Nang may marinig kaming tunog ng paparating na sasakyan ay agad hinawakan ni Brize ang kamay namin ni Lully.
"Leave! Ilayo mo sila rito!" Maraming tauhan nila ang pumalibot sa lalabasan namin, kasama sina Yino at Klei. May mga tauhan ring naghihintay sa amin sa ibaba.
"Wait! Klei, will you be safe?!" Palabas na kami sa exit ng bathroom nang tumigil si Lully.
"At this point of time, ako pa'rin 'yung iniisip mo?! Umalis na kayo!" Ilang tauhan ang layo nila sa isa't isa kaya halos mabingi na rin ako sa mga sigaw nila.
Hinawakan ko na agad ang kamay ni Lully at pinauna siyang lumabas sa secret exit ng bathroom sa kwartong iyon.
Matapos naming bumaba sa secret exit ay may mga tauhan silang inalalayan kami papasok sa sasakyan.
Umupo si Brize sa front seat katabi ng driver at kami ni Lully sa back seat.
Hindi ko sila maintindihan, kanina halos patayin nila kami, ngayon naman ay tinutulungan nila kaming tumakas at huwag masaktan.
Gaano ba ka-delikado ang Karyin na iyon?
"Mavel, Lully, saan kayo nags-stay dito sa Maldives? Kailangan niyo nang mag-impake at bumalik sa Singapore. Hindi na safe rito, pinaka-malalakas ang Karyin. Gusto nilang ubusin kami para sila na 'yung maging pinaka-malakas na grupo internationally. Matatagalan sila Boss na talunin sila, hindi rin natin alam baka..." Sandaling tumigil si Brize sa pagsasalita saka huminga nang malalim.
"Baka what?!" Humawak si Lully sa gilid ng upuan ni Brize.
"Baka...Hindi matalo nila boss ang Karyin. Baka totoong maubos ng Karyin ang Zieyan, magtiwala nalang tayo kay boss. Mula noon pa naman ay hindi pa siya natatamaan ng bala sa mga labanang ganito. Experienced siya at well-trained ni Madam. Let's believe in him." Nakita kong napahigpit ang hawak ni Lully sa upuan at ibinaling ni Brize ang paningin sa labas ng bintana.
"Does that mean Klei can also die?" Lumingon ako sa kan'ya at nakita siyang umiiyak.
Totoo bang gusto niya si Klei o hindi?
Pinatay ni Klei ang Dad niya, how could she like him?
Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko, "Magtiwala ka sa kan'ya, Lully," Napangiti ako nang malungkot, "How can you still like him, Lully? He's a devil."
She sobbed, "He's not. Alam kong pinilit lang siya ni Yino na patayin si Dad. My Dad didn't care about me, that is why I hate him. Nalaman nilang I was a witness of their crime, they also wanted to kill me, pero sinabi ni Klei sa'kin na may pag-gagamitan pa raw ako. All my life they've been blackmailing me, saying that if I say something, they will end mine and my Mom's life," She scoffed, "Alam kong kaya nilang gawin 'yon, and I was scared. Pero sa harap ng mga tao, ang bait niya sa'kin. That's the side of him na gusto kong sana habambuhay nalang nandoon," She laughed sarcastically.
BINABASA MO ANG
The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]
RomanceAt age 17, some teenagers work from day to night just to have something to eat. While our female lead, at age 17, badly wanted to mess her life up. Mavel is a wealthy, wealthy girl from a well-known family. Yino on the other hand is also a wealthy b...