Chapter 21

407 16 6
                                    


Vest's Point Of View.


Nakita ko mismo sa harapan ko kung paano nabaril ni Yino si Mavel.


Ako dapat 'yung tatamaan ng bala, ako dapat 'yung nasa ICU, ako dapat 'yung comatose, hindi ang kapatid ko.


Hindi ko inakalang tototohanin niya ang sinabi niyang pag-baril sa akin, he's not like that. He was a good person, until he also built Zieyan. And became one of the biggest enemies we've faced.


Karyin was named after my love, Karanna, and my nickname that she made, Yin-Yin. We were childhood friends. Noon palang ay kasama ko na siya, sa Singapore, sa US, she's with me in every country that I've went to.


And I'm happy that she chose me.


Binuo ko ang grupo dahil naisip kong bigyan ng trabaho ang mga taong walang makain, mga taong naka-salamuha ko and I guess it helped them.


"'Wag niyo po kaming tanggalan ng trabaho, Sir. Hindi po namin alam na kapatid niyo po pala siya," Kulang nalang ay lumuhod sila sa harapan ko. Sinunod lang naman nila ang utos ko, it wasn't entirely their fault.


Sinenyas ko ang isang kamay ko, "It's fine. I have no time to blame any of you, I just want my Sister to wake up," I held the bridge of my nose.


Napansin kong nag-tinginan sila saka umalis sa harapan ko.


Dalawang araw na rin mula noong mangyari 'yon, I haven't seen Yino or Klei. Hindi ko alam kung nag-sasaya ba siya o nalulungkot sa nagawa niya. But whatever it is, I'm going to be true to my words. Hindi ko na hahayaang makita niya pa ulit ang mag-ina niya.


Nasa temporary headquarters ako ng Karyin, it's been 2 days straight na nandoon ako sa Hospital. Kakabalik lang ni Mama sa Singapore pero pumunta rin agad dito sa Maldives.


Maveline knew that her Mom's state is still not guaranteed, pero hindi niya alam na Daddy niya ang may kasalanan kung bakit makina nalang ang patuloy na sumusoporta sa buhay ng Mommy niya.


Her Dad left her again, her Mom is fighting between life and death.


I badly want to hug Maveline, may kailangan lang talaga kaming tapusin for now.


Maya-maya ay may narinig akong mga katok sa pinto, "Come in,"


Sumalubong sa akin ang dalawang tauhang inutusan ko kanina na bantayan ang mga galaw ni Yino, "Sir, na-trace po namin na kakaalis lang nila ng Maldives kanina, kasama po 'yung isa pang babae. Papunta po ng Singapore ang flight nila, kasama po ang lahat ng taga Zieyan."


Fucking asshole.


Inikot ko ang swivel chair, "Follow them, be sure to know their next plans."

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon