Chapter 17

480 16 2
                                    


"Double dinner later?" Pumasok si Yino sa kwarto namin, dala niya 'yung favorite kong snacks.


Akmang kukuhanin ko iyon nang ilayo niya, "Pahingi lang!"


Nilipat niya sa kaliwa niyang kamay, "Ayaw! Isa lang 'to!"


Umirap ako, "Pahingi kasi!" Tumalon ako para abutin 'yung chips pero hindi namin namalayang may couch pala sa likod!


Natumba kami sa couch! Ang naging pwesto ay nasa ibabaw niya ako habang pilit pa'ring inaabot ang chips.


Nakita kong ngumisi siya kaya agad akong tumayo at kunwaring pinagpag ang mga damit ko.


"Ang damot mo kasi!"


Narinig ko siyang tumawa, "Ito na, sa'yo na. Bumaba kayo mamaya, mga 8 PM," Binigay niya sa'kin ang chips saka lumabas ng kwarto.


Kumuha ako ng isang piraso pero agad ko ring itinago 'yon nang lumabas si Maveline sa bedroom namin, "Mommy? What's that po?"


Itinago ko iyon sa likod ko at umiling, "N-Nothing, baby."


Tumaas ang isang kilay niya, "You're eating po..."


I gave her an awkward smile, iniwan ko ang chips sa table na nasa likod ko saka ko siya sinamahan pabalik sa bedroom para mag-prepare sa dinner na sinabi ng Daddy niya.


"Nasaan sila?" Kanina ko pa sila hinahanap sa restaurant ng hotel, hindi naman ako nagkamali ng location. Tama naman 'yung daan na pinuntahan ko.


"Are we lost, Mommy?" Humawak si Maveline sa kamay ko.


"I don't think so. The location says here, baby."


"You're not lost, Mavel." Humarap ako sa kaliwa ko at nakita roon si Yino na may hawak na malaking balloon.


What's funny is hugis rosas ang lobo.


"What..?" Napatigil ako nang higitin niya ang kurtina at bumungad sa akin ang isang napakagandang set-up ng mga pictures namin noon.


LED lights, and our pictures hung on the wall. Lumapit ako roon at pinasadahan ko ng hawak at tingin ang mga pictures namin noon. Memories flashed back in an instant, parang nakita ko ulit 'yung mga panahong kaming dalawa palang ang magkasama, noong isa't isa pa ang tinuturing naming mundo.


Sa ilalim ng punong may ukit, sa punong pinangako naming babalikan namin pagkatapos ng sampung taon. Nakalagay doon lahat, walang sobra at walang kulang.


Kumpleto ang pictures na naka-display sa wall na'to, hindi ko alam kung paano niya nagawang kunin 'to lahat, all I can say is....ang ganda.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon