Chapter 24

415 15 7
                                    

Pinilit kong tumayo para sana lapitan ang anak ko, kaso ay hindi ko pa kayang maglakad.



"Baby..." I opened my arms, calling her to come and hug me.



Nakalagay sa mga mata ang kamay, ay lumapit siya sa akin at humiga sa braso ko, "M-Mommy....Should I w-wait another s-six years to s-see D-Daddy again?" She said in between her sobs.

 

Lalo akong naiyak at naawa sa kalagayan namin ngayon. Harap-harapan niya kaming iniwan. This time, it hurts double, dahil dalawa na kaming nasaktan.

 

He will fix himself for two years, and eventually he will come back. At the time he comes back, kapag wala pa'ring namamagitan sa amin ni Dine, he will what? He will marry me? And his reason to marry me is because we have a daughter. Not because he truly loves me.

 

These kind of thoughts make me the weakest the most. Paano kung dumating nga 'yung araw na babalik siya, pero hindi naman niya ako mahal?



"Daddy will come back to see you again, Maveline. Daddy promised you, right? He promised you, it means he will stay true to his words," Dahil kung may matutupad man siyang pangako, pangako niya iyon sa anak niya.



"I will spend two years without him, Mommy? I only met him months ago, and they already took him away from us. I just want a Daddy, I just want him, Mommy.....Why can't I?" I parted my lips, she's now saying these kind of words. Ang lalim na ng mga iniisip niya.

 

Napatitig lang ako at niyakap siya nang mahigpit, I don't know what to say. Hindi ko na p'wedeng sabihin sa kan'ya na her Dad didn't mean that. Dahil naiintindihan na niya lahat. Two months from now ay birthday na ni Maveline. She's turning 7. Mahalaga pa naman ang 7th birthday ng isang bata, akala ko ay present na si Yino sa kauna-unahang birthday ni Maveline na kasama siya. Pero hindi pala.

 

"I'm hurting when I see your tears, baby. Let's wait for him to reach us out again, okay? You see, two years aren't that long. Sooner or later you will see your Daddy again," I'm convinving her and convincing myself at the same time. Ilang minuto palang ang nakakalipas ay ganito na agad ang reaksyon namin. What more in that two whole years?



"Shhh, my babies. Nandito ako, si Lolo mo, si Tito Shu number 2, nandito kaming lahat, Maveline. We can be your Daddy. Stop crying na, okay? Tell you what? Kapag p'wede nang lumabas si Mommy mo, babalik na tayong Singapore tapos pupunta ulit tayo sa mga lions. That's fun right?" Lumapit sa amin si Kuya saka hinawakan ang balikat ni Maveline.

 

She nodded, pero hindi siya tumigil sa pag-iyak.

 

"Bro! Ano'ng nangyari? Bakit mo'ko tinawagan? May nangyari ba?" Napalingon kaming tatlo kay Dine na kakapasok lang, "Teka, nasaan sila Tita?"



Tumingin sa kan'ya si Kuya, "May inasiko lang daw sa counter, pina-una na nila si Maveline dito."

The Mistake We Both Wanted [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon