may masabi ako. My daughter is waiting for me," Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya.


"'Our' daughter, Mavel. Don't exclude me," Ngumisi siya.


"Nasaan si Lully? Pinsan mo siya, how could you do that to her? Gan'yan ka na ba ka-sama?" Hinila ko ang dalawa kong kamay, figuring out a way kung paano matatanggal ang mga nakatali sa akin.


Narinig ko ang tawa niya, "Yes, I am this devil. Why do you care anyway? Don't tell me mahal mo pa'rin ako hanggang ngayon?"


I scoffed, "Mahal? Siguro dati, nu'ng alam mo pa 'yung salitang pagmamahal," Tumingin ako sa labas ng bintana, imagining as if he will always be the Yino I know, "Lully's Father killed your Sister, you killed him as an exchange. She's just 17 when you killed her Father, nag-debut si Lully at hindi niya naka-sayaw ang Daddy niya. Walang maghahatid sa kan'ya sa altar," Ibinaling kong muli ang paningin sa kan'ya, "Hindi ba kayo nakokonsensiya? Habambuhay siyang maiinggit sa ibang mga babaeng naranasan ang mga bagay na iyon. That is priceless, that even your wealth combined, aren't enough."


Mahigpit niyang hinawakan ang baso at walang atubiling ibinato iyon sa'kin. Naka-ilag ako pero dumaplis ang baso sa balikat ko, dahilan para mabasag iyon at masugatan ang likurang bahagi ng kamay ko.


Tiningnan ko ang may sugat kong kamay, mahapdi, maraming dugo ang walang tigil sa paglabas.


He still managed to laugh, "Konsensiya is not in my dictionary. Buhay din naman 'yung kinuha ng lalaking 'yon, ah? Kasalanan din naman ang ginawa niya, so bakit kapag kami na 'yung kumuha, parang mas mali pa sa ginawa ng hayop na 'yon?" He took a deep breath, "Maiinggit din naman ako sa mga taong may kapatid, 'diba? Kung magdudusa ako, sisiguraduhin kong hindi ako mag-iisa."


His mindset now....Nakakapanibago.


The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon