Chapter 14

551 13 9
                                    


"Vacation? Saan?" Bungad ni Yino sa akin pagkauwi palang sa bahay, sinabihan ko na ngang umuwi na at doon na sa condo niya matulog pero ayaw pa'rin.


Itinaas ko ang dalawang balikat ko, "Maldives? Or Mexico?"


"No! H'wag sa Mexico," Tumayo pa siya sa pagkakaupo niya.


Nandoon nga pala ang Mom niya, minsan iniisip ko rin kung sakali bang malaman ng Mom niya na may apo na siya, would she be happy? Would she forget her doings back then? Hindi na ba niya sasaktan ang sarili niyang anak?


Tumahimik ako saglit, baka may masabi pa akong bagay na makakapagpa-alala sa kan'ya ng mga panahong 'yon.


Naaawa rin talaga ako kay Yino mula pa noon. Minsan niya lang makasama ang parents niya, kahit hindi ko madalas makasama sila Mama at Papa noon, mas madalas ko pa rin silang nakikita kumpara kay Yino. Kahit hindi siya masaya, pinipilit niya akong pasayahin dahil alam niyang bukod sa kan'ya ay wala naman na akong iba pang mapupuntahan.


And I loved him because of that, 'yung pagiging selfless niya minsan, and the way he cares, the way he protects you, alam kong walang babaeng hindi gusto ang mga katangiang ganito.


I know that he will be a good Father, kaya kahit walang kasiguraduhan kung makikita ko pa ba siya ulit, hinayaan kong mabuhay si Maveline hindi lang dahil mahal ko ang anak ko kundi dahil alam kong may isang mabuting Ama ang naghihintay sa kan'ya.


Hindi ako nagkamali.


"M-Maldives nalang? It's a good time to go there," Nagpilit ako ng ngiti.


Nakapunta na ako roon once, pero for business. I never got the chance to swim or play. Kaya kahit marami na akong bansang napuntahan, I don't consider that as a vacation or adventure, for business lang talaga. Once na matapos na namin kung ano 'yung ipinunta namin doon, balik trabaho na ulit.


Ngumiti siya at muling umupo, "Maldives it is," Nang may maalala ay lumabas siya ng kwarto, "Baby! What are you doing?"


Sinabi naman ni Maveline kanina na sa playroom muna siya. Nag-aalala lang yata talaga siya kahit sandali lang mawala si Maveline sa mga mata niya.


~


"Graduation party is tomorrow night, what are your plans?" Tanong niya sa'kin nang makapasok sa bahay.


Kulang nalang yata ay dito na rin siya tumira, tine-take niya 'yung chances kapag wala sila Mama at Papa. Minsan kaming dalawa saka mga kasambahay nalang ang naiiwan dito sa bahay.


Kumuha ako ng isang packet ng sigarilyo, pero agad niya 'yong inagaw kaya napairap ako, "Ano ba! Ako 'tong mas matanda sa'yo, pero nanigarilyo ba ako, ha? I'm your boyfriend, young lady. Tigilan mo nga 'tong habit na'to! Hindi porket hinahayaan ka ng parents mo ay hahayaan na rin kita," Inilagay niya iyon sa bulsa niya.

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon