Chapter 5

892 26 2
                                    

Warning: Medyo R-18


"Excuse me, Mavel. I need to present my speech," Tumayo siya at ibinalik sa ayos ang upuan, "Hi, baby. Tito Yino needs to go, it was nice meeting you." Hinaplos niya ang buhok ni Maveline.


Matamis na ngiti ang isinukli ni Maveline sa kan'ya. "Visit us po lagi, Tito! I can tell my Lolo to let you in our house." She giggled.


Gusto ko sanang tumanggi pero ano bang laban ko sa anak ko, "Baby, baka busy si Tito Yino,"


"No, actually I'm very very free." Sabi niya kay Maveline. "I need to go," He waved at us at saka pumunta sa stage.


Noong gabing iyon dahil nga number 1 shipper si Papa ng love team namin ni Yino, hinayaan niyang siya ang maghatid sa amin sa bahay. Kasama rin namin pag-uwi si Iveray, gusto niya raw mag spend ng time with us. Kaya nalaman din ni Yino ang address kung saan kami nananatili rito sa Singapore.


Nang makarating sa harap ng bahay ay siya ang nagbukas ng pinto para kay Maveline. "Careful, baby."


He's acting as if he knows that he is her father.


"Thank you po, Tito!" She smiled. Pumasok na rin agad siya sa loob dahil inaantok na raw siya.


Matapos bumaba ni Maveline ay si Iveray naman ang lumabas sa sasakyan. "Okay, so it was nice seeing you again. Sikat na sikat na ka na, congrats for that! I'm also very happy dahil nagkita na rin kayo ulit ni Resh." Sabi ni Iveray sa kan'ya. Hindi siya sumagot at tumango na lamang. "Una na ako sa loob, take your time." Kinindatan pa ako ni gaga bago pumasok sa loob ng bahay.


Nanatiling nakabukas ang pintuan ng sasakyan, hindi muna ako bumaba. Inilabas ko lang ang paa ko at nanatili akong nakaupo sa loob. Habang si Yino naman ay nakatayo at nakapatong ang kaliwang braso sa pinto ng sasakyan. Malalim ang iniisip at nakatingin sa kulay itim na langit.


In my point of view, kitang kita ko ang sobrang attractive na side profile niya. From the shape of his face, to the bridge of his nose, to his rosy soft lips, and of course his eyes.


Makalimutan ko na ang lahat pero huwag lang ang mga mata niya, hindi man niya alam pero ang mata niya ang una niyang ipinamana kay Maveline.


Especially at this moment, where I can see the reflection of the stars in his eyes.


This was my favorite view.


~7 years ago....


Lampas isang linggo na rin noong nakilala ko si Yino. Magkasama kami tuwing umaga, dahil kapag wala si kuya ay siya ang sumusundo sa akin. Masaya rin sila Mama at Papa na nagkasundo kami.


Lampas isang linggo ko na ring hindi nakakasama ang parents ko. They left again for another business trip. Kaya mula nung umalis sila, si Yino na 'yung lagi kong nakakasama.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon