Matapos akong bumisita sa branch ay umuwi na agad ako sa bahay para maghanda sa pagpunta namin sa mga lion na gustong gusto ni Maveline.
"Baby, I'm home!" Ibinaba ko ang bag ko sa couch at hinintay siyang bumaba.
I saw her coming down from the stairs at muntik pa siyang malaglag dahil nananakbo siya. Buti nalang nasalo ko agad at hindi nagkasugat.
My clumsy baby, just like her Dad.
"What did I told you? Diba sabi ko huwag kang mananakbo lalo na kung nababa ka sa stairs?" Pinagpagan ko ang paa niya at sinuutan ito ng slippers.
"Sorry, Mommy. I won't run anymore." She's about to cry so I hugged her.
"It's fine to make mistakes, baby. Just don't do it again, it's for your own safety."
"Yes, Mommy."
"Sige na, bihis na tayo for the lions?" Tumayo ako at sinamahan siyang pumunta sa closet niya.
"What color do you want to wear? Pink or Yellow?" Kumuha ako ng top na pink at dress na yellow, siya ang pinapapili ko ng kulay dahil alam kong may sense of fashion na rin 'tong anak ko.
I was shocked when I saw her closet, naka ayos by color! Privilege of being the apo of the owner of a clothing line.
"I wanna wear orange." Of course, she likes orange the most.
"Orange ulit? You wore clothes in orange for the past week, baby. Do you still want orange now?" I made sure. Hindi pwedeng mag tantrum siya sa park mamaya.
"I want orange po until Tito Shu comes back." Pinag cross niya ang kamay niya.
Her Tito Shu is actually my brother. Shu Shu means 'uncle' in Chinese, kasalanan ko 'to e, kakapanood ko 'to ng Chinese Dramas. Nahawa tuloy si Maveline.
Tumango ako. "Okay, fine, fine. Clothes in orange, okay?"
Kumuha ako ng top na orange at black na shorts. Kahapon ay naka orange dress siya kaya ito naman ngayon para maiba naman.
Pagkatapos naming magbihis ay bumaba na kami at naabutan doon sila Mama at Papa na naghihintay pala.
Lumapit agad si Mama sa anak ko, "Apo, ang ganda ganda mo naman, did you like your closet?"
"Yes po, Lola! Ang dami pong color orange!" Masiglang sagot naman ni Maveline.
Ngumiti si Mama, "I'm glad you like it, so let's go? The lions are waiting!"
"Yay! Let's go!" Tumakbo agad si Maveline sa sasakyan kaya agad binuksan ng isang tauhan ang pinto para makapasok siya.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomanceAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...