Chapter 16

487 15 3
                                    


"Mommy, until when will we stay here?" Tanong ni Maveline habang binibihisan ko siya sa kwarto.


"We'll stay here for a week, baby. Daddy needs to work," Orange shorts at white top ang suot namin para sa swimming ngayong araw.


Nagsuot din ako ng white bathing suit underneath. Matapos naming mag-apply ng sunblock ay sabay kaming lumabas ng kwarto only to see Klei and Lully waiting for us outside.


Isinara ko ang pinto at humarap sa kanila, "Oh? Akala ko sa beach nalang tayo magkikita?"


Umirap si Lully kay Klei, "Yino wants us to wait for you. Hintayin din daw natin siya here," She crossed her arms, mataray ang postura niya pero hindi naman tunog mataray ang boses.


Gusto niya lang sigurong suyuin ni Klei.


These two, really.


She parted her lips nang tingnan niya ang kabuuan namin, "Wait, you guys look amazing! Ang cute!" Hinawakan niya ang kamay ni Maveline at ngumiti naman sa kan'ya ang anak ko, "Parang gusto ko na rin tuloy magka-daughter, such a cutie," Kinurot niya ang pisngi ni Maveline.


Bahagyang napalingon si Klei pero umiwas din agad ng tingin.


"Ikaw? Do you also want a daughter, Klei?" Nilakasan ko ang boses ko para marinig din ni Lully.


He scoffed, "Daughter? Puwede naman, basta hindi 'yang babaeng 'yan ang Ina," Umirap pa si loko, halata namang kabaliktaran ang ibig niyang sabihin.


Natawa ako, "Ayaw mo? Maganda naman si Lully ah. Matalino rin, ano bang klase ng babae ang gusto mo?"


I'm trying to help you here, Lully. 'Wag mo akong irapan.


"Klase ng babae ba kamo? Siguro 'yung kabaliktaran ng lahat sa kan'ya," Lalo akong natawa, he's a good entertainer but not a good liar.


"Sino bang 'siya'? Bakit hindi mo masabi ang pangalan niya?" Ganoon ako noon, nahihiya akong banggitin o sabihin man lang ang pangalan ni Yino. Alam kong hindi ako nag-iisa dahil hindi ba't ganoon naman? Mahihiya kang sabihin ang pangalan ng taong gusto mo.


Kaya 'wag mong sabihin sa'king hindi mo gusto si Lully, Klei.


Napakamot siya sa ulo niya, "Si ano si Lu- Basta 'yan!" Imbes na banggitin ang pangalan ay tinuro niya nalang.


Napailing ako, para silang mga limang taong mga bata na kapag tatanungin kung sinong crush mo, ganoon na ganoon ang klase ng pagturo niya.


"Am I late?" Napalingon kami kay Yino na kadarating lang, "Woah, you guys are stunning! You two, do you see them? That's my future wife and my daughter!" Humarap siya sa dalawa na iwas na naman ang tingin sa isa't isa.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon