Chapter 15

526 16 17
                                    


Ilang araw din naming pinaghandaan ang pagpunta sa Maldives, ilang gabi na rin ang hindi ko naitulog dahil sa excitement.


Ever since pinanganak ko si Maveline ay ito na ang kauna-unahang bakasyon ko outside the country.


This time, kumpleto na kami.


3:00 AM nang sunduin kami ni Yino sa bahay, isang oras pa bago ang flight pero dahil malayo ang airport sa bahay ay inagahan namin ng alis.


Kinuha niya ang dalawang luggage na dala ko, "This is quite heavy, you should've called me in," Ipinasok niya iyon sa likod ng sasakyan.


Sumakay ako sa front seat dahil iyon nalang ang bakante, si Lully naman ang umalalay kay Maveline. Pinaupo niya ang anak ko sa gitna nila ni Klei.


"Tita Lully and Tito Klei are so bagay!" She giggled.


Natawa lang ako. Naalala ko noong una niyang nakilala ang girlfriend ni Kuya, sinabi niya rin na bagay sila, and they ended up with each other.


I have to congrats Lully in advance.


"Don't joke like that, baby. Baka maging totoo..." Lumingon ako sa kanila at nakitang hinahawi ni Lully ang buhok niya para mapansin ni Klei na ngayon ay diring-diri sa ginagawa niya.


"Tsk, Maveline paglaki mo huwag kang gagaya dyan sa babaeng 'yan, hindi siya nakakatuwa," Gusto kong tumawa nang malakas pero baka pati sa'kin ay magalit si Klei.


Ako na ang sumagot, "Ilang tagalog words lang ang naiintindihan niya, Klei. You might have to speak English," I smiled awkwardly.


"Ha? Iba talaga kapag anak ng Asia's Top Paid model, ano ba yan! Wala akong baon ngayon, Mavel! Paano 'yon?" Napailing lang ako, "Teka, Pilipino naman kayo parehas ni Yino, 'diba? Paanong naging Englishera 'tong anak niyo?"


"Noong napagod akong maghanap kay Yino, umalis kami ng bansa at pumunta sa America. Doon ako nanganak, she's 4 when we first went to the Philippines."


Pagkatapos kong manganak noon ay pinagpatuloy ko ang pag-aaral kasama si Iveray. Nagkahiwalay lang ulit kami noong nagtapos na ako, nagsimula naman akong mag-aral kung anong dapat gawin sa pagma-manage ng kumpanya.


"Kaya pala! Ayaw ko nalang magsalita," Tumingin siya sa bintana at iniwas ang tingin sa aming lahat.


"Tsk, cutie." Rinig kong bulong ni Lully saka humarap din sa bintana niya.


Maya-maya ay pumasok si Yino saka tumingin sa dalawa, "Wala akong pakialam sa kalandian niyong dalawa pero umayos kayo ng upo at h'wag n'yong siksikin ang anak ko," Sabi niya habang nakatingin sa salamin.


Napairap naman silang dalawa saka sabay umisod sa gilid nila, leaving a huge space for Maveline.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon