Chapter 11

708 22 0
                                    


Ang saya sa pakiramdam, ang saya dahil finally, nasabi ko na ang totoo.


Ang sayang makita siyang gano'n, at ang dahilan ay dahil nalaman niyang anak niya si Maveline. Tama nga si Papa, magiging masaya siya kapag nalaman niya, pero never in my mind crossed na ganoon ang magiging reaksyon niya.


I kept repeating that scene in my mind, hindi ko makalimutan. It's so ironic na parang noong isang buwan lang ay nag-aalala ako sa kung paano ko sasabihin sa kan'ya, tapos ngayon masayang masaya ako sa kung ano ang naging resulta.


Tanggap niya.


Pagpasok ko sa loob ay hindi pa rin nagigising si Maveline, ang sabi naman ng Doktor ay within this 24 hours ay possible na magising siya.


Nakahawak si Mama sa kamay niya at si Papa naman ay nasa gilid ng kwarto, may kausap sa phone. Another business client.


"Ma," Naglakad ako palapit sa kan'ya at hinawakan ang balikat niya, "Thank you, alam na niya," I gave her my sweetest smile.


Marahan niyang binitawan ang kamay ni Maveline, tumayo siya at niyakap ako, "That's good, anak. I'm so proud of you," Muntik na yata siyang umiyak sa saya.


Tumango ako at ngumiti, "Maveline's condition...." Tumingin ako sa anak ko, "Kailangan niya munang mag-recover bago natin sabihin ang totoo, baka magulat siya," Ibinalik ko ang paningin kay Mama.


Hinaplos niya ang buhok ko, "I should've watched his reaction, did he cry?" Nanlaki ang mga mata niyang tanong sa akin.


Tumango ako at muling inalala ang itsura niya kanina.


Sinundot naman ni Mama ang tagiliran ko, "So now that he knows, parang gusto ko naman ng apong lalaki, what do you think?" Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi.


"Ma! Nalaman niya lang 'yung totoo, hindi naman ibig sabihin no'n ay nagkabalikan kami. Mommy ako ni Maveline at Daddy siya. That's only our relationship." Umiwas ako ng tingin.


Hindi naman lahat ng relasyon ay madaling ibalik, let alone the number of years we've been apart.


Napairap siya, "Ah, basta! Gusto ko ng apong lalaki. Ang maunang makapagbibigay ng apong lalaki sa'kin, sa kan'ya ko ipapangalan ang D.Association." She even crossed her arms.


Natawa ako, "Anong akala mo sa panganganak, Ma? Bring me?" Mahina akong tumawa para hindi magulo si Papa sa tabi.


Maiintindihan ko naman kung kay Kuya nila ipangalan ang business, siya naman 'yung mas matanda.


Nang matapos ang tawag ay lumapit sa amin si Papa, "Did I miss something? Bakit parang naririnig ko kayong nagtatawanan kanina?" Dahil maliit lang ang space na nasakop ni Maveline ay umupo si Papa sa bakanteng part ng bed.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon